Chapter 24

17.4K 317 2
                                    

MASAMA ang tingin ang ipinupukol sa akin ni sir Zyair pagkatapos niyang bitawan ng marahas ang aking braso.

"You know kung hindi ka lang sana umalis ng biglaan,edi sana ay hindi mabububog at nagwala si Zane!"gigil na sabi nito.

"S-sir pasensya na po, nagkaron po kas-"

"Shut up.I don't want to hear any explanation coming from you."walang emosyong sabi nito at iniwan ako.

Nanghihinang napasandal nalang ako sa pader at kiking sinisisi ang sarili sa nangyari kay Zane.

Alam ko naman talagang may mali din ako,na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya at kay Zane.

Alam ko ding attached sa akin si Zane kaya siguro nang malaman nitong umalis ako ay dun na nagwala.

Kinabukasan ay ramdam ko ang lamig nang pakikitungo sa akin ni sir Zyair.

Kung hindi nga lang niya ko kailangan bilinan at kausapin tungkol kay Zane ay alam kong dededmahin ako nito.

Si Zane naman ay sinusundan ako kahit saan ako magpunta kahit sinabihan ko na itong hindi naman ako aalis.

Kaya naman ng maghapon at napatulog ko na si Zane ay dun lang ako nakaligo at nakatulong kay nay Yoli.

Hindi kasi ako makagalaw kanina dahil na din sa pagsunod sunod sa akin ni Zane.

Nang matapos kong matulungan si nay Yoli ay nagtapon muna ako ng basura sa labas.

Pabalik na sana ako ng bahay nang may mabilis na umaandar na motor ang muntik nang bumanga sa akin.

Napaupo ako sa takot at gulat habang ang motor ay tuloy sa andar at hindi man lang ako hinintuan.

Napahawak ako sa aking dibdib sa lakas nang kabog nito.Takot ang bumalot sa sistema ko sa nangyari.

Alam kong walang nakakita nun dahil hindi pala labas ang mga tao dito sa subdivision.

Dahan dahan akong tumayo at tumingin pa sa dinaanan nang nakamotor bago tuluyang pumasok sa bahay.

Nakasalubong ko si Nay Yoli na mukhang nagulat sa itsura ko.

"Oh,iha bakit parang nakakita ka ng multo at hinihingal pa?"nagtatakang tanong nito.

Kinuwento ko dito ang tungkol sa motor at nabasakan ko ng pag aalala ang mukha nito matapos kong maisalaysay ang lahat.

"Naku,baka may nakapasok nang masasama ang loob dito marapat na itong sabihin kay sir Zyair upang agad ding masulusyunan."saad nito.

"Oh siya,hinahanap ka na ng alaga mo at lalabas na nga sana ako para tawagin ka din mukhang paiyak na iyon nang hindi ka makita paggising."
Ani ni nay Yoli kaya nagmamadali na akong hanapin si Zane.

Nakita ko ito sa kusina at mukang hinahanap nga ako.

Nang makita ako nito ay agad itong nagpabuhat sa akin na agad ko naman siyang binuhat at tinahan dahil narinig ko ang mahihinang hikbi nito.

Nadala na ata ang bata sa pag iwan ko sa kaniy at ngayon ay nawala lang ako saglit sa paningin niya ay nag iiyak na.

Naiintindihan ko naman ito kaya tinahan at pinasaya ko na siya para man lang makabawi sa aking pag alis kahapon.

Kasalukuyang kumakain si Zane ng cake na paborito niya ng dumating ang hindi inaasahang bisita.

Itutuloy.
❄️
Chapter 25 will be........

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon