Chapter 6

20.5K 434 12
                                    

NAGKUKUWENTUHAN pa din sila sa sala habang ako ay hinanap na si Zane,hindi na kasi ito bumaba magmula kanina.

Nakita ko namang hindi masyadong nasara ang pinto ng kwarto niya kaya sumilip ako doon at nakita kong nilalaro nito ang puppy.

Tuluyan na akong pumasok kaya napaangat ang tingin niya sa akin at nakita ko nanaman ang mga asul na mata nitong may halong lungkot.

Kaya agad akong lumapit dito at ito naman ay agad yumakap sa aking leeg hanggang sa narinig ko nalang ang munting hikbi nito.

"I-i don't like her,nikukuha niya daddy ko sakin and when i go to daddy she get mad at me and beat me till i cry."sabi nito kaya nakakunot ang noo ko.

"Wait what?sinasaktan ka ng babaeng yon?"nakakunot noong tanong ko sa kaniya at tumango naman ito.

"Then bakit hindi mo sinasabi sa daddy mo?"tanong ko pa dito.

"I once told him but sadly the clown saw us and then she libang my daddy so the attention will turn to her."nakayukong sabi nito.

Para namang kumirot ang puso dahil sa kaniyang ibinahagi.

"Baby,look at me okay no one will  hurt you hanggang nandito ako,Hinding hindi kita papabayaan at iiwan,Depende nalang kung ikaw na mismo ang magsabing ayaw mo na sa akin."sabi ko dito.

"That will never happen po momma,i love you always po and Thank you."sabi niya sabay halik sa aking magkabilang pisngi.

"Naks sweet naman."sabi ko dito habang nakangiti na siyang nagpangiti din sa kaniya.

Bumalik na muli ang ang sigla sa mga mata nito at nakipaglaro na muli sa kaniyang puppy.

Ako naman ay inayos muna ang higaan at ibang laruan na nakakalat sa kwarto niya.

Una ko munang inayos ang higaan niya na sobrang gulo sunod ay ang mga sasakyang laruan nito.

Nang matapos ay sinama ko pababa ang bata at aso para na din makapagmeryenda na.

Pagkababa namin ay nakita kong nakapulupot ang mga kamay ng babae sa leeg ni Sir Zyair na tahimik na umiinom,Nakakandong din ang babae sa hita ni sir.

Nang makita ni Zane iyon ay iniwas niya agad ang paningan doon at kinausap ang aso na kala mo tao dahil sumasagot ito sa pamamagitan ng tahol.

Nilapag ko muna sa may dining area sila Zane para na din mahanda ko na ang memeryendahin niya.

Matapos kong maihanda ang red velvet cake na meryenda ni Zane ay ibinigay ko na agad ito sa kaniya na agad niya namang kinain.

Matapos iyon ay tumalikod muna ako sa kaniya at nagsalin ng isang basong gatas sa kaniya at para na din sa aso.

Pagharap ko ay muntikan ko pang matapos ang gatas dahil may tao pala sa likod ko.

Siya ang isa sa mga kaibigan ni sir na may abong mata.

"Oh,Hi miss?"sabi nito.

"C-clementine."nautal kong sagot dahil napatitig ako sa magagandang mata nito.

"Nice meeting you Clementine, I'm Griffin Ashley." sabi nito at nilahad ang kamay na tinanggap ko naman.

Pagkatapos makipagkilala ni Griffin ay bumalik na din ito sa sala kumuha lang pala siya ng yelo sa ref.

Ako naman ay bumalik kay Zane na patapos ng maubos ang cake.

Pagkatapos kumain ni Zane ay ininom niya na din ang gatas nang dumating ang babae.

Nakataas ang kilay nitong tumingin sa amin.

"Why are you here?" maarteng tanong nito.

"Of course, this is our house CLOWN." wala lang na sabi ni Zane.

"Tsk! umakyat na nga kayo! ambaho niyo, at ikaw bata kinain mo pa talaga ang cake na dinala ko for Zyair." nakaduro ang kamay na sabi nito kay Zane.

Kaya agad akong umaksyon ay binaba ang daliri nito kaya napatingin siya sa akin.

"How dare you put down my pretty fingers!" galit na sabi nito.

Itutuloy.
❄️
Facebook account: ZariyahDenise Wp
Facebook Group: Cedeese Solace Haven
Messenger GC: Cedeese Cheese Squad
Twitter: ZariyahDenise
IG: Zari.yahdenise

BS #1 BetrayedWhere stories live. Discover now