Chapter 43

25.6K 424 77
                                    

NAGLALARO ang kambal habang ako naman ay naglilinis ng kwarto,nasa higaan sila bawat gilid ay may harang.

Patingin tingin din ako sa kanila minuminuto dahil baka mag away nanaman sila.

"Mama mama ma"rinig kong bigkas ni Chevy.

Tumingin ako dito at nakitang subo subo ang laruang bola habang si Chandler ay binabato ang mga bola.

Napailing nalang ako sa kanila at pinulot ang mga binatong bola ni Chandler.

"Pa pa papa"sabi ni Chandler.

Tinapos ko na ang aking paglilinis at naghugas ng kamay bago lumapit sa kanila.

"Gutom na ba ang mga baby ko?"
malambing kong tanong sa kanila.

Agad na lumapit sa akin si Chevy at yumakap sa aking leeg habang si Chandler ay humawak sa aking damit at tinatanggal ito.

Napatawa ako sa ginagawa niya dahil malapit na siyang umiyak nang hindi niya matanggal ang damit ko para makadede.

Breastfeed babies sila dahil mas masustansya iyon at iyon din ang sinabi ni nanay.

Kesa daw bumili kami ng gatas,ay sa akin nalang daw dumede ang kambal nakamura na at higit sa lahat ay mas healthy pa.

Tinaas ko na ang damit ko at tinanggal ang bra kaya mabilis na dumede ang dalawa.

Kinukurot kurot pa nga ako sa mukha ni Chandler habang dumede at nakatingin sa akin.

Natatawa lang si Chevy sa ginagawa ng kakambal.

"Aray!"daing ko ng kagatin ako ni Chandler.

May isang ngipin na kasi sila at madalas niya kong kagatin at pagtatawan din.

Pinisil ko ang matambok nitong pisngi na siyang ikinahagikgik niya.

Matapos nilang dumede ay lumabas na kami ng kwarto upang makapaglaro sila sa kanilang lola.

Binigay ko si Chandler kay nanay na tinanggap niya naman at sa akin nanatili si Chevy.

Masyadong clingy sa akin si Chevy kaya hindi agad agad itong nagpapabuhat kahit pa lola o lolo niya iyon.

Pinapatawa ni nanay si Chandler at hindi naman siya nabigo dahil tawa ng tawa ang bata.

Nang magpababa na si Chevy ay naghanda na akong umalis.

Mamimili kasi ako sa bayan ng ilang damit at gamit ng kambal kaya maiiwan muna sila dito,kaya naman silang alagaan ng sabay ni nanay.

Nagpaalam na ako kay nanay at hinalikan ang noo ng kambal bago umalis.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa bayan,naging mabilis lang naman ang byahe at halos kinse minuto ay nakarating na ako.

Agad akong pumunta sa pamilihang bayan at naghanap ng pang 6 months old na damit.

Hindi naman ako nabigo dahil may mga nakita ako at may mga macucute na design pa.

Pinili ko ang dinosaur na parehong design upang terno ang kambal at kumupa pa ng ibang pares.

Halos kinuha ko ay yung mga animals design upang maging mapamilyar din dun ang kambal.

Sa ngayon kasi ay tinuturuan ko na sila ng mga uri at tunog ng bawat hayop.

Madali lang naman silang turuan dahil makikita mong interesado talaga sila.

"Finally.I found you."rinig kong pamilyar na boses sa likod ko kaya napalingon ako.

Gulat ang rumehistro sa aking mukha nang makaharap ang taong nagsalita.

Itutuloy.
❄️
⊙.☉

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon