Chapter 42

25.6K 383 32
                                    

NATUTULOG pa ang kambal kaya naman naisipan kong maglinis linis muna dahil kapag nagising na sila ay hindi nanaman ako makakapaglinis.

Sinimulan kong ayusin ang mga damit nila sunod ay mga laruan at ang mga pinapahid pahid ko sa kanila.

Maya maya ay natapos na din ako kaya naghugas muna ako ng kamay dahil puro alikabok ang mga ito.

Paglabas ko ng banyo ay saktong nakita kong gising na ang kambal at kinukulit ni Chandler si Chevy.

"Na nya nya"bigkas ni Chandler habang hinahawakan ang mukha ng kapatid.

Hindi naman sinasadyang nakurot ni Chandler si Chevy kaya agad itong umiyak.

Lumapit agad ako sa kanila at pinatahan ang bunso.

"Chandler why did you do that?"
tanong ko sa panganay na tumatawa tawa lang.

Hindi kalaunan ay tumahan na naman si Chevy kaya binuhat ko na silang dalawa ay lunabas na kami.

Nakita ko si nanay na kakatapos lang magluto ng agahan at si tatay na nagbabasa ng dyaryo.

Si Francisco naman ay kumakain na.

"Oh,iha gising na pala kayo.Sige na kumain ka na ako na muna ang bahala sa kambal"sabi ni nanay.

Kukuhanin niya na sana sa akin si Chevy pero umiwas ito at kumapit sa aking leeg.

Si Chandler naman ay kusang sumama kay nanay,natawa nalang sila.

Kinandong ko nalang si Chevy at sinubuan ng kaunti.

Ang sabi naman ay pwede na silang kumain ng normal foods pero dahan dahanin dahil nga 6 months palang.

Sinusubuan ko lang ng may pulang egg si Chevy ganun din ang ginagawa ni nanay.

Binaba na din ni tatay ang binabasang dyaryo,si Francisco naman ay nag extra fried rice pa.

Nang matapos kaming kumain ay ibinaba muna namin ang kambal sa sahig na may foam puzzle.

Binigay ko din sa kanila ang ilang mga laruan at naglaro na sila.

Naghugas na ako ng pinagkainan at si nanay naman ay naglilinis sa bakuran,umalis na din sila tatay at Francisco.May sarili na din silang permanenteng trabaho.

Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas muna ako ng kamay at pumunta na sa kambal.

Nadatnan kong nag aagawan ang dalawa sa isang bola na pareho naman silang meron.

"Chandler Zyon,Chevy Zion babies.Anong sinabi ko sa inyo?"tanong ko sa mga ito pero hindi pa din sila tumigil sa pag aagawan hanggang sa naagaw iyon ni Chandler.

Tuwang tuwa ang panganay habang ang bunso ay nakasimangot.

Nagulat nalang ako ng biglang paluin ni Chevy si Chandler sa ulo.

Napangiwi ako dahil alam kong mabigat ang kamay niya.Agad ding umatungal ng iyak si Chandler.

Pumunta na ako sa kanila at umupo sa tabi nila.

Agad naman akong nilapitan ni Chevy na patuloy pa ding umiiyak at tinuturo ang kapatid niya.

"Ma ma ma ma"umiiyak na sabi ni Chevy.

Binigay ko naman sa kaniya ang kaparehong bola pero hindi pa din siya tumatahan kaya dumampot ako ng sasakyang laruan.

Tumahan nanaman siya kaya nagpatuloy na silang maglaro muli.

Napailing iling nalang ako sa dalawang ito.Kambal nga sila pero palagi naman nag aaway.

Itutuloy.
❄️
I guess aabot ito ng chapter 50◉‿◉

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon