Chapter 26

18.3K 334 10
                                    

NATULALA lang ako nang maalala ko ang mga nangyari.Hindi ako maka-
kilos sa nararamdaman ko ngayon.

Napatingin ulit ako kay Sir Zyair ng umungot ito at tila may hinahanap ang kamay.

Nang makapa niya ako ay mabilis niyang hinapit ang aking bewang kaya muli akong napahiga at nilagay niya ang mukha sa aking leeg at ang binti sa aking mga binti.

Tinaka kong tanggalin ang braso niya ngunit humihigpit lang ito kaya hinihintay ko munang humimbing ang tulog niya bago tanggalin.

Habang nakatingin sa kisame ay nag iisip na ako ng mga dapat kong gawin dahil sa nangyari sa amin.

Nang lumuwag na ang yakap niya ay dahan dahan ko nang tinanggal ang kaniyang braso at binti sa akin at dahan dahan ding umalis sa kama.

Nang mapahtagumpayan ko ay hinanap ko na ang mga damit ko, nahirapan pa ako sa paghahanap dahil sa ibat ibang panig pa ito ng kwarto nakalagay na mukang hinagis pa.

May punit pa ang t shirt ko pero sinuot ko pa din para makaalis na.

Nang matapos makapagbihis ay nagtungo na ako sa pinto habang nakatingin sa lalaking mahimbing ang tulog sa kama.

Pilit kong hindi makagawa nang ingay upang hindi siya magising at napagtagumpayan ko naman iyon.

Ika ika akong naglakad papunta sa aking kwarto na kahit pa masakit ang buong katawan ko ay pinilit ko pa ding maligo.

Nang matapat ako sa salamin matapos maligo ay nakita ko ang maraming pasa sa ibat ibang bahagi ng aking katawan.

Meron sa hita,sa paa,sa wrist sa,braso at meron pang mapulang marka sa gitna ng aking dibdib.

Ramdam ko pa din hanggang ngayon ang sakit ng pagkababae ko dulot ng nangyari kagabi.

Nang matapos kong ayusin ang aking sarili ay nagsuot lang ako ng leggings at sweater upang hindi makita ang mga marka sa aking katawan.

Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ang kwarto ni Zane.

Nakita ko pang katabi nito sa kama ang asong si Zaiel na mahimbing ang tulog.

Alas siete palang naman kasi ng umaga kaya tulog pa si Zane.

Bumaba muna ako para magluto ng almusal at makapaglinis na din ng bahay.

Hindi ko na ininda pa ang sakit sa aking katawan.

Nang mag alas otso na nang umaga ay umakyat na ako sa itaas upang silipin kung gising na ba si Zane.

Ngunit hindi ko naman inaasahan na makakasabay pa kami ni sir Zyair sa hagdanan.

Naka boxer short lang ito at magulo pa ang buhok tila wala pa sa sarili dahil nilagpasan lang ako nito at dumiretso na pababa.

Kinakabahan man ay nagtuloy na ako sa silid ni Zane,nadatnan ko naman itong kinukusot na ang mga mata habang ang aso ay tinatahulan na siya.

Tinawag ko naman ito kaya napatingin siya sa akin at tinaas ang mga kamay,tumigil na din sa pagtahol si Zaiel at kumakawag ang buntot na nakatingin sa akin.

Binuhat ko na si Zane at kinuha na din si Zaiel at bumaba na kami.

Nang nasa hapag na ay nilapag ko na sa upuan si Zane at nilagay naman sa may higaan niya si Zaiel.

Nilagyan ko muna ng pagkain si Zane at hindi na pinagtuunan nang pansin ang lalaking kaharap ko na matamang nakatitig sa akin.

Sinunod ko naman pakainin si Zaiel at sumabay na din ako sa pagkain ni Zane.

Naiilang pa ako dahil nakatitig pa din sa akin si sir Zyair pero hindi ko nalang yun pinansin at tinapos ang aking pagkain.

Nauna na akong matapos kaya naman nilagay ko na sa lababo ang aking pinagkainan at hinugasan.

Si nay Yoli ay nasa garden at nagdidilig ng mga halaman sabi niya sa akin kanina ay tapos na siyang kumain kaya hindi ko na siya tinawag.

Babalik na sana ako kay Zane ng may pumigil sa aking braso kaya napaharap ako dito at nakita ang nanunuksong tingin ni sir Zyair.

Itutuloy.
❄️

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon