Chapter 9

19.8K 407 7
                                    

TINANGHALI ako ng gising dahil napuyat ako kagabi sa pagpapalitan namin ng mensahe ni Francisco.

Ang loko ba naman ay sinabihan pa kong wag munang matulog at may ikukuwento pa siya.

Kaya ayon ang nangyari.Magkachat nga kami hanggang ala una ng madaling araw dahil si bakla ay ang daming kwento.

And yes he's gay and tanggap ko yun kaya wala talaga kaming ilangan sa isa't isa dahil alam kong parehas na lalaki ang hanap namin.

Ginawa ko muna ang aking morning routine bago bumaba at naligo na din ako.

Tinignan ko ang kwarto ni Zane pero wala ng tao doon at magulong kama lang ang naiwan.

Pinagpag at inayos ko muna iyon dahil madaming balahibo ng aso ni Zane.

Pagkatapos ko sa kwarto ni Zane ay bumaba na ako at naabutan ko sa may sala si Zane na nakaupo sa sofa.

Nakasimangot ito habang nasa kandungan niya si Zaiel na tahimik lang din.

"Zane baby." sabi ko paglapit ko pero hindi ako nito pinansin at tinalikudan lang.

Napabuntong hininga naman ako dahil alam kong nagtatampo ito sa akin dahil hindi niya ako nakita pagkagising niya.

"Zane, sorry tinanghali kasi ako ng gising kaya di agad ako nakapunta sa kwarto mo, napuyat kasi ako sorry na o." kalabit ko dito.

Pero siya ay dedma lang at hinahaplos haplos ang kaniyang maliit na aso.

At dahil nga hindi niya pa din ako pinapansin ay napagpasyahan kong iwan muna ito para tumulong kay Nay Yoli.

Naabutan ko itong hirap na naghihiwa ng karne kaya agad ko itong nilapitan.

Nagulat pa siya sa pagsulpot ko pero kalaunan ay nginitian din ako.

"Iha, gising ka na pala, ang alaga mo dun ay hindi pa nag aalmusal at busangot ang mukha ke aga aga." sabi ni nay Yoli.

"Sorry po nay Yoli tinanghali kasi ako ng gising dahil sa puyat ko kagabi at hayaan ninyo po at konting suyo lang sa batang iyon at bibigay din yun." kumpyansang sabi ko dito.

Pagkatapos kong hiwain ang mga karne ay nagprepare naman ako sa almusal ni Zane.

Hindi kasi pwedeng hindi siya mag almusal,at isa pa iyon sa bilin sa akin ng ama niya,wag na wag siyang gugutumin.

Kaya naman dala ang cereal na may gatas na ay pumunta ko sa sala para pakain si Zane.

Nakasimangot na tumingin sa akin ang bata ng sinubuan ko siya.

Pero ngumanga pa din naman ito at kinain ang sinubo ko kaya napangiti ako.

Kilala ko na si Zane hindi niya matiis ang pagkain lalo na kung susubuan ko siya.

Nang maubos na ni Zane ang cereal ay hinalikan ko ang pisngi nito at nakita kong sumilah ang maliit na nguti sa kaniyang labi.

Hinugasan ko muna ang pinagkain ni Zane bago makipaglaro sa kaniya.

"Bati na ba tayo baby?" tanong ko dito.

"Momma why are puyat last night yan po tuloy late ka gigising."
nakasimangot na sabi nito.

Kinurot ko ang ilong niya"Sorry na nga po kausap ko lang ang kaibigan ko kagabi." sabi ko.

Kumunot naman ang noo nito at nagtanong.

"Who po?" tanong niya.

"Kaibigan ko sa probinsya, o play na tayo." yaya ko dito.

Pumunta na kami sa play room niya dahil ayaw niya na daw sa kwarto.

Ako na ang nagbuhat sa puppy niya dahil nauna na itong umakyat at hindi napansing naiwan ang kaniyang dog.

Itutuloy.
❄️
Anytime is baka simulan ko na yung betrayal series 2🥰.

And now Betrayal Series 2 is completed!

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon