Chapter 37

26.2K 376 50
                                    

NAKAUWI na kami at hindi matanggal sa aming mga mukha ang ngiti dulot na rin ng malaman namin na twins pala at parehong lalaki pa ang aking mga anak.

Habang papasok kami sa evacuation center ay lahat ng tao ay sa amin nakatingin.

Nagtaka naman ako dahil sa mga tingin nila.

Nang nasa tapat na kami ng aming tent ay nakita kong nakatayo sa labas nun si Zyair at Zane.

Si Zane ay nakangiti sa akin habang nakahawak sa damit ng ama,habang si Zyair ay seryoso lang ang tingin sa amin.

"Momma!"sigaw ni Zane at bumitaw sa ama at yumakap sa akin.

Pero dahil nga sa umbok sa akin tiyan ay napatigil si Zane at nag aalalang tumingin sa akin.

"Momma?Bakit po malaki tummy mom?"kunot noong tanong nito.

"Baby,kasi may baby na din akong sarili na nasa loob niyan.Kaya malaki."masayang paliwanag ko dito.

Pero nakakunot pa din ang noo nito na nakatingin sa akin.

"Baby po?Ibig po sabihin kinain ninyo po yung baby?"natatakot na sabi nito.

Napatawa naman kami sa sinabi niya kaya lalo siyang nagtaka.

"No,Zane.I made her pregnant that's why."seryosong sabi ni Zyair.

Nanlaki ang matang napatingin ako sa kaniyang kalmado lang na nakalagay ang kamay sa bulsa ng pantalon na suot.

Napatingin ako kila nanay at tatay na na nanlalaki din ang mata pa din na din kay Francisco na nakatakip pa ang kamay sa bibig.

Si Zane naman ay masama ang tingin sa ama.

"Anong sinabi mo!?Ikaw ang nakabuntis sa anak ko!"galit na tanong ni tatay.

Agad kong hinawakan ang braso ng aking ama upang mapakalma siya ganun din ang ginawa nila nanay at Francisco.

"Yes sir."seryoso pa ding sagot ni Zyair.

Napakapikit ako dahil sa inis sa kaniya.Ayaw ko ngang ipagsabi sa kanila tapos siya ay ganun ganun lang sasabihin.kainis!

"Abat talaga naman!E bakit ngayon ka lang nagpakita!?Malaki na ang tiyan ng anak ko ngayon ka lang nagpakita,
ano bang balak mo?"mahinahon na sabi na ni tatay.

"I know im late but i am now willing to be a father to our child sir."sagot ni Zyair.

"Kung ganun,mag usap tayo ng masinsinan sa labas."sabi ni tatay at nauna nang lumabas sa evacuation center.

Lumabas din si Zyair habang nakatingin sa akin.

Napatingin ako kay Zane na masama ang tingin sa likod ng amang umalis.

Lumapit ako kay Zane at napatingin naman siya sa akin,Ngunit iba ang tingin niya sa akin ngayon,tingin ng may halong tampo.

"Momma, is it true? you're pregnant and daddy is the one who made it?"tanong niya sa akin at mababakas sa boses niya ang lungkot.

"Y-yes Zane."nautal ko pang sagot dito.

"So it's means I'm not your baby anymore."malungkot na saad nito.

"Zane,kahit may baby na ako,hindi naman kita kakalimutan at saka baby pa din kita.Ikaw kaya ang nauna kong maging baby"nakangiting sabi ko dito habang hinahaplos haplos ang kaniyang buhok.

Itutuloy.
❄️
Sa chap 35 po nagkamali po ako sa tinanong ni Zyair kay Clementine na kung buntis siya,nasabi na pala yun sa naunang chap sorry po nakalimutan ko.Edit ko nalang po pagsinipag😊.
AND HAPPY 2K READS BETRAYED 🥳

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon