Chapter 47

27.5K 382 26
                                    

PINAGMAMASDAN ko ang mag aama ko habang sila ay naglalaro at ako naman ay nagluluto ng aming pananghalian.

Masaya ako dahil kita ko sa mga mata ng kambal ang saya habang kapiling ang kanilang ama.

"Anak,mukhang masayang masaya ang kambal ha."sabi ni nanay na nasa tabi ko.

"Oo nga po e,nung una ay hindi po ako pumayag pero kalaunan ay naisipan ko ding mas mabuting makita nila ang ama nila."sabi ko naman.

Nang matapos kong maluto ang aming ulam ay naghain na si nanay at tinawag na ang tatlo.

Buhat buhat ni Zyair sa magkabilang braso ang kambal na humahagikgik pa habang sinasampal sampal ang mukha niya.

Napailing nalang ako sa kambal,
ganyan sila kapag masaya sila.
Nanakit.

Habang kumakain ay sinusubuan ko ang kambal nang biglang may tumunog na telepono.

Cellphone pala iyon ni Zyair at nagpaalam siyang sasagutin lang.

Umalis siya sa hapag at pumunta sa may pinto.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagpapakain sa kambal ng kalabasa na dinurog ko.

Nang matapos kami kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan at binaba ang kambal sa puzzle nila.

Sinabi din ni Zyair na ang mga kaibigan niya ang tumawag na siyang nagbabantay din kay Zane sa maynila.

Hinubaran ko na ang kambal dahil ang dungis dungis na nila at papaliguan na din.

Dati ay ako lang ang nagpapaligo sa kambal dahil may ginagawa din naman si nanay pero ngayon ay dalawa na kami ni Zyair.

Hindi naman malikot maligo ang kambal pero iba ata ngayon dahil talagang binabasa nila kami.

"Chandler,baby stop it"saway ko sa panganay na tumatawa lang.

Si Chevy naman ay ang ama ang binabasa at tumatawa lang naman.

Nang gumabi ay bigla akong kinabahan dahil nagtext na sa akin sila itay na sila ay pauwi na.

Alam kong may galit pa si itay kay Zyair kaya gusto kong matulog na ang kambal para hindi na nila makita ang kung ano mang mangyayari.

Maya maya ay nakarinig na kami ng tunog ng tricycle at mga yabag.

Nandito pa din kami sa maliit na sala at ang kambal ay nasa puzzle nila at naglalaro ng sandok.

Maraming laruan ang kambal isama pa ang mga binili ni Zyair kanina pero ewan ko ba at ang mga gamit sa kusina ang gusto.

Nag aagawan ang dalawa sa sandok at tinatawanan lang naman sila ng ama imbis na sawayin.

At hindi nga ako nagkamali dahil pagkapasok na pagpasok nila itay ay umiyak ang isa sa kambal.

Si Chandler na hindi nakuha ang sandok kay Chevy ay umiiyak.

Akala ko ay hindi mapapansin ni itay si Zyair dahil diretso agad ang tingin nito sa kambal.

Si Francisco naman ay oa na napatakip ang kamay sa bibig.

"Omg!why ka nandito?"tanong ni bakla.

Pinandilatan ko siya ng mata kaya umarte itong sinizip ang bibig, napailing nalang ako.

Kinarga ni tatay ang kambal at parehas na hinalikan ang mga noo at ibinaba din dahil nagpapasalag ang mga ito.

Pumunta agad sa ama ang kambal pagkababa sa kanila ni itay.

Napatingin sa akin si itay kaya naman iniyuko ko ang ulo ko dahil sa kaba na nadadama.

Tuluyan na siyang pumasok sa bahay.

"Mag uusap tayo mamaya Clementine."madiing wika ni itay at pumasok sa kwarto nila.

Napapikit naman ako dahil ang lamig ng boses niya at alam mong galit.

Itutuloy.
❄️
Nagbago na isip ko wala na kong papatayin dito,sa series 2 nalang HAHAHAHAHAH
Epilogue next<3

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon