Chapter 32

27.3K 460 38
                                    

PAGKATAPOS ng pag uusap namin ni sir Zyair ay umalis na agad ako sa kwarto niya upang mag empake na ng aking mga damit.

Hindi ko na kasi kaya,masyado nang masakit ang mga sinabi niya sa akin.

At mas lalo akong nasaktan nang sabihin niyang hindi niya tatanggapin ang anak ko.

Pagkatapos kong mag empake ay siya namang pagbukas ng pintuan ng aking silid.

Napatingin ako dun at nakita si Zane na lukot ang mukha habang nakatingin sa mga bag na inayos ko.

Tumakbo ito sa akin kasunod nito si Zaiel, at agad na pumalibot ang mga braso nito sa aking bewang.

"Momma, don't leave me please"
nangsusumamong sabi nito habang nakasubsob ang mukha sa aking tiyan.

Kinalas ko ang mga braso nito at lumuhod para magkapantay kami.

"Zane, baby pasensya ka na ha. Hindi ko na kasi kaya yung sakit na mga sinabi sa akin ng daddy mo." pag papaintindi ko dito.

Pero nagkamali ako na akala ko ay makikinig ito bagkus ay lumayo ito sa alin habang tagaktak ang luha sa mga mata.

"I hate you! sabi mo di mo ko iiwan!katulad ka din ni mommy. Hindi ninyo ko mahal i hate you, i hate you!"
pagkatapos ay lumabas ito kasunod nito si Zaiel.

Napaiyak ulit ako sa inakto ni Zane, mahirap din naman sa akin ang iwan siya gayong napamahal na siya sa akin ngunit hindi ko na talaga kaya pa pakisamahan ang ama niya.

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang mga bag ko.

Palabas na sana ako ng gate ng makatanggap ako ng text galing kay nanay.

Sinabi lang nito na kung may pagkakataon daw may baka pwede daw akong umuwi at may mahalaga daw siyang sasabihin.

Hindi ko muna ito nireplayan at tinago na ang aking cellphone,
nakapagpaalam na din ako kay nay Yoli.

Nakalabas na ako ng bahay at napatingin dito.

Parang ang bilis lang ng panahon,
parang kailan lang ay naghahanap pa ako ng trabaho dito at ngayon ay aalis na ako.

Napabuntong hininga ako at tuluyan nang lumisan sa isang bahay na itinuring ko na din ang mga taong nandun na pamilya.

Mahigit apat na oras bago ako nakarating sa amin at hanggang ngayon ay nasa evacuation area pa din sila nanay.

Dumiretso ako dun at nakita pa akong magarang sasakyan na nakapark malapit dun.

Pagkarating ko kung saan nakapwesto sila nanay ay nagtaka ako ng makita itong may kausap na mayamang babae base na din sa itsura nito.

May kasama pa nga itong dalawang lalaking tingin ko ay bodyguard nung babae.

Dahan dahan akong lumapit kila nanay at napansin kong galit ang mukha ni tatay habang si nanay naman ay umiiyak.

Kaya naman dali ko silang tinawag at naunan pang lumingon ang babae sa akin na ngayon ay gulat gulat pagkakita sa akin.

Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin nito kaya naman hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan at naestatwa.

Nang mabalik ako sa wisyo ay agad kong tinulak ang babae na muntik pang matumba kung hindi lang nasalo ng kaniyang mga bodyguard.

"Clementine anak!Lumayo ka sa babaeng yan!" sigaw ni tatay.

Nalilitong nagpa palit palit ang tingin ko sa kanila.

"Clementine, y-you are my daughter."

Itutuloy.
❄️
San kaya papunta tong kwento?Well hindi ko din po alam.

BS #1 BetrayedWhere stories live. Discover now