Chapter 39

24.9K 400 47
                                    

NANDITO na ako sa harap ng pintuan ng study room niya at kumatok muna ng dalawang beses hanggang sa marinig ko ang boses niya na pinapasok na ako.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang upuan at minamasahe ang sentido.

"Anong gusto mong pag usapan?"
tanong ko agad dito.

"Maupo ka muna."sabi lang nito.

Umupo naman ako sa tapat niya at sinabing sabihin niya na ang gustong pag usapan.

"I just want to clear everything."
paunang sabi niya.

"Yes, nagbunga ang nangyari sa atin but pagkapanganak mo ay sa akin mapupunta ang mga bata."

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya at agad na galit na tumingin sa kaniya.

"At sino namang may sabi sayong ibibigay ko sayo ang anak ko!?"galit na sigaw ko dito.

"Ni wala nga kayong sariling bahay tapos gusto mon-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tumayo ako at malakas siyang sinampal.

"Oo wala kaming bahay dahil nasunog!at kahit wala kami nun ay kaya kong buhayin ang mga anak ko.Hinding hindi ko ibibigay sila sayo."galit na sabi ko dito at umalis.

Ngunit hahawakan ko palang sana ang pinto ng hawakan niya ang braso ko at marahas akong hinarap sa kaniya.

"And where do you think you're going?"tanong niya.

"Kung pinatira mo lang ako dito para makuha mo ang anak ko,wag nalang.
Kaya ko silang buhayin kahit wala ka."madiing wika ko dito at winaksi ang hawak sa aking braso.

Napabitaw naman ito kaya dali dali na akong lumabas at dinala ang aking nga gamit.

Nagtataka pa si Nay Yoli ngunit ng makita niya ang naluluha kong mukha ay tinulungan niya nalang din ako lumabas.

Nagpatulong kami sa guard magpahanap ng taxi at sumakay na ako dala ang aking nga gamit.

Maya maya ay nakarating na kami at agad akong pumasok sa evacuation center at agad tinungo ang tent nila nanay.

Nakita naman agad ako ni Francisco kaya nagtaka ito at tinulungan ako sa aking gamit.

Nang mahanap ko na sila nanay ay bigla na lamang ako naiyak ng sobra.

Siguro dahil na din sa pinag usapan namin ni Zyair.

Galit na galit si tatay habang kinukuwento ko ang nga sinabi ni Zyair.Akala niya daw ay maliwanag sa ang naging usapan nila ngunit hindi pa din pala.

"Tarantado pala ang lalaki na yon!walangya siya para sabihin sayo yon Clementine!"galit na sabi ni tatay.

"Tahan na anak,baka makasama yan sa mga bata sa tiyan mo,tahan na wag mo na iyon intindihin."sabi naman ni nanay habang nakayakap ako sa kaniya.

"Dibale anak,aalis na tayo dito may kaunting ipon na naman kami ng nanay mo.Sisiguraduhin kong hindi ka na at ng mga anak mo makikita ng Zyair na yun."sabi ni tatay.

Kinabukasan ay nag empake na sila nanay at tatay pati si Francisco ng naghahanda na kaming lumisan.

Ang sabi ni tatay ay tutuloy nalang kami sa probinsya ng ama niya na namayapa na.

Sumangayon din si nanay kaya naman ng magtanghali ay sabay sabay kaming nagpaalam sa brgy.

Naintindihan naman nila kami jaya pinayagan kaming umalis sa evacuation center.

Sumakay lang kami ng jeep gamit ang perang naipon nila nanay.

Ayun ang gagawin naming pamasahe at ang kaunting naipon ko naman ay siyang magiging puhunan namin para sa bagong buhay kasama ang kambal.

Itutuloy.
❄️
Next chap ay magpapakita na ang kambal.

BS #1 BetrayedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin