Chapter 10

20.5K 393 5
                                    

NANDITO ako sa kwarto ko at handa na sanang matulog ng nagtext sa akin si Francisco o mas tamang Cisca.

Sabi niya sa mensahe ay gusto niya daw kaming mag video call dahil nais miss niya na daw ako.

Kaya heto ako at magpupuyat nanaman para pagbigyan ang aking matalik na kaibigan.

Maya maya ay nag ring na aking cellphone hudyat na may tumatawag.

Tinignan ko muna kung sino ito at nakita kong si Cisca pala ito kaya agad ko na tong sinagot.

"Hellooooooooo my prettyyyyyyyyy babe!" bungad nito at talagang hinabaan pa ang mga sinasabi.

"Grabe naman yang boses mo Francisco, baka nakakalimutan mo na gabi na hindi ka na dapat tumitili na ganya." sabi ko dito.

Napasimangot naman ito sa sinabi ko at inirapan ako.

Natatawa nalang ako sa kaniyang hanggang sa nagkuwentuhan na kami.

Hindi namin parehong napansin ni Francisco ang oras kaya naman mas tumagal pa kaming nagkukuwentu-
tuhan,ang daldal talaga ng bakla.

Nagulat nalang ako ng mapatingin ako sa orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw.

"Gaga ka! alas dos na pala pinuyat mo nanaman ako naku tatanghaliin nanaman ako ng gising nito." paninisi ko sa lokang tinawanan lang ako.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at binaba na ang tawag.

Naghanda na akong muling matulog at nag alarm nalang ako dahil baka tanghaliin pa ako at magtampo nanaman si Zane.

Nagising ako sa ingay ng aking alarm kaya napipilitan akong ibukas ang aking mga mata.

Bumangon na ako at pinatay ang alarm at gawin ang aking morning routine.

Pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush ay nagsuklay na ako at lumabas.

Pumunta na agad ako sa kwarto ni Zane at naabutan ko siyang tulog pa at ang aso niya ay natutulog din sa sarili nitong higaan.

Lumabas muna ako para mag agahan lalo na at maya maya pa naman gigising si Zane.

Ala sais palang naman kasi ng umaga at usually nagiging si Zane ng mga alas syete.

Quick breakfast lang at ginawa ko at lightmeal lang,hindi kasi ako pwedeng mabilis mabusog dahil baka hindi na ko makakain pag tanghalian.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko ng pancake bago unajyat muli sa taas at silipin kung gising na si Zane.

Pumasok ako sa kwarto niya at nakitang tulog pa din ito kaya umupo muna ako sa upuan at tinignan ang oras.

6:37 na ng umaga kaya naman magcecellphone muna ako habang hindi pa gumigising si Zane.

Habang nagchecheck ako ng notifications sa aking cellphone ay nakita ko ang ilang mensahe ng aking ina sa probinsya.

"Kumsta ank? maayos ba ang lgay mo jn? hndi ka ba sinasktan ng iyng amo o minmaltrato?"

"Ank kumkain ka pa ba ng maayos jn?wag ka papalipas ng gutom."

Ayon ang ilan sa limang mensahe ni nanay sa akin.

Napangiti naman ako dahil ang cute niya mag type at nag aalala pa din talaga siya sa akin kahit malaki na ako.

Nagsagot muna ako ng reply bago binaba ang cellphone dahil saktong 7:00 na ng umaga.

Ginising ko na si Zane dahil may oras talaga ang tulog,nap at gising niya.

Itutuloy.
❄️

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon