OO1 : How It Started

197 16 21
                                    

- New Rules ● Tomorrow X Together
now playing...

─────
3rd Person POV
─────

Lahat sila ngayon ay nasa principal's office. Tahimik. May ibang kinakabahan dahil first time pa mapatawag samantalang si Neon na nakatayo sa may gilid habang nanguya ng bubblegum ay walang pakialam dahil sanay na siyang ipatawag.

"I wasn't expecting this. Lalong-lalo na kay Kisha at Void" Tumingin ito sa dalawang SSG officer na nakaupo. Si Void ay lumingon sa ibang direksyon samantalang si Kisha ay tahimik at direktang nakatingin sa principal

"Pati narin kay Orio na tinatawag na 'Campus Angel' ng mga estudyante" Napatingin ito kay Orio na umiwas ng tingin at tiningnan ang sapatos niya

"Also, Tyco and Elixir. Your adviser told you to go straight to detention pero asan kayo? nasa likod ng school at nagbabalak na magcutting kasama pa talaga itong ibang estudyante" aniya sabay tumingin kay Scarlet, Harmonia, Stacy at Cassidy na gulat dahil nadamay sila. Si Tyco ay nakatingin sa principal habang si Elixir ay nakayuko at pinaglalaruan ang dulo ng kanyang neck tie.

"I'm not even surprised na kasama ka sa kalokohang ito Mr. Neon Falviom" Sabi nito sabay tingin kay Neon na umirap lang

"You're supposed to be at your classrooms kaso nasa likod kayo ng school during class hours. Isang dahilan lang kung bakit kayo nasa likod, nagbabalak kayong magcutting at may muntikan pang magbugbugan. Everyone knows na sa likod nadaan ang mga tumatakas at lumalabas ng school ng wala sa oras. Andito kayo para mag-aral, hindi ito playground kung saan pwede niyong gawin ang lahat ng gusto niyo. Hindi na kayo kinder students na puro laro lang ang alam. Malaki na kayo. Alam niyo na kung ano ang tama at mali" sermon ng Principal at hinilot ang sintido

"As punishment, all of you will clean the covered court for 3 days, bukas kayo magstart but for now you're all going to detention after your classes. Now get back to class. Please follow the policies and rules of this school. You may leave my office" Sabi ng Principal kaya nagsimula na silang magsi-tayo sa kanilang kinauupuan habang ang ibang mga nakatayo tulad ni Orio, Stacy at Neon ay palabas na ng office

Ng makalabas ang lahat. Lahat kami ay naghiwa-hiwalay para pumunta sa kanya-kanyang classroom. Ang iba ay umiwas ng tingin sa isa't-isa samantalang ang iba ay tuloy tuloy ang lakad tulad ni Neon na walang pakialam. Kasama nito ang kanyang kapatid

May binulong si Kisha kay Void at tumingin kay Neon na patuloy ang paglalakad habang kasama si Scarlet pero napairap nalang si Void at lumakad sa ibang direksyon kasama si Kisha.

Napabuntong hininga nalang si Tyco at napatingin kay Elixir na kanina pa pinaglalaruan ang neck tie. At bumalik ang dalawa sa sariling classroom nila. Ganon rin ang ginawa ni Orio, Cassidy, Stacy at Harmonia. Walang magawa si Harmonia kundi bumalik sa classroom ng mag-isa dahil kakausapin pa ni Neon ang kanyang kaibigan.

─────
Kisha's POV
─────

Lumipas ang oras. Tapos na ang klase. Ang ibang estudyante ay umuuwi na. Kakatapos ko lang ng klase, malapit na sana ako sa gate ng maalalang may naiwan ako sa SSG office. Bumalik ako at nakita si Void na kakalabas lang ng office.

"Notebook mo naiwan mo" sabi ni Void sabay binigay ito sakin

"Thanks" simpleng sabi ko sabay inilagay ito sa bag at nginitian siya

"San ka nga pala pupunta? Wag mong sabihin magskiskip ka ng detention" Tanong sakin ni Void

Detention.. lecheng detention. Bat kasi ako nadamay? Kung di sana ako nadamay siguro nasa bahay ako ngayon. Nakahilata o kaya nagawa ng kung ano-ano. Hays..

"Ah hindi. May binigay lang ako sa guard" ket wala naman

"Okay then. Tara na para matapos na to" Sabi ni Void at sumunod ako sakanya

Pagkapasok ko ng detention room. Nakita ko si Neon na nakaupo. Tumingin ito sakin at binigyan ko lang siya ng blankong ekspresyon samantalang nakikita ko ang mata niyang malamig parin ang tingin sakin. Umiwas ito ng tingin at humarap sa blackboard. Umupo ako malapit sa bintana. Malapit sakin si Elixir na nakayuko at makikita mong naglalaro ng phone sa ilalim ng lamesa

Nilabas ko ang notebook ko at dahil wala akong magawa ginurian ko yung likod ng notebook. Nakita ko naman si Orio na parang may tinatanggal sa palad niya, tuyong glue?. Si Tyco na nakasimangot, si Neon na malapit ng makatulog, si Void na may sinusulat pa sa notebook at nagrerewrite ng notes, si Scarlet na tinago ng palihim ang suot nitong headset, tinago nito ang headset gamit ang buhok. Si Stacy na nakaupo sa likod ko at nakatingin lang sa bintana. Si Harmonia at Cassidy na kakadating lang.

Napa-iling nalang ako. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot sa amin.

Maya-maya ay nagvibrate yung phone ko. Pinabayaan ko nalang ito pero bigla ulet nag-vibrate at may mga naririnig na mahinang tawanan. Tumalikod ako at nakita si Elixir, Cassidy, Stacy, Harmonia at Orio na nakayuko at nakatingin sa ilalim at yun pala nagseselpon sa ilalim ng lamesa

Kami lang ni Tyco, Neon, Void at Scarlet ang di pa nagbubukas ng phone. Si Tyco ay hindi talaga makakapagbukas since sa harap siya nakaupo, sa tapat ng teacher's table kung saan nakuupo ang isang guro na nagbabasa at binabantayan Nacucurious na ako kaya binuksan ko ang yung phone para tingnan kung bakit ito vibrate ng vibrate..

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: sorry talaga kung cringe
༼ ༎ຶ ෴ ༎ຶ༽

🖋: [08. 12. 21]

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon