Chapter 34 : Watching

100 11 1
                                    

- The Great Mermaid Le Sserafim
now playing...

─────
Cassidy's POV
─────

"What do you mean?" tanong ko kaya napabuga nalang ng hangin si Elixir.

"I told you someone was stalking us" sabi nito kaya at tumingin kay Orio

"Any details? Baka naman may napansin kayo kung anong itsura niya?" Tanong ni Tyco. Biglang sumigaw si Scarlet

"THAT CREEP HAS BLOODSHOT EYES" sabi ni Scarlet since kasama siya nung makipag away sila Orio at Elixir. Si Stacy ay katabi ko ngayon nakasimangot. Problema neto?

Kakatapos lang ng klase at andito kami sa may field. Ewan ko kung bakit dito pa nila napiling magmeeting. Pero atleast mahangin.

I still feel something's off with Neon's gf? Hindi ito mapakali. Kanina sabi ni Neon mauna na daw itong umuwi pero instead sabi niya iintayin nalang niya ito kaya ayun.. nakaupo sa bench, hindi naman ganon kalayo pero mabuti hindi niya kinig pinag uusapan namin. Hindi namin kayang magtiwala pa sa ibang tao tungkol sa nararanasan namin ngayon.

"Maybe because nautusan siya na panoorin tayo and spy on us 24/7?" tanong ni Neon habang si Void naman na katabi niya ay nagsusulat lang. Ewan ko kung sinusulat ba nito lahat ng sinasabi namin

"24/7? makes it more worse since bakit ngayon lang natin napansin may nanunuod satin like wtf?!" sigaw ni Scarlet habang nakita ko si Harmonia na sinabihan siya ng 'keep it down Cal' at tumingin sa paligid

wala naman halos mga tao dito. Mga estudyanteng nagsosoccer lang sa malayo since lagi namang may nagprapractice tuwing hapon. Minsan baseball minsan soccer. Tapos mga estudyanteng nakaupo sa bleachers at si Syrie na nakaupo sa bench

"Bloodshot eyes lang talaga? Walang eyebags?" tanong ni Elixir na siniko ni Orio kaya napakamot nalang ito sa ulo

"Bloodshot... eyes?" tanong ni Neon ulet habang kami ay nakikinig lang. Wala akong masabi since wala pa akong nawiwitness pero kung 24/7  nga na nakabantay samin ang lalaking yun. Damn... so ilan ba talaga gustong pumatay samin?

Di pa nga sure kung gusto talaga kami patayin ni Gwen tas may mga murderer or stalker pala na nagbabantay samin?

"Oo"

"May nakikita akong nurse sa hospital na lagi akong tinatanong kung okay lang ako" paliwanag ni Neon and he seems hesitant or unsure sa nakita niya. How can I tell? sa tono kasi ng boses niya parang hindi siya sure

"Baka guni-guni mo lang yan?" ani ni Stacy kaya umiling si Neon mukhang handa na siyang magpaliwanag pa ulit

"Hindi nga seryoso ako. Night and Day andun siya tas nakakapagtakang hindi natatanggal yung bloodshot eyes niya?" sabi ni Neon kaya napaisip si Tyco

"How about we ask kung sino yung nurse na yun. Pupunta kami ni Elixir bukas sa hospital" lahat kami ay tumango matapos magdesisyon si Tyco na bumalik sa hospital pero I don't think madali nilang mahahanap yun

"Wait nakakapagtaka nga palang parang hindi na sa atin nagpapakita si Gwen?" tanong ni Orio kaya nagtaka rin ako. Last na nakita ko siya ay nung time na nagselfie ako sa loob ng empty room. Bakit kasi ako pa?

"True.." sabi ni Kisha na katabi ko. Kanina ko pa napapansin na hindi rin ito nagsasalita tapos nakapikit na. Tulog na ata ito?

"Wait may CCTV tayo dito sa school we should go look atsaka para malaman rin natin kung sino pumatay sa estudyante sa rooftop" naalala ko kasi may sabi-sabi daw na may cctv na nakapalibot sa school for students who keep cutting classes atsaka incase something happens daw

Pero nung time na mahuli kaming sampu sa likod. Di kasalanan ng CCTV yun... kasalanan ko yun kasi nakalivestream ako nung mag away si Neon at Void sa likod ng school. Walang CCTV sa teritoryo ni Neon... or maybe thats what I think. Who knows?

"Pinanuod na namin yung CCTV about sa rooftop incident pero wala daw nakitang kahit isa kundi ako lang. Pero ang pagkakaalala ko, kita akong nakatayo labg sa rooftop tas namatay yung cctv kasi dun sa video biglang nagblack tapos biglang nabuhay ulit kaso ang kita lang ay ako na nagpapanic  dahil may namatay na estudyante malapit sa lugar ko" paliwanag ni Elixir kaya tumango kaming lahat pero impossible naman maybe there some sort of way para malaman

Atsaka ako lang pala ang hindi naniniwala sa mga rumors na may cctv sa loob ng Xeilton High?! So totoo pala yun?

"Nakakapagtakang bakit ikaw lang ang andun?" pagtataka ni Void kaya napairap lang si Elixir

"Well duh it was foundation day so mostly nasa ibaba lahat ng estudyante kasi mas maraming prefer na magjoin sa event kesa tumambay sa rooftop. Init na init pa naman dun" ani nito kaya napangiwi nalang si Void at patuloy na nagsulat.

"We should still check the- HEY WATCH IT!" sigaw ni Void kasi muntik na matamaan si Harmonia ng soccer ball pero nahampas pa ito ni Void palayo

"Sorry about that. Is everyone okay?" tumango nalang kami pero sinamaan lang ito ni Void ng tingin kaya bumalik na ito.

Something feels wrong... ang layo na nga namin pero bakit napapunta dito yung bola? I swear everything feels wrong today... parang ang raming mali. May nararamdaman akong parang may nagmamasid samin at inaabangan bawat pag galaw namin

"Cassidy? CASSIDY!" sigaw ni Stacy kaya nagulat ako

"You okay?" tanong nito at may halong pag aalala sa boses niya. Kaya tumango ako at nginitian siya

"Okay lang ako medyo inaantok lang" ngumit pabalik si Stacy knowing na ayos lang ako. Natawa nalang si Stacy

"Ahh speaking of antok yang katabi mo pakigising"  tumingin ako sa katabi ko ay gago tulog nga. Kanina pa siya nakapikit

"Nah let her be. Gisingin nalang natin pag aalis na"

"Pero as I was saying. Dapat nga na macheck parin natin ang mga CCTV maybe makahanap rin tayo ng ibang cctv na malapit sa Rooftop. Maybe sa stairs" pagpapatuloy ni Void kaya tumango naman ang iba samin

"Ay oo nga"

"Btw bakit ba wala si Tyco kanina sa rambulan? Nadaig ka pa ni Scarlet" tanong ko kaya napatingin kami kay Tyco at kumunot ang noo nito

"Kasalanan ko ba na hindi ako maalam sumuntok?" sabi ni Tyco at ngumiti nalang. The rest feels okay pero something is really off lalo na kita ko from the distance na may taong kanina pa nakangiti samin... or maybe she's just smiling at Neon?


TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
 / ˶.  . ˶
/ づ💌 : Sorry for the grammatical errors and wrong spellings. Love y'all. Stay safe and healthy

🖋 : [03. 30. 22]

LULLABY Where stories live. Discover now