Chapter 43 : Friendly Date?

66 6 6
                                    

- CookieNew Jeans
now playing...

─────
Orio's POV
─────

"Huh? Cass and Stacy!" sigaw ko sa dalawa na dire-diretso lang ang lakad. Hindi ata ako nakinig. Tinawagan rin ako ni Cassidy kagabi. Hating gabi tumawag eh pumunta rin daw ako kena Kisha. Pumunta ako kanina sa may apartment ni Kisha pero hindi ko naman alam na iba na pala ang tao dun.

Sinundan ko lang si Cassidy at Stacy. Nagulat ako ng tumigil sila sa isang bahay na maganda

Nakahabol ako at bukas pa ang gate. Nasa loob na ako at medyo tinitingnan ko pa ang bahay ng biglang may sumigaw

"SINO KA?!" sigaw ng isang babae na medyo maliit sakin ng unti pero mas matanda ito sakin. Parang nasa 30's siya ganon mukhang pa nga siyang dalaga eh

"Thats my other guest" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Tiningnan ko si Kisha at andun sa loob si Cassidy at Stacy na nakamedyas lang

"Ah sorry HAHA" sabi ng babae sabay tawa pero napakamot nalang ako sa ulo

"It's okay po" sabi ko. I was flustered sa susunod kong narinig

"Kisha ang gwapo nito" sabi ng babae sakin kaya Kisha just smiled with her arms crossed

"Yeah. By the way ate, may pagkain na sa lamesa para sa inyo po" ani nito kaya bigla akong nagtaka. Ate? may kapatid si Kisha?

"Ah sige maya-maya ako kakain" sabi ng babae at pumasok na ulit sa loob at papunta sa salas

Sabay kaming pumasok pero nakasunod lang ako kay Kisha.

"Ate mo?" tanong ko kaya she smiled at umiling tsaka ako hinarap

"Nope. tita ko yan na mas matanda kay papa, pero sabi niya tawagin ko nalang daw siyang ate kasi hindi naman daw siya ganon katanda" paliwanag niya kaya I just chuckled. Looks like maganda ang relationship ni Kisha sa pamilya niya

"Ahh pero pumunta ako kanina sa apartment mo kasi alam ko andun ka pa pero pagkakatok ko iba na ang nandun tapos iba narin arrangement ng mga bagay dun. Isang babae ang sumagot, she looks like mother" paliwanag ko kaya her smile faded in an instant. May nasabi ba akong mali?

"Oh... thats... my step mother" ani ni Kisha na pilit ngumiti kahit papaano. Well I take back what I said, mukhang hindi nga ganon kaganda ang relationship ni Kisha sa pamilya niya

"Eh? hindi kayo close?" tanong ko kaya umiling ulit ito

"Nope, my dad never introduced me to them so therefore they don't even know I exist. They know na katulong lang ako dito sa bahay, nothing more nothing less. Wala ako dun kasi binigay na ni Papa yung apartment ko sa step mom ko" ani niya at nagkibit balikat. Yes it was the right thing to do na I took back what I said. I wasn't expecting na may plot twist pala ang story ni Kisha. I guess tita lang niya talaga ang nandyan para sakanya

"Oh.. actually hindi lang yun yung nangyari.." paliwanag ko para matanggal ang awkwardness

"What do you mean?" tanong nito kaya napangiwi ako. Sure ba siyang gusto niya marinig ito?

"Neon was also infront of your apartment door" nanlaki ang mata niya ng banggitin ko ang nangyari kanina

"What?!" sabi ni na nagulat. Gulat na gulat teh?

"Yeah andun siya kaso pinapasok kami nung step mom mo tapos may nakilala pa kami" paliwanag ko kaya napatango nalang siya kahit medyo naghesitate siya

LULLABY Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora