Chapter 36 : Comfort

102 8 12
                                    

- I Love You So   The Walters
now playing...

─────
Orio's POV
─────

Nakita ko si Elixir na kakapasok palang ng gate ng Xeilton High kaya tumakbo ako at inakbayan siya.

"GOOD MORN...ing, bakit pugto yang mata mo? Anyare sayo?" bigla akong natigilan ng makita itong pugto ang mata tapos suminghot pa. Puta sinong nang away dito? May bubugbugin ba ulit kami?

"Wala wala, okay lang ako. Good morning rin sayo I guess"  sabi nito at tinanggal ang pagkakaakbay ko sakanya at binilasan ang paglakad. Natigilan ako at pinanuod nalang siyang lumakad palayo sa hallway Kita ko itong pinanusan pa ang mukha niya gamit ang braso.

"Weird? Tawagan ko ba si Stacy para i-comfort siya? Yeah about I think that would be a great idea?" bulong ko sabay tumango at nag iba ng direksyon. Maaga pa naman, punta nalang muna ako sa garden. Inalabas ko ang phone ko. At may nagtext sa taong pwede magcomfort kay Elixir.

─────
Stacy's POV
─────

Nagtunog ang bell kaya nagsilabasan ang mga estudyante at marami sakanila ay kakain na kaya papunta sila sa cafeteria.

Hala bakit ako pa talaga? Nahihiya parin ako ㅠㅠ
Kahit chinat ako ni Orio na i-comfort ko daw si Elixir. Kaso kanina nagsimula na ang klase nung matanggap ko yung message kaya sabi ko sa sarili ko na puntahan ko nalang si Elix sa lunch time. Pero wala namang sinabi si Orio kung nasaan si Elixir. Kinomfort ako ni Elixir nung last time kaya I think need ko rin siya icomfort ngayon

"Huy tulala ka nanaman. Di ka kakain?" tanong sakin ni Cassidy. Nakaupo kami ngayon sa malaking table. Inakit kami ni Syriena na kumain kasama siya at si Neon so bale andito si Kisha na katapat ni Syriena at kumakain ng tahimik. Katabi namin siya ni Cassidy.

At first she refused na sumama dahil may reason pa siya na may gagawin siya pero ayun nakaupo, nakain lang.

Kasama rin namin si Tyco na nakikipag kwentuhan kay Syrie at Neon. Si Orio na kumakain lang rin at nags-selpon. Si Scarlet at Harmonia na nagtatawanan. Si Void ay may gawa sa SSG office pero hahabol daw siya.

"May ichecheck lang ako so excuse me hehe" sabi ko at tumayo kaya napatingin sila sakin lalo na si Kisha.

"Ah sige sure Stace~" ani ni Syriena in a sweet tone kaya tumango ako at ngumiti. Nagsimula na akong maglakad palayo. My senses are telling me na sa rooftop ako magcheck so naglakad na ako papunta sa rooftop

And I was correct.. andun nga siya sa same place kung saan ako umupo.

"Elixir!" pagtawag ko. Nakita ko itong pinunasan ang mukha gamit ang braso bago tumingin sakin. Ngumiti ako at kinawayan siya pero I was shocked when he just stood up. At naglakad palayo.

Aba, kakadating ko lang bakit naman aalis na siya agad??? Hinabol ko siya at pinuntahan. Hinawakan ko siya sa braso pero nagulat ako ng bigla niyang tinanggal tsaka siya humarap at nakikita ko ang pugto niyang mata. The tears na pinipigilan rin niya.

"I'm sorry... I... I'm fine.. I just need some alone time" sabi nito at tumingala para pigilan amg sariling umiyak. Nagulat ako kasi ngayon ko lang nakita etong side ni Elixir.

Kita ko ang sakit at broken hearted sa mga mata niya. Anyare sakanya?? why does this hurt me? Bakit ganto? Di parin ba talaga nawala yung feelings ko ka Elixir... he rejected me pero... wth??

"Are you really okay?" tanong ko kaya nagulat ng bigla itong umiyak sa harap ko at yumuko. I don't know kung ano gagawin ko pero isa lang ang naisip kong gawin.

Niyakap ko si Elixir. Nagulat ulit ako ng niyakap rin ako nito pabalik at umiyak lang. What happened to him?

"Tahan na.." sabi ko, naghesitate ako pero tinapik ko ng mahina ang likod nito at kahit papaano unti unti na siyang kumakalma. Kanina pa kami nakatayo dito.

Ramdam kong kalma na siya kaya I broke the hug na. Hinila ko siya sa malapit na upuan dahil nga kanina pa kami nakatayo. Nakakita ako ng vending machine malapit sa amin kaya bumili ako ng tubig para kay Elixir. Pinuntahan ko siya at nakitang pinunasan niya ang luha niya. He looks broken hearted talaga.. then it hit me.... Elixir's a womanizer.... pero hindi naman siya iiyak ng ganto kung talagang seryoso yung naging relationship nila..

Umupo ako sa tabi niya at binigay ang tubig. Kinuha niya ito at pinagmasdan ko lang siyang ininom ang tubig at tumigil para punasan ang pawis at luha. Tumahimik ang paligid pero nasira ito ng biglang nagsalita si Elixir.

"Salamat... kasi... dumating ka" sabi nito kaya napatingin nalang ako sakanya

"Wala yun.. pero pwede mo bang sabihin sakin kung bakit ka–"  natigilan ako kasi bigla siyang nagsalita

"Sorry but I'd rather not speak about it" umiling siya at napakamot nalang kaya tumango ako

"I understand naman pero are you okay na?" tanong ko kaya tumango ito and ngumiti kaya ngumiti rin ako sakanya

"Tara na sa cafeteria. Nag wawait na buong Xeilten sa atin" sabi ko. Kaya ngumiti ito at tumayo. Tumayo narin ako at nauna siyang maglakad.

Nagpatawa ako habang naglalakad kami papunta sa cafeteria at kahit papaano nakakatawa siya. Malapit na kami sa cafeteria at nagulat ako ng makita kong tumakbo si Kisha palabas ng cafeteria, nakikita ko ang pag aalala sa mukha niya. Maybe emergency lang kaya tuloy tuloy na kaming pumasok sa loob and napansin kong wala rin si Neon sa upuan niya?? Weird??

"Asan siya pupunta?" tanong ko sabay turo kung saan pumunta si Kisha

"Emergency daw" sabi ni Syriena kaya tumango nalang ako. Umupo nalang kami pero nagulat ako ng tumayo rin si Neon para pumuntang Boy restroom daw.  Something is really off ano bang nangyari kanina?

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
 / ˶.  . ˶
/ づ💌 : Para naman makabawi ako sainyo hehe. Here's another chapter!>< kaso hindi ko pa napr-proofread;-;

🖋 : [ 04. 20. 22]

LULLABY Where stories live. Discover now