O15 : Control Your Anger

91 12 4
                                    

- Eternally ● TOMORROW X TOGETHER now playing...

─────
Scarlet's POV
─────

Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo ni Kuya. Pinanuod ko si ate Kisha na naglakad pabalik sakin habang nakasimangot

"Scarlet kung hindi si Neon makikinig sakin, sana ikaw pakinggan mo ako. Alam kong hindi ito kapani-paniwala pero, may isang estudyanteng nanghihingi sa atin ng tulong... sana nga nanghihingi lang siya ng tulong. Hindi siya normal na estudyante Cal-" natigilan ito ng bigla akong magsalita

"Multo siya.. tama ba ako?" tanong ko kaya tumango ito at yumuko nalang.

"Kailangan natin mag ingat at kailangan rin natin magtulong-tulong. Minulto niya na ako, si Harmonia, Tyco, Elixir at Void. Nagpakita siya sa amin at balak pa ata kami patayin kaya kung kaming lima ay minulto na, posibleng kayo ang susunod niyang target" paliwanag ni Kisha ng seryoso. Rinig mo rin ang paga-alala sa boses niya. Tumango ako, I guess we're in danger. Pero bakit kami pa?

"Nagpakita na ba siya sa ibang estudyante?" Tanong ko kaya umiling ito

"Hindi..." aniya. Tumahimik bigla pero nasira ang katahimikan dahil sa phone ni Kisha na tumunog bigla. Tiningnan niya ito at binalik ang tingin sakin

"Tara sa room nina Tyco, naghihintay sila doon" sabi niya kaya tumango nalang ako at sumunod sakanya

─────
Third Person POV
─────

Binuksan ni Kisha ang pinto kaya tumingin sakanila si Tyco habang ang iba naman ay nakaupo sa upuan malapit kay Tyco habang ang iba ay nakasandal lang o kaya naman ay nakaupo sa table.

"Andito na si Scarlet at Kisha. Si Cassidy at Neon nalang ang kulang" sabi ni Tyco at tumingin kay Kisha na umiwas lang. Alam na ni Tyco ang dahilan kung bakit wala parin si Neon.

Balak sana nila pag usapan o balak nila magplano para malaman ang dapat nila malaman tungkol kay Gwen na minumulto sila at paulit-ulit na nagpapakita sakanila para banggitin ang pangalan nila at humingi ng tulong sa mga ito

"Sabi ni Cassidy siya na daw bahala sa paghahanap kay Neon kaya wala siya dito ngayon" ani ni Void habang tumingin sa bintana. Si Kisha ay nakahinga naman ng maluwag kahit papaano dahil sa sinabi ni Void. Hindi nito maitatanggi na kahit nagsigawan sila ni Neon kanina sa parking lot ay nag-alala parin ito dahil baka kung anong mangyari sa dating kasintahan.

"Salamat Cass" bulong ni Kisha

"Anyway ito nga pala yun-" natigilan si Tyco ng biglang magsalita si Orio

"Pwede ba natin intayin si Cassidy. Intayin natin siya please" Halatang nag aalala si Orio dahil umalis si Cassidy mag-isa at hindi manlang pinasama si Orio.

"I guess we should wait?" pagtatakang sabi ni Harmonia at tumingin kay Tyco na umiling.

"Pero matatagalan tayo. Explain nalang ulit natin kay Cassidy pagbumalik na siya" ani ni Tyco at naglabas ng libro kung saan nakatala ang mga pangalan ng estudyante

"I think we should really wait for Cass-" hindi natuloy ni Kisha ang kanyang sinasabi

"We are running out of time, Kisha. Magiging okay lang si Neon" ani ni Void na umirap lang at nairita dahil sa katigasan ng ulo ni Neon na hindi nakinig sa kay Kisha.

"Nagaalala ako para kay Cassidy-"

"Pero hindi yun yung nakikita ko sa kinikilos mo mula pa kanina" hindi ulet pinatapos ni Void ang sasabihin ng kaibigan dahil kanina pa niya napapansin si Kisha na kinakabahan at tingin ng tingin kung saan-saan

"Oo na, nagaalala ako para sa kanilang dalawa" Pag-amin ni Kisha at iritang tumingin kay Void

"Let's just wait... a little more" sabi ni Scarlet at tumingin kay Tyco na napabuga nalang ng hangin. Tumango ito kaya nakahinga naman ng maluwag si Scarlet. Naisip ni Tyco na baka nga kung anong mangyari kay Neon at nakita rin niyang nagaalala ang kapatid nito.

"Hinahanap lang naman ni Cass si Neon bakit ka magaalala? And it was Neon's fault for not believing you. Wala tayong magagawa kung hindi siya maniniwala sa atin. Dapat kasi naniwala siya kaya kasalanan rin niya kung mapapahamak man siya ngayon-" Hindi doon nagtatapos ang away ni Kisha at Void kaya nairita na rin ang iba. Si Orio ay nagtakip ng tainga habang si Stacy ay yumuko nalang. Nawala sa isip ni Void na kasama nila ang kapatid ni Neon na baka magalala lalo dahil sa mga nasabi niya. Tiningnan nila si Scarlet na pilit ngumiti.

"Void. Kisha. Thats enough" seryosong sabi ni Tyco at tumingin kay Kisha na tumahimik nalang at hindi na nagsalita

"Walang mangyayari kung magaaway tayo. Kahit magsisihan tayo dito wala paring mangyayari kaya kahit ngayon lang magtulungan tayo para maayos ito" seryosong sabi ni Elixir na nakaupo sa table, tumahimik ang lahat pagkatapos non pero nasira ng biglang nagsalita si Harmonia.

"Andyan na si Cassidy!" ani ni Harmonia na nakita si Cassidy na kakadating lang. Pawisan, halatang nagmadali at tumakbo ito. Pinuntahan ito ni Stacy at Kisha habang ang iba ay nagtataka.

"Oh bakit parang pagod na pagod ka?" Tanong ni Elixir. Cassidy looked at them with fear written all over her face kaya nagtaka sila. Paiyak narin ito halos kaya lalo silang nagalala. Habang si Tyco ay napansin na hindi nito kasama si Neon.

"Si Neon... "

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: Medyo cliffhanger sorry na agad.

🖋: [09. 15. 21]

LULLABY Where stories live. Discover now