Chapter 56 : The Last Letter

43 2 5
                                    

─────
Tyco's POV
─────

Nakaramdam ako na dapat namin mag investigate dito sa school ng gabi. Kaya napag usapan namin kanina at ngayon may mga dalang flashlight lahat ng Xeilten.

"Ano na? Akyat na sa gate" ani ni Elixir. Kita namin ang guard na pauli-uli at tinututok ang flashlight

Nang makaalis ang guard at buti naman hindi kami nakita dito.

"Tutunganga lang ba kayo diyan?" sabi ni Void at Neon na nasa kabilang bakod na kaya nagulat kami tinulungan muna namin ang mga babae na makatawid sa kabila

"Tyco this was just random, please" sabi ni Scarlet habang nakacrossed arms

"Trust me, it's like something led me here" I swear something led me here

"Are you sure hindi us mahuhuli dito sa ginagawa natin?" tanong ni Stacy na nagtanong habang naakyat sa bakod kaya I just shrugged. After all aren't we already risking our lives from the start?

Lahat kami nakaliban na except kay Orio. Kaso biglang sumulpot yung guard kaya napatago nalang kami, I don't know why I had this urge na tumawa. I don't know parang may thrill kasi and Orio looks like a lost kid at the gate

"Bakit ka andito? Gabi na ah?" tanong ng guard kay Orio at ngumiti naman itong anghel innocently

"Oh I was just admiring our school atsaka napadaan lang po ako. Never ko pa po nakita tong school ng gabi eh" paliwanag nito. Pinauwi na siya guard at nakipag apir pa ito sa guard bago umalis kaya nagpigil ako ng tawa.

I also saw Orio signalled us to go bago siya tumago at nagkunwariang umalis. Kaya tumakbo kami and tried not to make any noises papunta sa isang classroom para intayin si Orio. Pumasok kami sa loob and surprisingly bukas ito pero we're not here to steal anything.

Maya-maya nakakita kami ng flashlight kaya natakot kami at tumago. Biglang bumukas ang pintuan at si Cassidy na nakatago sa likod ng pintuan ay sinubukang hampasin ang pumasok ng tambo kasi akala namin guard yun pala..

"BES KALMA!" pasigaw na bulong ni Orio kaya nagsilabasan ang lahat sa kanilang taguan.

May nakita akong punting babae ss hallway sobrang linaw as in babae. I can see her hands telling me to follow her. Naaninag ko narin ang mukha niya..

"It's Gwen!" sabi ko kaya napatingin sakin ang lahat

"Gwen? Where?" tanong ni Stacy kaya tinuro ko pero wala daw siyang nakikita. It's strange na sa akin siya nagpakita. She looks.. different..

"I swear I saw her, nakaputi siya.... just like in Elixir's dream. Diba may kwinento ka rin sakin? Kwinento mo nung araw na dapat magrerelax lang tayo?" tanong ko kay Elixir at tumango siya. Muli ko siyang naaninag na papunta ito sa direksyon papunta sa likod ng school.

"Follow me" sabi ko sa mga kasamahan ko at lumabas kami ng room. We started running kahit medyo umingay dahil ang lakas ng tunog ng sapatos namin dahil nag e-echo sa empty hallway

Patuloy kong sinundan si Gwen at nakita ang likod ng school muli kung saan umakyat kami noon.

I think we're going to have to climb again.

LULLABY Where stories live. Discover now