O11 : She Killed Her?

129 11 40
                                    

- Peek A Boo ● Red Velvet
now playing..

─────
Harmonia's POV
─────

"Sino sa tingin niyo yung may kakaibang galaw simula palang nung una?" tanong ni Elixir kaya biglang tumingin si Void sakanya. Mukhang may nakita si Void dati?

"Nakita ko si Stacy dati na duguan ang kamay. Hindi ko rin alam kung bakit... hindi kaya siya y-" natigilan ulet si Void dahil kay Kisha

"Hindi"

"Hindi?" napatingin ang lahat sakanya samantalang si Kisha ay nanitiling nakatulala sa table

"Hindi siya yung pumatay... sigurado akong hindi niya magagawa yun" sabi niya at naalala ko na kung bakit puro dugo ang kamay ni Stacy noon.

"Same here, m-maybe may ibang reason kung bakit siya duguan nung time na yun hehe" sabi ko at bigla pang nautal. Hindi. Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari tungkol kay Stacy. Alam kong hindi nila ako matatanggap pag nalaman nila. Lalo na si Kisha.

"Same, alam ko rin na hindi magagawa yun ni Stacy. I guess kung hindi siya then I have someone in mind" sabi ni Elixir kaya bigla kaming nagtaka

"Sino?"

"Hindi ko sasabihin dahil kasama natin siya" aniya ni Elixir kaya napatango nalang kami

Hindi parin nawawala sa isip ko ang sinabi nila. So ibigsabihin nakita nila si Stacy na duguan ang kamay nung hapon na yun?

─────
Stacy's POV
─────

"Kanina pa natin iniintay si Kisha. Nasaan na kaya yun?" sabi ni Cassidy na katabi ko

Hindi naman ako ganon kadalas magconyo. I have my reasons kung bakit nagcoconyo ako sa harap ng mga tao and I think now is still not the time para sabihin ang katotohanan tungkol sakin.

"Di ko rin knows eh. Maybe she went home na talaga?" tanong ko sakanya

"Hindi eh.. ramdam kong andito parin yung babaitang yun. Hanapin nga ulet natin for the last time" napabuntong hininga nalang ako. Tatlong times na kami nag hahanap. Nagtext naman si Kisha na nakauwi na siya pero ayaw naman maniwala ni Cassy.. hayst...

"Eh? again?"

"Yes again. Lets go" sabi ni Cassidy kaya napangiwi nalang ako. Hayst jusko Kisha Takahashi nasan ka na ba talaga?

Maya-maya nakita namin si Orio na lumabas ng room at may dalang mga libro. Tiningnan ko si Cassidy sa tabi ko at nagtaka na wala siya. Tumingin ulet ako kay Orio at nagulat ng bigla kong nakita na katabi na agad nito si Cassy. Speed ampotspa.

"Orio nakita mo ba si Kisha?" tanong niya kay Orio kaya nginitian ito ni Orio

"Hindi eh. Di ko alam kung nasan si Kisha. Sorry" Sabi ni Orio kaya ngumiti si Cassidy pabalik

"Ano ka ba? Okay lang sige mauna na kami. Bye Orio, stay safe!"

"Sige bye! ingat kayo girls" sabi ni Orio at patuloy kaming naghanap.

LULLABY Where stories live. Discover now