OO8 : Discussion

110 16 11
                                    

- LO$ER = LO♡ER Tomorrow X Together now playing...

─────
Tyco's POV
─────

Pinuntahan ko si Harmonia sa room nila at mag isa nalang siya dun. Nakatulala..

"Harmonia" pagtawag ko sakanya kaya bigla siyang napatingin sakin

"Tyco, bakit... andito kayo ni Elixir?" tanong nito na biglang napatayo at pumunta samin

"May kailangan tayo pag usapan" sabi ko at seryosong nakatingin sakanya kaya bigla siyang nagtaka

"Tungkol saan?"

"Gwen" sabi ni Elixir na seryoso rin at biglang nagulat si Harmonia

"Ah.. siya" aniya ni Harmonia at tumingin samin pareho

"Nakita niyo.. siya? si Gwen?" tanong ni Harmonia

"Si Gwen ba na nakita mo ay babaeng puro sugat at madumi ang suot na uniform ba kapareho nung atin?" tanong ko at tumango siya kaya nagkatinginan kami ni Elixir, halatang kinilabutan si Elixir sa nakitang pag-agree ni Harmonia

"Then yes we saw her" Tumingin samin si Harmonia na gulat

"I saw her nung pauwi na ako. Nakita ko siya nakatayo sa tapat ng apartment room ko kaya nakitulog muna ako kena Tyco" paliwanag ni Elixir

"At nakita ko siya sa ilalim ng kama na tinutulugan ni Elixir nung nakitulog siya samin, may hawak na kutsilyo at balak sana patayin si Elixir.... kung di kami umalis siguro ako kasunod na papatayin ni Gwen" I also explained my side

"Ano bang nakita mo kanina nung makita mo si Gwen?" aniya ni Elixir at tumingin kay Harmonia na biglang namutla

"Puro sugat... medyo duguan... medyo magulo ang buhok, mukha siyang normal kaso nakayuko siya kaya di ko makita ng maayos yung mukha niya... sa bawat pag tigil niya sa pag kanta sinasabi niya 'Harmonia tulungan mo ako'" paliwanag ni Harmonia kaya nagdesisyon na ako

"Tara, may kakausapin tayong may alam siguro kung nasaan ang bagay na hinahanap ko" sabi ko at biglang nagtaka ang dalawa

─────
Void's POV
─────

"Void we need to talk.." sabi ni Tyco at tiningnan ko siya

"Why?" tanong ko

"Alam namin ni Elixir na narinig mo yung pinag usapan ni Cassidy at Harmonia" sabi ni Tyco at tumingin kay Harmonia

"Pareho kaming tatlo ng naranasan, nakikita namin ni Elixir at Harmonia yung babaeng hindi nakikita ng ibang estudyante at ng ibang tao. At ngayon alam na namin pangalan niya which is Gwen" Tyco explained while looking at Harmonia and Elixir. He is worried, he is scared. He is desperate.

"Hinahanap namin ni Elixir nung isang araw pa yung school year book kasi gusto namin malaman full name nung-"

"Gwen Alizer" pagputol ko at bigla siyang nagulat kaya tiningnan ko siya ng seryoso

"h-ha?"

"Hindi lang kayo ang minumulto niya" may narinig kaming pamilyar na boses

"Tama si Kisha... nakita narin namin siya"

TO BE CONTINUED
─𔘓⁩────

A/N: short update ulet sori na

🖋: [08. 21. 21]

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon