OO9 : 1st Wrong Piece

102 10 10
                                    

- Drunk-Dazed • Enhypen
now playing...

「🧩 🚫 OOPS! NOT A PUZZLE:( 」
wrong piece - open flashback

─────
Kisha's POV
─────

"Mauna na ako. Ingat ka pag uwi" sabi ko tsaka umalis. Nagugutom na ako eh, punta muna akong convenience store bago umuwi. Hays... grabe kala ko meron talagang taong kumakanta. Lakas ng trip ni Elixir hays..

Naglalakad akong mag isa, medyo madilim na. Siguro naman nakauwi si Cassidy at Stacy. I hope they already went home.

Nakita ko yung convenience store sa di kalayuan. Habang naglalakad ako ay may nararamdaman akong parang may nagmamasid sakin. Its kinda creepy, kaya tumakbo ako agad at pumasok sa loob ng convenience store

I saw a familiar boy standing at the counter

"Void?" sabi ko at lumingon ito sakin

"Oh Kisha, didn't expect you would be here" aniya at ngumiti kaya nginitian ko pabalik

"Ahh nagugutom kasi ako kaya nagdesisyon akong pumunta dito" I said and he just nodded

"Aalis na rin naman ako, may binili lang HAHA sige mauna na ako. Bye! ingat sa pag uwi" sabi nito sakin habang dala ang dalawang white na plastic bags

Umalis na si Void samantalang ako naman ay namili kung ano pwedeng kainin kaya bumili nalang ako ng ramen. Binayaran ko at inayos para mailagay sa ramen cooker.

Iniintay ko yung ramen ng bigla akong may maramdaman na presence sa tabi ako. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko siya..

"Anak ng tokwa, Void??!" nagulat ako kanina ko pa pala to katabi. Kala ko ba umalis na toh?

"Hehe... hi" sabi nito at ngumiti

Kinuha ko yung ramen ko at umupo malapit sa bintana. Sumunod siya at umupo sa harap ko.

"Kala ko ba uuwi ka na? Bakit andito ka pa?" tanong ko, medyo nahihiya akong kumain kaya kinakausap ko muna siya

"Ahh, intayin na kita" sabi nito at ngumiti. Then he signalled me to continue eating.

"Loh bakit?" tanong ko at umiling ito

"No reason, just eat HAHA" tumingin ako dito at patuloy na kumain. Nahalata niyang nagtaka ako kaya napabuga nalang ito ng hangin

"Mamaya ko i-explain basta kumain ka muna kasi kung i-explain ko ngayon... baka mawalan ka ng gana sa pagkain" sabi nito kaya napatango ako at patuloy na kumain.

Tumahimik bigla at ang maririnig mo lang ay yung paghilik ng store clerk sa counter, nakatulog na ulit. Masarap ata tulog ni kuya ah.

Tapos na akong kumain at si Void na kanina pa nakatingin sa bintana ay napatingin sakin. Kanina pa ito nakatingin sa bintana na parang may sinisilip.

"Tapos ka na pala? Uuwi ka na ba?" tanong nito sakin kaya tumango nalang ako

"Kala ko ba may sasabihin ka pa?" tanong ko at biglang nawala ang ngiti nito. Bigla niyang tinaas ang kanyang kamay at tinuro ang bintana

"Loh, anong gusto mong gawin ko sa bintana? Basagin ko? sige ba, basta ikaw magbabayad-"

"Gaga, hindi yung bintana. Nakikita mo ba yung babaeng yun sa labas?" tanong nito sakin kaya sumilip ako sa labas at nakita ang babae sa di kalayuan. Nakakapagtakang parang nakaharap ito samin at parang pinapanuod kami. Hindi ko makita ng maayos ang mukha pero parang nakangiti ito samin. Napahawak ako sa i.d ko at pinaglaruan ng hindi namamalayan.

Bigla kong naalala, napatingin ako sa sarili ko at tumingin pabalik sa babae. Medyo madumi yung uniform niya pero pareho kami?? coincidence? or kaklase namin? ewan.

"Eh? bakit crush mo ba yung babaeng yun? HAHA" paghalakhak ko at tiningnan ako ni Void ng masama

"Shut up. Di ko crush....pero hindi ba si Gwen yun?" Sabi sakin ni Void at tumigil ako sa pagtawa at pang aasar

"Gwen who?"

"Siya yung pinatay sa Xeilton diba? Bakit andito siya... kung patay na siya?" aniya ni Void kaya bigla akong natahimik pero tumawa nalang ako bigla thinking its a joke

"HAHA nice joke Void.." sabi ko pero nakatingin ito ng seryoso sakin

"You're just kidding right? I mean imposible namang mabuhay pa ang mga namatay na tch.. hindi totoo ang multo.. stop scaring me Void" sabi ko but Void just shaked his head

"Multo siya.. nilapitan ko siya kanina. I thought she was in pain and believe me, hindi mo siya gustong makita ng malapitan" pagpapaliwanag ni Void, feeling ko bigla akong nilamig na kung ano. Tangina matakot na ba ako?

"Thats why I came back. She tried to attack me pero nakatakbo ako at pumasok ulit dito. Kung iniwan kita siguro ikaw naman ang balak niyang guluhin o takutin" sabi ni Void at bigla akong napatingin sa sahig at natulala

Multo? Xeilton? pinatay? Gwen? Wait... Gwen? Stacy once mentioned her

"Ah this? Si Gwen nag-give nito sakin eh HAHA"

Muli akong napatingin sa bintana... pinatay? .... hindi kaya... Hindi.. imposibleng gawin niya yun... hindi niya magagawa yun.. diba Stacy?

done - close flashback

"Bakit parang may connection itong multo sa amin lahat?"

TO BE CONTINUED
─𔘓⁩────

A/N: yung flashback kung saan nakita ni Void at Kisha si Gwen

LULLABY Where stories live. Discover now