O24 : Canceled

108 9 9
                                    

- Lost ● BTS
now playing...

─────
Stacy's POV
─────

Sandale.. Wag mong sabihin na tatalon siya dun? Kung gagawin man niya? Ano bang problema niya?

"Tyco, please take care of Cassidy muna ha?" Sabi ko habang tumango si Tyco at pinakalma si Cassidy

Nagsimula akong maglakad ng mabilis kung saan nagtatakbuhan ang ibang estudyante. Ano ba talagang nangyayari at bakit parang sabay-sabay lahat?

Nasa may pintuan ako ng school rooftop at ang hirap makipagsiksikan sa dahil nagkukumpulan sila rito at ang hirap makadaan.

"Excuse me, sorry" sabi ko habang pinipilit na makadaan. Nasa likod ako ng isang estudyante malapit sa unahan.. at nakita si Elixir... may dugo.. sa mga kamay niya

"I promise it wasn't me!" pagsigaw ni Elixir sa mga adviser na pilit siyang hinila...

Ang ibang adviser ay pilit na pinapalayo ang mga estudyante sa area kung saan may katawan ng estudyante at may saksak ito sa dibdib.. malapit ito kay Elixir ngayon, ang polo niya rin ay duguan..

Nakita ko si Void at tiningnan ko siya, napansin niyang nagmamakaawa ako at pinipilit siya na gumawa ng paraan para matulungan si Elixir na ngayon ay pinagbibintangan ng mga adviser.

Napa-iling si Void pero nagmakaawa ako muli kaya napabugtong hininga ito.

"Hindi po si Elixir ang may gawa" Sa wakas nagsalita rin si Void!

"Hindi siya ang may kasalanan kasi nahanap ko ito sa sahig while you were all distracted and blaming Elixir for the murder" Sabi ni Void at itinaas ang brown paper na may dugo at may nakasulat ng letter 'N'

letter N?!

No way... Neon?!

"Maraming tao dito sa paaralan na ito na nagsisimula sa letter 'N' ang pangalan" sabi ni Void habang binigay ito sa guro

"Are you even sure Mr. Lazaro na nahanap mo itong brown paper dito sa rooftop?" tanong ng adviser sakanya at seryosong tumango si Void

"100% sure Ma'am" simpleng sabi nito

"Sige, magsibalik na kayo sa mga gawain niyo.. and you Mr. Yoshida, we're sorry for blaming you. Pwede ka na bumalik sa gawain mo. The police will still ask you abiut some questions" sabi ng guro kaya tumango nalang si Elixir.

Umalis na lahat ng mga estudyante at bumalik na sa kanilang mga puwesto at tinuloy ang mga gawain nila.

Lumapit ako kay Void at ganon rin ang ginawa ni Elixir.

"Void, thank you so much for having my back" nagpasalamat si Elixir pero umiling si Void at tumingin sakin.

"Kay Stacy ka magpasalamat. Siya nagsabi sakin na tulungan kita. Ayoko pa nga sana eh" sabi ni Void at napatingin sakin si Elixir at pabalik kay Void.

"Ahh ayaw mo?" pagsimangot ni Elixir at sinamaan si Void ng tingin.

"Ever heard of the word 'joke' ?" sabi ni Void at tinaas ang kilay niya.

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon