O12 : Guess the Murderer

105 11 10
                                    

- Gods Menu ● Stray Kids
now playing..

─────
3rd Person POV
─────

Naihatid na ni Tyco, Void at Elixir ang dalawang babae sakanilang mga tahanan.

Si Void ay nagmadaling umuwi dahil may kailangan pa itong gawin dahil naghahanda ito para sa foundation day na gaganapin kinabukasan

Si Tyco at Elixir naman ay nakauwi ng maayos. Nagdesisyon silang matulog nalang ng nakabukas ang ilaw dahil sa sinabi ni Void

"Ang pagkakaalam ko, madalas silang nagtatago sa dilim"

Kaya nagdesisyon sila na matulog ng nakabukas ang ilaw.

"Hindi ata ako makakatulog pag bukas ang ilaw. Para tayong bata na takot sa dilim hayst.." sabi ni Tyco na ngayon ay nakaupo sa sofa at napangiwi

"Edi wag ka matulog. Kung gusto mo patayin yung ilaw edi patayin mo. Basta sa labas ako matutulog dahil AYOKONG makita si Gwen" aniya ni Elixir at ngumiti sa kaibigang sinamaan lang siya ng tingin

"Wait, diba sabi niyo hindi si Stacy ang killer? and you said you have someone in mind... who is it?" tanong ni Tyco kay Elixir na nakaupo sa kama at nakain ng tsitsirya

"Ahh yun? just promise me you won't tell anyone about it" sabi ni Elixir kaya tumango si Tyco

"Okay then.. sa tingin ko talaga si Orio yung pumatay kay Gwen at si Kisha yung may alam ng mga sekreto" sabi ni Elixir at nagpatuloy sa pagkain

"Bakit si Orio at Kisha?" tanong ni Tyco, nagtaka si Tyco dahil wala pa siyang nakikitang kakaiba kay Kisha at Orio

Si Kisha tahimik lang, laging nakangiti. Si Orio naman literal na anghel at sobrang bait. Paano sila magiging killer at secret keeper?

"Hindi ko pwedeng sabihin ang nalalaman ko tungkol kay Orio.." sabi ni Elixir

"As for Kisha. Sabi kasi ng iba 'ang mga taong tahimik, maraming tinatagong sekreto'" paliwanag ni Elixir at patuloy na kumain habang si Tyco naman ay tumango lang

"Yeah, you have a point... but we can't just judge people based on their characteristics" aniya ni Tyco na tiningnan ang kaibigan na kanina pa kumakain. Tumingin lang sa kanya si Elixir at nagkibit balikat

"Ewan ko rin. I'm not judging them based on their characteristics. Feeling ko lang talaga na may tinatago si Kisha at kay Orio naman, may nakita akong kakaiba" paliwanag ni Elixir at sinubukan gawin bola yung pinagkainan na plastic at basket yung basurahan sa loob ng kwarto ni Tyco.

"Pero sa tingin ko si Cassidy or si Neon yung killer or witness" ani ni Tyco kaya nagtaka nalang si Elixir

"Ha?"

"I mean, si Cassidy malay mo kahit pangiti-ngiti lang at nagvlovlog sa loob ng school, baka may tinatago rin. Malay mo may videos siya kung saan nakita niya yung killer at nakuhaan pa niya ng video yung killer" paliwanag ni Tyco at tsaka tiningnan si Elixir na patuloy na nakikinig sa paliwanag nito

"Si Neon naman malay mo siya yung killer since kilala siya sa Xeilton as the naughty boy he is. May possibilty siyang maging killer diba?" Tiningnan ito ni Elixir at halatang parang naweweirduhan siya sa sinabi ni Tyco. Tapos biglang tumingin si Tyco ka Elixir habang nanlalaki ang mata

"Oh kaya... paano kung magkasabwat si Kisha at Neon o kaya naman si Orio at Cassidy diba??" paliwanag ni Tyco kaya lalong naweirduhan si Elixir sakanya

"Ewan ko sayo, sabi mo huwag ako mangjudge based on their role and characteristics tapos ikaw umaabot sa gantong istorya, tch. Matulog ka na nga" sabi ni Elixir na inirapan lang siya kaya sumimangot nalang si Tyco at nagkamot ng ulo, iniisip kung may mali ba siyang nasabi habang nagpapaliwanag siya.

"potangina" isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ni Tyco at sinamaan ng tingin si Elixir

"Foundation day na pala bukas" pagpapaalala ni Elixir kay Tyco na tumango lang at humiga sa sofa

"Bukas rin siguro magsisimula ang pagiimbestiga natin tungkol kay Gwen Alizer" ani ni Elixir at humiga rin sa kama ni Tyco

"Baka nga. Si Void ang mangunguna eh. Si Harmonia at Kisha na daw bahala magsabi sa iba na nasa panganib tayo kaya kailangan tulong tulong tayo sa pagiimbestiga" paliwanag ulit ni Tyco habang nakapikit ang mga mata

"Yeah.. you're right" pagsang-ayon ni Elixir at sinubukan naring matulog

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: Pinagchismisan na pero atleast may unting clue... baka naman si Cassidy nga yung witness. Pwede rin si Kisha yung secret keeper. Pwede rin si Neon yung killer or pwedeng katulong niya si Stacy at Orio sa pagpatay? ¯\_(ツ)_/¯

Short update mga daiz. Sorry hehe

LULLABY Where stories live. Discover now