O16 : His Mistake

96 12 20
                                    

- GhostingTomorrow X Together now playing...

─────
Scarlet's POV
─────

Nakarating na kami sa ospital kung nasaan si Kuya Neon. Nagmadali kami at hiningi ang room number kung saan nagpapahinga si Kuya. Cassidy told us Kuya's car crashed and many people saw it kaya nadala agad siya sa ospital.

Biglaan eh, kaya nung una hindi ako naniwala hanggang sa nagpakita si Cassidy ng video kung saan may kotse na sira-sira at maraming tao sa paligid. May mga taong tumulong para ilabas si Kuya Neon sa kotse. Wala na siyang malay kaya nilagay siya sa stretcher at pinasok sa loob ng ambulansya. May mga nakapalibot na barricade tape sa kotse.

Binuksan ni Tyco ang pinto at nakita ang doktor na chinecheck ang lagay ni kuya.

"Kamusta po lagay niya?" tanong ni Tyco

"Okay naman siya. He's in a stable condition. May unting burns and injuries. He just needs rest kaya baka ma-discharged na siya soon pag fully recovered na siya. Thats all, excuse me" sabi nito, nginitian kami at umalis para asikasuhin ang ibang mga pasyente.

Tiningnan ko si Kuya

"Kuya..." hindi ako makapagsalita ng maayos. Bungad si Kuya na nakahiga sa hospital bed. May bandage sa ulo at dextrose. Tulog pa ito at wala pang malay. Tumingin ako sa iba kong kasamahan.

Si Void ay tumalikod at napahawak sa buhok due to frustration. Si Tyco ay patuloy na tiningnan si Kuya na tahimik na natutulog. Si Ate Kisha ay napaupo nalang at napayuko, hindi matingnan si Kuya. Katabi niya si Stacy at Cassidy. Si Elixir ay nakayuko rin at napailing nalang si Orio. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakita si Harmonia na katabi ko.

"He should have listened..." sabi ni Void ng seryoso

"I knew something like this would happen.." ani ni Tyco at umiling.

"We should start investigating before things get worse" sabi ni Orio at tumingin kina Tyco na tumango

"Diba pumunta kayo sa bahay ni Gwen?" Tanong ni Elixir na tumingin kay Void na yumuko at napabuntong hininga nalang ng hangin

"Matandang babae lang ang na andon. Pinatay nga si Gwen at mukhang yung matanda na yun ay lola ni Gwen" Paliwanag ni Tyco

"Hindi kami nakapagtanong ng maayos dahil pinaalis kami" sabi ni Void na umiling nalang

"Pinaalis?" tanong ni Harmonia. Ano ba kasi yung nalalaman nila na hindi namin alam? Nakakalito na kasi.

"Yeah, she thought we we're the killers and even told us na kahit daw makonsensya kami, hindi na daw maibabalik ang kanyang apo" Paliwanag ni Void at natawa dahil sa asar

"It must have hurt a lot dahil namatay si Gwen ng walang dahilan" sabi ni Cassidy na kanina pa nakikinig sa pinag uusapan nila. Wala akong maintindihan, blanko pa ang utak ko. This isn't a prank right?

"And they even closed the case just like that since they can't find any trace of the killer" paliwanag ni Tyco at umupo sa sofa na andito sa loob. Umupo naman sa sahig si Elixir. May upuan naman kasi bakit sa sahig pa?

"Kaya nga siguro tayo yung minumulto niya" sabi ni Orio na umupo sa tabi ni Elixir. Inuulit ko, may upuan pero bakit sa sahig umupo tong mga toh?

"Eh why naman tayo pa eh hindi naman tayo yung pumatay sakanya" Tanong ko kaya napatingin sila sakin

"Yun na nga eh, kung hindi sa atin. Siguro baka kilala natin" sagot ni Elixir sa aking tanong. I guess he is right, kung wala sa amin edi baka kilala namin?

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon