O14 : Ignoring Her Words

99 12 8
                                    

- We Don't Talk Anymore ● Charlie Puth now playing..

─────
Void's POV
─────

I guess this is the place??
Pumunta kami sa bahay ng parents ni Gwen para magtanong kung anong nangyari.

Tyco knocked on the door while I'm here waiting. Medyo may pagkaluma narin ang bahay at halos mukhang walang tao sa loob nito.

Bumukas ang pinto ng unti at isang matanda ang bumungad.

"Sino kayo? Bakit kayo andito?" tanong ng matanda

"Andito po kami para-" hindi ko na natuloy ang aking sinasabi dahil nagsalita ulit ang matandang babae.

"Para ano? para patayin rin kami?" tanong nito kaya kami lalong nagulat. Pinatay nga si Gwen?

"Hind-" Magsasalita na sana si Tyco pero hindi ito pinatapos ng matanda

"Ahhh... nakokonsensya kayo? Kahit pa nakokonsensya na kayo at andito kayo para humingi ng tawad, hindi niyo na maibabalik ang apo ko. Umalis na kayo" pagmamatigas ng matanda at nagtaka kami lalo. Apo? nasan ang mga magulang ni Gwen?.

"Apo?" tanong ko pero nasigawan lang kami

"Umalis na kayo!" sigaw nito at nilock ang pinto. Tumahimik ang paligid pagkatapos non. Wala kaming masabi dahil sa gulat. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa Xeilton dahil wala kaming magagawa, pinagsarahan kami ng pinto. Hindi naman namin pwedeng pilitin kung ayaw pero gagawa kami ng paraan para makausap ang pamilya ni Gwen.

"Sa tingin mo asan kaya magulang ni Gwen? Apo daw niya si Gwen eh?" tanong ni Tyco habang naglalakad kami

"Hindi... ko rin alam, kaya nga dapat malaman muna natin ang nangyari kay Gwen mukhang kailangan rin natin ng tulong" sabi ko at patuloy na naglakad habang si Tyco ay tumango lang. Naaawa ako.. mukhang mag isa nalang ang lola ni Gwen sa bahay na yun at mukhang nahihirapan parin dahil sa pagkawala ng apo.

─────
Neon's POV
─────

"Scarlet ayoko na nga dito kaya akin na yung susi... please" sabi ko kay Scarlet. Hinihingi ko yung keys ng kotse pero ayaw niya ibigay, matuto daw muna akong mag 'please'. What am I? A five years old dumbass who doesn't even know how to say 'please'?

"Ayusin mo. Para kang five years old dumbass na hindi maalam mag 'please'" sabi ni Scarlet kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin and as expected hindi siya takot sakin at sinamaan lang din ako nito ng tingin

"Atsaka bakit ba parang gustong gusto mo na umalis? Ha? Can't you just enjoy your free time here?" tanong si Cal kaya lalo lang akong nairita

"Free time huh? ang boring dito kaya gusto ko umalis. I can have my free time somewhere else" sabi ko kaya umirap lang ito sakin

"Boring ka dyan. Ang saya kaya dito" sabi ni Scarlet at saktong may nagsalita sa mic na galing sa shout out booth

"SHOUT OUT TO KISHEON PO KAMBAK NA PLS"

what the fck was that? and who the fck did that?

"See? ang saya diba?" ani ni Scarlet at ngumiti habang ako ay napakamot nalang sa ulo dahil sa inis

"Damnit Scarlet just give me the keys!" medyo napagtaasan ko na si Scarlet ng boses dahil naiirita na talaga ako

"No"

"Andito lang pala kayo" may pamilyar na boses kaming narinig. This is why I wanna leave early kasi anytime pwede ko siyang makainteract dito at nakakabad mood lang

"Hi ate Isha!" bati ni Scarlet kay Kisha na nakasuot ng Jasmine costume at medyo pawis dahil mainit ang panahon

"Hi Cal!" bati ni Kisha sa kapatid ko habang nakangiti. Her smile faded when I spoke.

"Hi.."

"Hi Neon..." bati nito sakin pabalik pero hindi makatingin ng maayos. She quickly glanced at me.

"Anyway I'm here kasi may dapat akong sabihin sainyong dalawa" sabi ni Kisha at halatang seryoso ang pag uusapan dahil sa tono ng boses niya

"Sorry.." I said as I snatched the keys from Scarlet's hand and waved it

"Pero may pupuntahan ako" Tinuloy ko ang aking sasabihin matapos kong makuha ang susi kay Scarlet. I looked at Kisha and smiled sarcastically before walking away.

"Kuya"

"Neon"

Pagtawag ng dalawa sakin pero hindi ko nalang pinansin. I just wanna leave this place soon as possible. I don't wanna see her.

"Well goodluck chasing your Aladdin, Jasmine" rinig kong sabi ni Scarlet at alam ko kung anong ibigsabihin niya

Binilisan ko ang aking lakad kaya mabilis rin akong nakapunta sa parking lot dahil malapit lang naman ito sa booth na tinatambayan namin ni Scarlet kanina.

"Neon" rinig ko ang boses ni Kisha, kaya tumingin ako sa likod at nakitang sinusundan niya ako

"Neon please.. just listen" sabi nito at hinawakan ang braso ko para iharap ako but I removed her hand and faced her

"You got 5 minutes. If this is about our past then leave because you're just wasting my time" sabi ko sakanya pero nagulat ako sa sinabi niya pabalik... bakit parang ang sakit parin tangina.

"Bold of you to assume that I followed you here and asked for your time desperately just to talk to you about our past" malamig na sabi ni Kisha sakin pero halata ko ang lungkot sa mata niya

"Then what the fck is it?!-" natigilan ako sa sinabi ni Kisha

"Galit na kaluluwa" simpleng sabi niya. Kaming dalawa lang andito ngayon sa parking lot. Tinatakot ba ako nito?

"What?" tanong ko ulet

"Neon may nakasunod sa atin na multo" paliwanag niya. She's kidding right? Kala ko ba hindi rin siya naniniwala sa multo?

"Multo?" tanong ko pa ulet at mukhang seryoso siya

"Yes.." sabi nito at yumuko at bumuntong hininga

"HAHA hindi mo ako madadaan sa ganyan" sabi ko at tumalikod. Nagsimula akong maglakad palayo at pinindot yung remote control key para tumunog yung kotse ko

"You just wasted my time" I simply said and she blocked my way while spreading her arms trying to stop me from leaving

"Neon I'm not even joking, I'm deadass serious" sabi nito ng seryoso. Kalokohan. Walang multo, hindi yun totoo. I pushed her aside and ignored her words.

Sumakay na ako sa kotse. She glared while I glared back. Tumabi nalang ito para hindi masagasaan

"Don't say I didn't warn you" sabi nito sakin kaya inirapan ko nalang siya at umalis sa lugar na yun.

Kilala ko si Kisha... pag nagpipilit siya, alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya pero baka naman nagbago na siya. Dapat parin ba akong maniwala sa mga sinasabi niya?

TO BE CONTINUED..
─𔘓⁩────

A/N: Hello! Malapit nanaman pasukanㅠㅠ
Anyway Stay safe! Sorry sa slow update, kaso baka lalo akong matagalan kasi nga gaws ng school

🖋: [09. 15. 21]

LULLABY Where stories live. Discover now