Chapter 48 : Eyes

66 7 2
                                    

- My Typebrb.
now playing...

TW // Suicide

─────
Third Person POV
─────

"Ano nga palang nangyari at bakit ngiting-ngiti ka nanaman?" tanong sakin ni Void sa kaibigan na si Kisha

"Oh... my dad kicked me out of the house" sabi ni Kisha na ngiting-ngiti parin kaya nagulat ang tatlo

"WHAT?! bakit ang saya mo parin?!" tanong ni Neon kaso umiling lang si Kisha na naging seryoso ulit

"Pinapalipat na ulit ako sa apartment para dun daw ako maginvite ng friends kahit kailan ko gusto. Ayaw niya daw makita si Neon ulit sa loob ng bahay. Sorry about that" paliwanag ni Kisha na napatingin nalang sa ibang direksyon and heard Neon chuckle

"Sanay na ako. May galit talaga siya sakin hindi ko rin alam kung bakit" sabi ni Neon kaya tumango nalang sila Void

"Pero atleast kung gusto niyo ulit ng group study or tumambay pwede kayo sa apartment whenever you like" sabi ni Kisha sa mga kaibigan kaya naman nginitian ito ni Scarlet. Natuwa si Kisha dahil kahit papaano pwede nga naman niya mainvite ang mga kaibigan niya para maghang out ng walang problema

"Yeah pumunta ako sa apartment mo tapos ibang tao na ang andun kanina. Medyo kapangalan mo pa ng unti yung isa. Maybe parang mas bata siya kesa sa atin ng unti. Pinapasok kasi kami ng parents niya. Nagulat ako kasi Takahashi rin yung surname nila" paliwanag ni Neon kaya nagtaka nalang sila Void. Si Kisha naman ay hindi nalang nakapagsalita at naalala nalang ang kwento ni Orio

"Eh?" tanong ni Void

"Her name is Kiara Takahashi. Naririnig ko siyang tinatawag ng nanay niya kanina eh" paliwanag pang muli ni Neon kaya lalong nacurious si Kisha tungkol sa mga kapatid niya sa bago niyang nanay. She doesn't really want to know kasi mas mahal niya pa ang totoong nanay niya kesa sa step mom niyang hindi naman niya kilala, ni hindi nga manlang niya nakita kung anong itsura ng step mom niya eh.

"I didn't know you had siblings" tanong ni Void kay Kisha na nagkibit balikat lang

"Malay mo naman pinsan diba? Or kaya kapareho lang niya ng surname pero hindi related?" sabi ni Scarlet at may point naman siya

"It would be a bizarre coincidence because those people are also living in Kisha's apartment" ani ng kapatid ni Scarlet na si Neon na ipinaglalaban parin na baka nga step sister ni Kisha si Kiara samantalang si Kisha na nakakaalam ng totoong nangyayari sa family tree ng Takahashi ay hindi nalang nagsalita kasi wala namang mangyayari kung sabihin pa niya diba?

"HELLOO!" napatingin ang apat kay Cassidy na sumigaw at sa hindi kalayuan ay nakita nga nilang nakatambay na ang lahat sa may tindihan na malapit sa bahay ni Tyco habang tumutungga ng soft drinks sa bote

"OH HEYY!" sigaw naman ni Scarlet pabalik at tumakbo habang ang tatlo ay naglakad lang palapit sa pitong tambay

"Kamusta nga pala si Nia?" tanong ni Kisha

"Binisita namin siya earlier baka sakaling okay na siya pero yeah, gising na siya pero the back of her head is still bleeding kaya pinagrest muna namin siya" paliwanag ni Tyco na kakatapos lang tumungga ng softdrinks

"Bakit pati ba naman weekends may meeting tayo?" pag iinarte naman ni Neon kaya napairap nalang si Void

"Pwede naman huwag ka nang sumali diba? Uwi na" pagsusungit rin ni Void

"Kanina naman hindi ka masungit sakin. Bigla ka bang niregla? Ayan oh sakto nasa tapat tayo ng tindihan bumili ka na ng pads baka dyan ka pa magtulo" pikon na sabi ni Neon kaya sinamaan lang siya ng tingin ni Void habang sinamid naman si Elixir na umiinom rin ng softdrinks habang nags-scroll sa phone niya

Napahalakhak nalang si Neon dahil kay Elixir natawa nalang rin sa sarili niya

"Gago kayo parang lumabas bigla yung coke na ininom ko sa ilong ko" sabi ni Elixir kaya halos lumuhod si Neon kakatawa dahil sa itsura ni Elixir. Samantalang si Void naman ay napikon sa pang aasar ng dalawa tungkol so called 'nirereglang' mood ni Void

"Ingay niyo may mga tulog na kaya" pagsaway ni Tyco sa tatlo

"Ang aga naman nun matulog" sabi ni Scarlet na busy pa bumili ng biscuit

"Ano nga palang nangyare? Nahanap niyo ba yung nurse? na tinutukoy ni Neon?" pag iiba ni Void ng topic kaya naging seryoso nanaman ang usapan

"About that.. the nurse commited suicide daw" sabi ni Tyco kaya nanlaki ang mata ng lahat except kay Scarlet na hanggang ngayon ay busy parin bumili ng pagkain niya

"Ha?" tanong ni Stacy na katabi na si Cassidy at Kisha habang nakain rin

"Tumalon daw sa rooftop ng hospital. They tried to stop that nurse pero it acted like some sort of insane person na tuwang-tuwa pa tumalon sa building" paliwanag naman ni Tyco kaya nagtaka lalo ang lahat sa identity ng nurse na yan

"Weird"

"Tinanong rin namin kung sadya bang ganon na yung mata nung nurse and the response we received from the doctors is sinasaktan daw lagi nung nurse na yun yung sarili niyang mata by using pepper spray" paliwanag muli ni Tyco

"The nurse wanted to blind herself" simpleng sabi naman ni Tyco kaya nagtinginan nalang ang sampu dahil sa sudden suicide ng nurse na dapat ay hihingan nila ng clues

"What the fck?" pagmumura ni Elixir

"The student I also chased yung kwinento ko sainyo na nagsuicide rin by poisoning herself. It's weird na everytime na makakuha tayo ng evidence from those kind of people who is connected to the mastermind always commits suicide?" pagtataka ni Void kaya napakibit balikat nalang ang iba sakanila

"Kasi nga papatayin rin naman sila nung mastermind pag nalaman na nahuli sila diba?" simpleng sabi ni Scarlet na busy naman ngayon itusok ang straw sa juice na binili niya kaya tinulungan naman siya ni Orio

"You have a point! By the way. May clue rin akong nakuha. Diba nakwento ko na may nakuha akong blank na papel? Pag tinutukan ko siya nitong ilaw there's a morse code inside at ang ibigsabihin ng morse code ay USB" paliwanag ni Void habang tinutukan ng UV light ang papel na hawak niya. Sinamid nanaman si Elixir sa laway niya dahil sa narinig na word na 'USB' kaya nagtaka ang lahat

"Weird haha.. nakailang samid na ako lately. Wait lang" he excused himself para pumunta sa loob ng bahay ni Tyco para magcr

"USB?" tanong naman ni Cassidy kaya tumango si Void

"Yeah so I wanted to ask kung sino sa inyo ang nakakuha ng special USB?" tanong pabalik ni Void kaya umiling naman ang lahat. Hanggang sa nakarinig sila ng sigaw sa loob ng bahay ni Tyco

"Ate Aeri" sabi ni Tyco at dali-daling pumasok sa loob ng bahay nila. Kaya sumunod naman ang lahat. Pagkapasok ni Tyco sa loob ay bungad sakanya ang amoy ng usok at mas nakakagulat pa ay nanggaling ito sa loob ng kwarto ni Tyco

Pumasok ito sa loon ng kwarto at nakita ang kapatid na may hawak na tabo at ang basurahan niyang sunog na. Nagulat rin si Tyco sa sunog na medyo tunaw na USB sa loob ng basurahan niya at si Elixir na hindi makatingin sakanya ng maayos

"ELIXIR WHAT THE HELL WAS THAT?!" tanong ni Tyco habang tinuturo ang maliit niyang basurahan na sunog na. Habang tumulong si Neon pakalmahin si Tyco. Ironic isn't it?

"I... uh" hindi makapagsalita ng maayos si Elixir na nagtatakip ng mukha due to frustration

"Tyco.. why did your laptop suddenly open?" takot na tanong ni Orio na lumayo sa laptop

What the fck is happening?

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : Malapit lapit narin matapos ang Lullaby so I'm trying my very best na maging active despite my busy scheds HAHA. I have proofread this chapter pero if there are still any typo and grammatical errors please tell me. Thank you^^

🖋 : [07. 15. 22]

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon