Chapter 35 : USB

82 7 7
                                    

- Softcore The Neighbourhood
now playing...

─────
Elixir's POV
─────

"Tara na late na. Bukas nalang" sabi ko at tumayo na at nag unat. Habang ganon rin si Neon atsaka Orio. Si Tyco naman ay humikab lang at si Void ay nag aayos ng mga gamit niya.

"Sige sige, hihingi muna ako permission para dun sa cctv footage kasi mukhang matatagalan pa tayo kasi kailangan na ng mga adviser ng valid reason para tingnan yung footage" ani ni Void kaya tumango nalang ako at humikab rin. Nadamay ako ni Tyco inaantok rin tuloy ako

"Strict naman masyado?" sabi ni Stacy kaya napabuntong hininga nalang si Void

"Mhm ganon talaga. May mga estudyante na kasing maalam mag delete ng cctv footage" napa- 'oh' nalang si Stacy dahil sa narinig niya. It's true. Kaso mabubura mo lang yung cctv footage sa camera settings atsaka mabubuksan lang sa tulong ng may ari ng cctv kasi kailangan ng admin password. Kaso ang problema Xeilton High is known because this school is filled with genius students despite the dark secrets and issues this school is hiding.

Proud tuloy ako na dito ako nag aral. Genius daw hehe

"Yeah yeah take your time kesa naman mabura ng kung sinong estudyante yung cctv footage pero at the same time mabilis rin dapat tayo kasi kailangan natin agad malaman" paliwanag ni Cassidy kaya tumango nalang si Void at ngumiti.

"Sige tara na kanina pa nag iintay jowa ni Neon dun. Nakakahiya naman" tumayo si Harmonia sabay pinagpagan ang palda. Tsaka nito tinuro ang babaeng nakaupo sa bench at kumaway ng mapansin na lahat kami ay nakatingin sakanya

"Kawasat di siya umuwi joke" hinampas ni Harmonia si Scarlet at tumawa lang ang dalawa

"Uwi na me. Baka wala pa akong masakyan na tricycle kayo sisihin ko" ani ni Harmonia at nagsimula ng maglakad

"Bye guys sabay na ako kay Harmonia" sabi ni Scarlet na tumakbo para makahabol kay Harmonia

"Eh? di ka sasama sa kuya mo?" tanong ko habang tinuro at inakbayan si Neon who crossed his arms

"Nah makikipagdate pa yan and besides di naman nauwi yan sa bahay. Sa condo yan natutulog takot  na umuwi kasi ayaw na maghugas ng pinggan. Bye mga guys" paliwanag ni Scarlet kaya tumingin kaming limang lalaki kay Neon na tumingin lang din sa amin

"Gago ayaw mo maghugas ng pinggan sa bahay niyo pero pag nasa condo ka mag isa maghuhugas karin naman ng pinggan?" sabi ni Tyco kaya umirap nalang si Neon na nakasimangot dahil sa sinabi ni Cal

"Sinungaling si Cal. Kukulitin lang ako niyan sa bahay tas uutusan. Kala mo walang paa" sabi nito kaya natawa nalang si Void na katabi ni Orio

Pinanuod ko ang tatlong babae na ginising yung tulog at nagsimula narin tumayo at magpagpag. Si Stacy ang raming damo sa palda kanina pa pinaglalaruan yung damo.

"Tara na lods" sabi ni Tyco kasi napansin kong kami nalang palang lima ang natira. Nagsimula nang maglakad ang dalawang lalaki na si Orio at Void habang si Neon naman ay tumakbo papunta sa jowa niya

"SANAOL!!" pang aasar ko nang makita kong inakbayan ni Neon si Syrie sa di kalayuan

"WHEN KAYA MAAKBAYAN" sigaw ni Tyco na pumiyok pa kaya pati si Void at Orio lumingon pa sa amin tinawanan pa kami. Kita namin ang pag irap ni Neon tsaka lumabas ng school ang dalawa

LULLABY Where stories live. Discover now