Chapter 39 : Interactions

93 7 13
                                    

- ICU Aespa
now playing...

─────
••••'s POV
─────

"Didn't I told you to stop ruining the plans?" he grabbed her face, pinching her cheeks with one hand.
Tears streaming down her face dahil sa sakit.

Tinadyakan niya ito at ngumiti lang ako habang pinanuod sila

"One more time and I'll kill all of you pag hindi ka sumunod sa utos ko. Don't test my patience" ani niya sabay tinawanan ang babaeng puro pasa

─────
Elixir's POV
─────

Another day. Sana magweekend na pagod na ako eh. Kelan ba talaga graduation?! Tiningnan ko ang wrist watch ko. Medyo maaga pa naman. Pumasok ako ng classroom at binaba ang bag ko.

Good mood ako ngayon ah. Lumabas ako ng room namin. Unti palang ang estudyante. Andun si Tyco sa classroom pero tulog kaya bahala siya

Sinilip ko ang classroom nina Stacy. Wala pa siya kaya sumimangot ako. Patuloy kong sinilip pero wala talaga siya

"Sinong hinahanap mo?"  ani ng babaeng kanina ko pa hinahanap. Nagulat ako kaya tinawanan lang ako nito.

"Ikaw" sabi ko. Bakit ba ako kinakabahan bigla dahil sa tanong niyang yun??

"Ako?" turo ni Stacy sa sarili niya kaya tumango ako

"Oo ikaw" sabi ko at nginitian siya

"Hala bakit?" tanong niya. Quick think of an excuse!

"...wala lang. Samahan moko sa library may ibabalik akong libro" ani ko. Hihiramin ko muna yung libro ni Tyco

"Nagbabasa ka??" tanong niya kaya umiling ako

"Hindi, libro yun ni Tyco... pero nagbabasa rin ako–" paliwanag ko pero I tried to impress her sana by trying to tell her na nagbabasa ako kahit hindi

"Eh kakasabi mo lang 'hindi' " nahuli niya ako kaya tinawanan niya ako.

Pumasok siya sa classroom niya sandale dahil nilapag niya ang gamit niya. Lumabas kami para bumalik sa classroom ko. Nakita ko si Tyco na tulog parin kaya pumasok kami sa loob ng room at lumapit kay Tyco.

"Lods gising" sabi ko kaya iminulat ni Tyco ang mata niya and streched. Tiningnan niya ako na parang nagtataka

"D-diba may ibabalik kang libro sa library?" nautal ako bigla dahil tumingin ako kay Stacy at pabalik kay Tyco as a signal na andito si Stacy

"Libro?" tanong niya

"Oo" sabi ko sabay turo sa bag niya kaya kumunot ang noo nito

I mouthed 'Kailangan ko ng excuse eh' sinamaan ako ng tingin ni Tyco and mouthed 'Binabasa ko pa kaya' sumimangot ako at nagdabog buti hindi napansin ni Stacy. I mouthed 'Kunin mo nalang ulit pagkatapos ko ibalik sa library'. Sinamaan niya ulit ako ng tingin na parang makakapatay siya ng tao... and that tao is me. He mouthed 'Parang gago naman, hindi ko pa nga nababasa tapos ibabalik mo na agad para lang excuse tapos kukunin ko nanaman'
Sumimangot ako kaya napilitan siyang kunin yung libro

LULLABY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon