OO4 : She's There

119 15 18
                                    

- CradlesSub Urban
now playing...

─────
Tyco's POV
─────

3:45am

Pinatulog ko na muna si Elixir dito samin. Nakatulog siya sa kama ko kaya sa sofa nalang ako natulog. Hindi ko parin makalimutan ang kwinento sakin ni Elixir. Sinabi ko sakanya na huwag na muna siya mag-isip at bukas hahanapin nalang namin sa yearbook ng Xeilton yung babaeng nakita niya. Sabi niya kapareho namin itong babaeng multo ng uniform kaya possibleng taga Xeilton ito.

Matutulog na sana ako ng bigla akong makarinig rin ng Lullaby song na 'Hush little darling'. Kaso parang naka music box or kalimba version. Medyo mabagal rin ang pagkakatugtog dito, slowed.

Naalala ko ang mga sinabi sakin ni Elixir kaya tumayo ako pero natumba rin kasi biglang na-out balance.

At habang nakaupo ako sa sahig dahil sa pagkakatumba. May nakita akong anino sa ilalim ng kama na tinutulugan ni Elixir. At nang makita ito ng malinaw. Humarap ito sakin. Yung babaeng sinabi sakin ni Elixir, yung duguan na babae. Pareho nga kami ng uniform.

Bigla akong natigilan at natakot ng naglabas ito ng patalim at tinutok pataas. Pagtinusok niya ang kutsilyo, tatagos ito sa kama at tutusok sa likod ni Elixir. Nginitian ako nito.

Nataranta ako. Hindi rin ako makasigaw. I can't believe I'm doing this.

"Elixir gising!" sabi ko sabay hinatak ito patayo

"Tyco bakit nanaman ba?" tanong nito at medyo di pa maimulat ang mata.

"Tara bili tayong pizza sa labas. Nagugutom ako eh" sabi ko kahit hindi naman talaga

"Tyco pwede naman sigurong bukas nalang diba?" aniya at nagbalak na bumalik ulit sa kama at humiga kaso hinila ko ulet toh. Tumingin ako sa ilalim ng kama at andun parin.. kaso nagbabalak itong lumabas ng kama

"Di pwede kaya tara na" Hinila ko si Elixir palabas ng kwarto at nilock ang pintuan. Nasa salas kami ngayon. Nakahinga na ako ng maayos

"Gago Tyco pwede naman kasing bukas na- sandale bat parang takot na takot ka?" Tanong nito kaya tumingin ako sakanya

"Hindi talaga ako nagugutom. Nakita ko lang siya sa ilalim ng kama at balak ka pa atang patayin" Sabi ko at nagtaka ito bigla

"Sinong siya?" Tanong nito at natigilan. Mukhang nahimasmasan ata at namutla

"Fck"

TO BE CONTINUED...
─𔘓⁩────

A/N: short continuation of what happened

🖋: [08. 20. 21]

LULLABY Where stories live. Discover now