O18 : Looking After Him

128 14 44
                                    

- Run ● Lee Jin Ah ft. Gray
now playing...

─────
Elixir's POV
─────

Its already evening. Umalis na sila at natira kami ni Cassidy at Kisha dito sa pagbabantay kay Neon.

"Aalis narin kami maya maya dahil hindi naman tayo kasya dito" sabi ko kaya biglang tumingin sakin si Kisha na kanina pa tulala kay Neon na natutulog sa hospital bed

"Magdamag nga pala natin babantayan si Neon noh?" tanong ni Kisha

"Oo" simpleng sabi ko

"Sige bato bato pick nalang tayo tapos ang matalo magbabantay kay Neon" sabi ko at tiningnan si Kisha na tumango nalang.

"Sige sige game" sabi ni Kisha. Naghahanda na kami pero napatingin kami pareho kay Cassidy na kanina pa hindi nagsasalita.

Napansin rin namin na kanina pa ito nakatingin sa phone, nakangiti at parang kinikilig-kilig pa.

"Cassidy.. CASS!" natauhan bigla si Cassidy at tumingin samin dahil sa pagsigaw ko sa pangalan niya.

"Ano?" I facepalmed habang napailing nalang si Kisha

"Magbabato-bato pick tapos ang matalo, magbabantay kay Neon" ani ni Kisha na tumingin sa kaibigan na kanina pa nakikipagchat.

"Atsaka bakit parang kinikilig ka?" tanong ko kaya ngumiti ito sa amin.

"Ahh may kausap akong pogi hehe" sabi ni Cassidy at patuloy na nakipagchat

"Sino?" tanong ko at inaasahang ang sagot ay si Orio.

"Basta Pierce ang pangalan" Pierce who?

"Pinsan ko?!" gulat na tanong ni Kisha kaya pareho kaming napatingin sakanya

"Pinsan mo si Pierce Xeravio?"  tanong ni Cassidy kay Kisha habang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa gulat. Napailing nalang ako. Bebetime pa more.

"Kapatid ni Papa ang nanay niya kaya pinsan ko siya" paliwanag ni Kisha kaya napatango nalang si Cassidy

"Ahh.. pero sige laro tayo at ang matalo magbabantay kay Neon magdamag" sabi ni Cassidy

"Okay" Sabi ko at nagsimula na kaming maglaro. Wow. Nagkatinginan kami. Tiningnan namin ni Cassidy si Kisha at tumingin pabalik sa akin ang dalawang babae.

"Talo ka ikaw magbabantay"  sabi ni Cassidy na nakatingin sakin.

"Well shit" napamura nalang ako habang ang dalawa ay nag-apir pa

"Goodluck HAHA" sabi ni Cassidy kaya napangiwi nalang ako

"Sayang dapat si Kisha yung natalo eh" sabi ko at tumingin kay Kisha na gulat at tinuturo ang sarili

"I won fair and square. Ikaw rin nagpauna nito kaya tanggapin mo" ani ni Kisha kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango. Kailangan nga pala ng dalawang to umuwi dahil babae sila atsaka baka si Cassidy ay hinahanap na ni Stacy.

LULLABY Where stories live. Discover now