O21 : They Can Kill?

93 9 2
                                    

- Same Old LoveSelena Gomez
now playing

─────
Third Person POV
─────

Naglalakad na palabas ng bahay ang magkakaibigan matapos magtanong ng impormasyon tungkol kay Gwen.

"Sa tingin niyo may balak talaga si Gwen na patayin tayo?" tanong ni Scarlet na narinig naman ng matanda

"Ang kaluluwa, hindi nila kayang pumatay ng tao pwera nalang kung may matinding galit sila. Kaya kung matindi ang galit na dinaramdam ni Gwen ngayon, possible ngang... patayin niya kayo" ani ng matanda kaya napatingin ang magkakaibigan sakanya. Nagkibit balikat ang matanda at sinira na ang pintuan ng lumang bahay na tinitirhan nito.

"What the fuck?" sabi ni Scarlet at tumingin sa mga kaibigan niya na bakas rin ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"What are we going to do now? Di pa ako pwedeng mamatay" ani ni Orio kaya napailing nalang sila

"I guess we need to stop everything before it gets worse. Hanapin ang pumatay kay Gwen at bigyan siya ng hustisya kung yun ang kailangan niya para manahimik na ang kaluluwa niya-" paliwanag ni Cassidy ng biglang may tumawag sa pangalan nito. Kaya lahat sila ay tumingin sa lugar kung saan nila narinig ang boses ng isang lalaki na pamilyar kay Cassidy

"Cass?" pagtawag ng isang binata kaya nanlaki ang mata ni Cassidy at akmang tatakbo na ito para yakapin ang lalaki ng biglang harangin ito ni Orio ay Tyco

"Ops.. at sino ka?" tanong ni Tyco sa lalaking nagulat at ngumiti na parang nahihiya dahil sa sitwasyon

"Let Cass go. Hayaan niyo siya" simpleng sabi ni Elixir na katabi ni Stacy

"Wait what do you mean? Alam mo rin kung sino siya?" tanong ni Stacy sa katabi niyang binata na nagkibit balikat

"Yeah.." simpleng sagot ni Elixir

"Kilala nga ni Cass, hindi naman namin kilala kaya unfair naman yun" sabi ni Orio kaya napairap si Cassidy

"Oo nga atsaka malay niyo baka siya yung.." napatigil si Tyco at naisip na agad ni Cassidy ang kasunod na sasabihin ng matangkad na lalaking nakaharang sa harap niya ngayon

"OA mo naman, tumabi nga kayo" sabi ni Cassidy at pilit tinabi ang dalawa para makadaan siya kaso malakas ang dalawang lalaking nakaharang

"Hindi nga pwede, hanggat di namin alam kung sino siya" sabi ni Tyco na natigilan ng marinig ulit itong magsalita. Nag-away sila at nawala sa isip nilang andito pa pala ang binata at pinanunuod lang sila.

"I'm.. Pierce Xeravio. Nice to meet you all" pagpapakilala nito. Tumingin si Tyco sa ibang lugar habang si Orio naman ay tumabi at binigyan si Cassidy ng daan kaya naman tumakbo ito at niyakap si Pierce.

"Guys, this is my friend Pierce Xeravio" sabi ni Cassidy at tinuro ang lalaking katabi niya na kumaway

"Guys calm down, he isn't my boyfriend.. yet" pagpapakalma ni Cassidy kaso lalong nag ingay ang mga kaibigan niya

"YET pala. Ayan na" sabi ni Harmonia kaya tumango nalang si Scarlet

"I feel betrayed beh. Friend moko pero hindi mo sakin first na sinabi na may jowa ka" ani ni Stacy sa tabi at sumimangot

LULLABY Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα