Chapter 45 : Last Picture

63 4 16
                                    

- Hurt New Jeans
now playing...

─────
Stacy's POV
─────

Sure ka bang friendly date lang namin ito ni Elixir? Tumingin ako sa likod ko at nakita si Orio at Cassidy na umupo sa di kalayuan na bench malapit sa bench kung saan kami ni Elixir nakaupo. Binigyan pa ako ng thumbs up ni Cassidy at signalled me na icontinue ang pakikipag usap kay Elixir

"Is something bothering you?" tanong ni Elixir sakin kaya binalik ko ang atensyon sakanya

"No no nothing's bothering me" sabi ko kaya nginitian lang ako nito. Kaya nginitian ko pabalik

"Umalis rin kasi si Tyco kanina. Wala akong kasama sa bahay nila kundi ate niya" paliwanag niya kaya tumango ako. May ate pala si Tyco

"Ate niya? may ate pala siya?" tanong ko kaya tumango siya habang nagbrebread smile

"Yeah, ate Aeri. Ngl naging crush ko yun pero ewan ko kung bakit biglang nawala yung feelings. Parang siya lang ata yung taong gusto kong seryosohin nung una kaso nawala yung feelings kong yun" paliwanag ni Elixir. Bakit parang may isang part sakin na medyo sumakit

"Wow she must be really pretty" sabi ko kaya tumango siya habang tinitingnan ang paligid

"Yeah siya yung pangalwang babae na gustong seryosohin– sht"  napamura si Elixir. Sa tingin ko mukhang nadulas siya dahil sa expression niya ngayon. Pero bakit kailangan itago?

"So may first love ka na pala? Sino yan?"  tanong ko pero napatigil nalang ako

"I rather not talk about her" simpleng sabi niya kaya ngumiti nalang ako at triny na ibahin ang topic

"Btw kala ko nga magi-imbestiga tayo tungkol kay Gwen ngayon" sabi ko pero nanlaki ang mata ko sa susunod niyang sinabi

"I said I don't want to talk about her" sabi niya ulit. Hindi mapakali ang curiosity ko para magtanong kasi meron talaga akong nararamdamang kakaiba kay Elixir. Not Love or anything.. he's really mysterious

"Wait ano?!" tanong ko pero nagulat rin siya

"Wala... tara ice cream my treat" sabi niya na iniba lang ang topic kaya sumunod nalang ako sakanya nung tumayo siya at naglakad kami palayo malapit sa bilihan ng ice cream

"Hi pabili nga po. Stacy anong gusto mong flavor?" tanong niya sakin pero nagkibit balikat nalang ako

"Kahit ano" simpleng sabi ko kaya ngumiti ito at muling nakipag usap sa tindero ng ice cream

Hindi parin matanggal sa isip ko kung ano ba kasing sekreto ang tinatago ni Elixir. Kaso pilit ko munang kakalimutan ngayon lalo na't wala akong makukuhang sagot sakanya

Nagbukas si Elixir ng wallet at may nahulog na parang papel. Hindi naman niya napansin kaya ako nalang pumulot. Baka naman basura itatapon ko nalang. Pero nang mapulot ko hindi pala simpleng papel ito. Polaroid picture pala

Nanlaki ang mata ko at feeling ko talaga may tutulong luha. Si Elixir at Gwen sa polaroid.. Elixir's kissing Gwen's forehead at nakapeace sign lang si Gwen..

LULLABY Where stories live. Discover now