O17 : 2nd Wrong Piece

96 13 5
                                    

- Killing Me ● iKON
now playing...

「🧩 🚫 OOPS! NOT A PUZZLE:( 」
wrong piece - open flashback

─────
Neon's POV
─────

"Don't say I didn't warn you" sabi nito sakin kaya inirapan ko nalang siya at umalis sa lugar na yun.

Kilala ko si Kisha... pag nagpipilit siya, alam kong seryoso siya sa mga sinasabi niya pero baka naman nagbago na siya. Dapat parin ba akong maniwala sa mga sinasabi niya?

Nagdrive ako palayo habang tiningnan si Kisha sa rear view mirror at nakitang padabog na bumalik sa loob ng school dahil sa inis.

She used to do that whenever she's mad, mahilig magdabog. Sabay pagkatapos magalit, hindi yan namanmansin tapos pagtinanong mo kung galit siya. Malamig na sasabihin niyang hindi siya galit kahit halata naman.. Hays...

Maybe I should stop missing the past. Hindi narin naman maibabalik.

I kept driving. Medyo malayo narin ako sa Xeilton High. Parang may nakatingin sakin habang nagdradrive ako. Its creeping me out wth.

I'm not really sure about this. Para talagang may mali eh, parang may mangyayari na kung ano. Narinig ko bigla ang ringtone ng phone ko. I saw an unknown number... but something's telling me to answer the phone call immidiately..

[📞]

"Hello?"

"Neon where the hell are you?"

"Cassidy?"

"Yeah its me, bumalik ka nga dito

"And bakit ako babalik dyan?"

Napansin kong medyo nakatagilid yung rear view mirror kaya inayos ko. Hindi ko inaasahang may makikita akong babae na maikli ang buhok, duguan at nakasuot ng Xeilton Uniform.

I blinked multiple times and saw nothing. I guess I'm hallucinating?

I tried to forget the girl's face. Nakakakilabot.

"Neon? NEON?!"

"Ha?"

"I said, may kailangan tayong pag usapan kasama sina Tyco, Harmonia and the others kaya karin pinuntahan ni Kisha kanina and you didn't listened to her"

"Bakit pa ako maniniwala sakanya?
Give me a valid reason"

"Neon now is not the time para isipin kung anong nangyari sa past niyo at alam kong past niyo rin ang dahilan kaya hindi ka nakinig sakanya. Pinuntahan ka niya para sabihin ang tungkol kay Gwen at hindi para pag usapan ang past niyo dahil kahit mismo siya hindi matanggap na.... nevermind. Basta bumalik ka na dito"

"Sorry...
but I don't believe in ghosts"

"Neon-"

I ended the call. Tch, ghosts, di naman nila ako masasaktan ng ganon ganon lang. Kaluluwa lang sila and besides part rin sila ng mga hallucinations kaya baka guni-guni lang nila yun.

"Neon forget it wtf, you aren't afraid of ghosts remember? Di ka naniniwala sa mult-" natigilan ako ng biglang may magcontrol ng manibela at ramdam kong may nakahawak sa kamay ko. Someone is forcing me steer the steering wheel in a wrong direction. I looked at my side and I wasn't expecting another encounter with the girl I saw earlier sitting inside my car.

Nakita ko siya upclose at halos hindi ako makahinga dahil sa takot. I closed my eyes at dahil hindi ko na macontrol yung manibela hindi ko na alam kung anong nangyari...

Nawalan nalang ako ng malay..

done - close flashback

"I regret my decisions, siguro nga dapat naniwala ako sakanya"

TO BE CONTINUED
─𔘓⁩────

💌 ○●○

A/N: short update!

🖋 : [09. 16. 21]

LULLABY Where stories live. Discover now