OO3 : Encounter

138 14 49
                                    

- Wannabe ● Golden Child
now playing...

─────
Elixir's POV
─────

"Oh, no, there you go, making me a liar~"

Naglalakad na ako pauwi habang nakaheadset dahil sa takot na marinig ko ulet yung boses na nakanta. Sinabi ko ito kay Kisha pero tumigil ako kasi mukhang di siya maniniwala sakin at baka sabihin lang na wala ako sa katinuan pero totoo ang sinabi ko na may boses akong naririnig na kumakanta. Isa pang dahilan kung bat di ko tinuloy sabihin sakanya ay baka mapahamak kaming dalawa lalo na at wala masyadong tao sa lugar kung san kami nag usap at medj madilim na sa lugar na yon.

Malapit na ako sa apartment ko ng biglang tumigil yung kanta sa aking headset. Ang tunog ay parang nagliglitch na gadget o parang tv na walang signal. Triny ko ayusin hangang sa makapasok na ako sa building. Nakita ko na ang elevator ay bawal gamitin kaya nagsimula na akong maglakad pa-akyat sa hagdan.

Nakaabot ako sa aking floor at bungad sakin ang apartment hallway na medj dim yung ilaw. Weird... walang katao-tao pero nagulat ng may babaeng nakatalikod malapit sa pinto ng aking apartment room at nagtaka ako kasi magkatulad yung uniform namin. May maikli itong buhok, nakasuot ng kulay red na palda at puting blouse. At dahil magkapareho kami ng uniform, sigurado akong nakasuot rin ito ng necktie na red.

Habang lumalapit ako ay nawawala yung tunog glitch ng headset ko at may nararamdaman akong kakaiba. Parang may mali.

Hanggang sa nawala yung glitch pero nagulat ako sa kanta na tinutugtog ng headset ko. 'Hush Little Darling' na lullaby song yung kanta pero nakamusic box version at ang creepy.

Ito rin yung kantang naririnig ko kanina. Kinanta ito ng babae kanina. Kala ko nga si Kisha ang nakanta at nagulat ng hindi pala siya ang kumakanta.

Kahit creepy yung kanta, binalewala ko ito at tinuloy ang paglakad papunta sa babae na ngayon ay nakaharang sa pintuan ng apartment room ko pero nakatalikod parin.

"Ms., May hinahanap po ba kayo?" tanong ko pero hindi ito lumingon. Baka naman di niya narinig?

Nang makalapit ako nakita kong may tumulong dugo. Hanggang sa rumami ito kaya nagulat ako kaya nilapitan ko ito ng hindi manpang tiningnan yung mukha nito pero nakita kong duguan ang uniform nito.

"Ms., tara na po sa ospital! Ano po bang nangyari sainyo at bakit ganyan po itsura niyo-" natigilan ako ng marinig ko ulet yung kumakantang babae kaya napatingin na ako sa babaeng kaharap ko ngayon at nagulat ng makita ko ito. Bigla akong nataranta at kinilabutan

Nakasuot ito ng uniform katulad ng akin ngunit siya ay duguan. May mga sugat at mukhang saksak ito ng kutsilyo. Ang mukha niya ay duguan rin dahil sa pagluluha nito ng dugo. Lalo akong nataranta ng makita ko ang mata nito na nakalubog. Kita mo ang unting laman loob ng eyesockets at makikita mo ang eyeballs nito na nakalubog sa loob. Nakangiti pa ito ng pagkalaki.

Dahil sa gulat ay binitawan ko siya at lumayo. Naglabas ito ng kutsilyo at ngumiti sakin.

"Tulungan moko... Elixir" sabi nito sabay humalakhak bigla

Lumapit ito sakin pero dali-dali akong tumakas at tumakbo palabas ng apartment building dahil sa kaba at takot.

Tumalikod ako para tingnan kung sumunod ba ito sakin at nakahinga ako ng maayos pagkatapos makitang di siya sumunod sakin

LULLABY Where stories live. Discover now