Chapter 47 : Meet Again

73 6 110
                                    

Legends Are Made Sam Tinnesz
now playing...

─────
Scarlet's POV
─────

"Bakit ang tagal niyo kanina?!" pagsermon ko kay Kisha at Kuya Neon

"Tangina nakabasag yang kapatid mo kaya nagwalis pa ako" sabi niya na sinamaan si Neon ng tingin

"Hehe sorry. Kasalanan ko bang madulas pala kamay ko?" sabi ni Kuya na nakikipag away pa kay Kisha. Ikaw na nga nakabasag eh.

"Kabadong-kabado ka kasi. May nangyari ba sayo? or nararamdaman?" ani ni Kisha na tumayo at kumuha ng ballpen sa drawer bago nagsulat ulit sa ginagawa niya. Nakakapagtaka nga na puro tungkol sa SSG Vice President ginagawa niya eh.. oh yeah nakalimutan ko si Void nga pala SSG Vice President. Hindi halata, joke.

"Wala.." simpleng sabi ni Neon na napangiwi lang

"Diba?" sabi ni Kisha na inaayos na ang mga papel pero hinati-hati muna niya ito

"Ay pasaway" sabi ko kaya napatingin sakin si Kuya na sinamaan lang ako ng tingin

Wala kaming ginagawa dito halos sa bahay ni Kisha. Gumagawa lang ako ng school works habang si Void at Kisha ay nag aayos ng papers tungkol sa SSG. Si Neon naman ayun katabi ni Kisha tulala dun sa mga pinag gagawa ni Kisha na mga papers. Baka gusto rin mag SSG vice president. Pipigilan ko yan baka gumulo ang mundo pag nag SSG vice president yan. Joke ulit.

Pare-pareho kaming tatlo na nasa sahig haban si Void ayun. Andun sa study table ni Kisha nag gagawa ng papers niyo. Grabe... arte.. ayaw sa sahig.. ako rin naman.

"Ingay niyo mga dre" pagsaway sa amin ni Void kaya umirap lang si Kuya maya-maya ay nagulat sa katabi niya na si Kisha na biglang tumayo lang hawak na ang mga papers na nilagyan niya ng paper clip

"Void, tapos na ako"  sabi ni Kisha na nilapag ang mga papel sa tabi ni Void

"Ay oo nga pala. Can y'all solve this for me. Alam kong kayong magkapatid lang maalam ng ganto eh" ani ni Void na lumapit sa amin at binigyan kami ng...  blankong papel? Anong is-solve namin dito?

"Solve what?" tanong ko sakanya. Tiningnan niya ako with a confused expression. Huwag mokong tingnan ng ganyan lods, ako dapat ang magtaka hindi ikaw

"Sandale nakalimutan ko" sabi ni Void na biglang nanlaki ang mata ng maalala kung anong naaalala niya. Kumuha siya ng ballpen ba mukhang may ilaw sa taas at binigay sa akin. Binuksan ko ang ilaw ng ballpen at nakita na UV light pala ito

Tinutok ko ang ilaw sa papel at naglabas ito ng hypen at dots

"Morse code?" tanong ko kaya bigla namang sumingit si Neon at tiningnan rin ang papel

"Uy ano yan?" sabi niya kaya napailing nalang ako dahil tsimoso talaga Kuya ko

"Marites pero boy version" pang aasar ni Kisha

"Shut up" pikon na sabi ni Kuya na ibinalik ang atensyon sa papel

"Bakit andito pa kayo pumunta pag nagkita si.. nevermind" sabi ni Kisha na hindi na tinuloy ang sasabihin niya and I think kilala ko kung sinong tinutukoy niya

LULLABY Where stories live. Discover now