Chapter 28 : Stay Away

88 9 10
                                    

- Unstoppable ● Sia
now playing...

─────
3rd Person POV
─────

Kisha felt a slight sting on her face. Hinawakan niya ang pisngi niya dahil sa sakit. Hindi ganon kasakit ang naramdaman niya dahil namamanhid parin ang katawan niya because of the amount of alcohol she consumed. Hindi niya inexpect na nasa bahay pala ang tatay niya... most of the time kasi wala ang tatay niya..

"Anong oras ka na umuwi? And the audacity to come back home drunk. Unbelievable"

Tiningnan niya sa mata ang tatay niyang sinampal siya habang hawak ang pisngi. Tiningnan niya muli ang suot ng tatay niya, nakasuot ito ng suit and tie, mukhang kakagaling lang sa meeting? or kaya naman celebrate with co-workers... or maybe even worse. Kasama niya ang pamilya niyang bago.

Kisha's parents we're divorced and she hated her dad for everything. After all di naman talaga siya minahal ng kanyang sariling ama.

"I also told you to already stay away from Neon. Wala siyang naitulong na maganda sayo. Hindi katulad ni Zayn na mayaman ang pamilya. We already had the chance na lumaki ang business natin sa tulong ng magulang ni Zayn but you ruined it by killing Zayn.. and for what?"

"You're a disappointment"

Tumulo ang luha na pinigilan ni Kisha. Lalong nag echo sa utak niya ang sinabi ni Neon

"You never loved me... you know what? I also don't care if you disown me" sabi nito kaya lalo lang siyang sinamaan ng tingin ng tatay niya pero wala na siyang pakialam ngayon. There's no turning back. She was just used para sa pera. Para pag naging successful si Kisha, mapapaunta sakanya ang pera at mapapakinabangan ng bago niyang pamilya. Hindi rin siya pinakilala ng tatay niya sa bago nitong pamilya, sa tuwing makikita si Kisha ng bago niyang pamilya at nalaman na parehas sila ng apelyido, sasabihin lang ng tatay na hindi sila magkaano-ano o kaya naman nakikitira lang/katulong sa bahay.

"The way na sinabi mong walang ginawa si Neon na maganda just shows how much you don't care about my happiness. Neon gave me everything, Neon is my happiness, was my happiness" she bursted into tears after maalala lahat ng ginawa ni Neon. Neon was her only escape from everything.

"I told you to stay away at hiwalayan siya-"

"Yes, yes you did and fyi matagal na kaming wala. Ayan ang napapala mo matapos kang sumama sa bago mong pamilya instead malaman kung anong nangyayari sa pinakauna mong anak"

"Hiwalay na kami matagal na, masaya ka na? Yes I'm drunk, I'm numb pero ramdam ko parin yung sakit ng mga pinagsasabi ko sakin."

"I sometimes wished you would disappear completely. Sumama ka na sa bago mong pamilya. Magpakasaya ka, i don't care.." sabi ni Kisha sa kanyang ama pero kahit ganon iniisip parin ng tatay niya na puro nonsense lang ang sinasabi ng kanyang anak. Naisip ni Kisha na magkulong nalang sa loob ng kwarto niya kaya nagsimula na siyang magdabog

"... oh and almost forgot, what if I really killed Zayn, may magbabago ba? Di mo ko mahal, kahit naman pinatay ko si Zayn, may pakialam ka na ba sakin? Tch, sakin wala... sa kayamanan siguro ng iba... meron. Also bakit hindi mo gamitin yung ibang anak mo sa bago mong asawa, hindi yung ako yung pinipilit mo gawin ang mga bagay na ayaw ko" Nagulat ang tatay sa sinabi ng kanyang anak. Hindi natauhan ang kanyang tatay kundi natamaan sa sinabi ng sarili niyang anak.

LULLABY Where stories live. Discover now