O1O : Who's the Killer?

105 11 10
                                    

- Monster ● Red Velvet Irene and Seulgi now playing...

─────
Harmonia's POV
─────

Andito kami ngayon sa loob ng library. Pinag uusapan ang nag iisang babae na kami lang mismo ang nakakakita at hindi nakikita ng iba

"Tama si Kisha... nakita narin namin siya" aniya ni Void at tumingin kay Kisha na umupo sa isang upuan malapit sakin

"Minumulto rin niya kami. Kaya nagulat rin kami at hindi mapakali ng biglang makita ni Harmonia si Gwen" sabi ni Kisha na pinaglaruan ang librong dala

"Hindi rin nga namin alam kung anong gusto niya eh" sabi ni Elixir

"Baka naman talagang kailangan niya ng tulong?" sabi ko pero medyo hindi ako sigurado sa sagot ko

Nakatingin silang lahat sakin. Aluh..

"B-bakit? May nasabi ba akong mali?" tanong ko at biglang nginitian ako ni Tyco

"Nope, wala ka namang nasabing mali.." aniya ni Tyco habang hiningi ang librong hawak ni Kisha at binigay naman ni Kisha ang libro

"Kaso mukhang imposible naman yan Harmonia.." pagtuloy ni Tyco sa sinasabi niya at binuksan ang libro. Wait.. a yearbook?

"What do you mean?" Tanong ni Void kay Tyco kaya bigla itong tumingin kay Void

"Posible ngang tulong ang kailangan niya... o baka naman hindi lang tulong. May mga multong gustong gumanti sa tao at merong wala" paliwanag ni Tyco at tinuloy ang paghahanap sa mga pages

"Eh kung gusto niya gumanti. Bakit sa atin pa? Eh di naman tayo yung pumatay... unless..." sabi ko at bigla silang nagtaka

"Unless what?" tanong ni Elixir

"Unless isa sa atin ngayon ang pumatay sakanya dati" sabi ko kaya parang nagulat sila

"Baka nga" Pagsang-ayon ni Elixir

"Aamin na ako.." pagtaas ni Elixir ng kamay kaya bigla kaming kinabahan at tumingin sakanya

"Wala pa akong pinatay na tao" pagpapatuloy nito at ngumiti. Taena neto

"you're really an asshole aren't ya?" sabi ni Tyco at umirap

"Isa pang time na tawagin mokong asshole hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka" pananakot ni Elixir

"Sige sapakin moko, tingnan ko lang kung saan ka makikitira pag pinalayas kita sa bahay namin" pananakot pabalik ni Tyco kaya napangiwi nalang si Elixir at tumahimik

"Pero baka naman wala sa atin yung killer at baka naman kakilala lang natin or.." sabi ni Elixir

"isa naman sating mga Xeilten ang pumatay??" aniya ni Elixir kaya bigla kaming nagtaka

"Baka naman Xeilton ang ibig mong sabihin" tanong ko kaya napatingin si Elixir sakin at ngumiti

"No no, its Xeilten" Ha? ano daw?

"Why is it Xeilten? and who tf is Xeilten?!" Tanong ni Void

"Xeilten isn't a person.. its our group name hehe" aniya ni Elixir

"Bakit nga naging Xeilten? at bakit group name eh lima lang tayo? sino-sino pa nasa group? kelangan pa ba nun?" Tinadtad ni Tyco ng tanong si Elixir at mukhang wala namang problema kay Elixir na magpaliwanag kung anong ibigsabihin ng 'XEILTEN'

"Sa Xeilton tayo nag aaral at dahil sampu tayo edi XeilTEN. Well ako, ikaw Tyco, Harmonia, Kisha, Void, Neon, Scarlet, Stacy, Cassidy and Orio! and yes, yes its needed" pagsagot ni Elixir at ngumiti ng pagkalaki, kaya napatango nalang sila Void

"Kung dyan ka masaya edi sige. Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Void

"As I have said, baka isang Xeilten member ang pumatay kaya lahat tayo minumulto" sabi ni Elixir at napatingin ulet kay Void

"Lemme clear that, hindi pa tayong LAHAT minumulto. So siguro kung balak talaga nung babaeng yun multuhin yung iba I think we should tell them immediately" paliwanag ni Void

"Well mukhang may hindi maniniwala" sabi ko, imposibleng maniwala sila Neon. Sila Stacy, Scarlet, Cassidy at Orio may posibilidad na maniwala sa amin.

"Yeah tama si Harmonia, eh sigurado akong si Neon nga hindi maniniwala sa mga ganyan eh. Paano pa kaya pag inexplain natin sakanya na nakakita tayo ng multo na pagala-gala lang dito sa loob at labas ng school, sumusunod sa atin?" tanong ni Tyco kaya tumingin si Void ng seryoso at tumawa na parang naasar siya

"Edi bahala siya. Do we even need proof para lang maniwala siya? Ano siya gold? Anong gusto niya? Lapitan natin yung multo tas ipakilala sakanya 'Hi Neon ito nga pala si Gwen, isa siyang multo. Mag ingat ka sakanya baka saksakin niya yang mukha mo gamit ang kutsilyong hawak niya-" natigilan si Void bigla dahil kay Kisha na tinawag ang pangalan niya ng seryoso

"Void"

"What? Mali ba sinabi ko Kisha? Alangan naman ganon gawin natin edi nagkaleche leche lalo-"

"VOID" nilaksan ni Kisha ng unti ang boses niya. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso at may pagtaasan ng boses.

"Okay fine I'll stop" aniya ni Void at tinaas ang dalawang kamay na parang nasuko na siya

"Pero anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Tyco

"I guess sasabihin natin sakanila pero kung hindi sila maniniwala then we'll investigate this ourselves" sabi ni Void at napabuga nalang si Tyco ng hangin

"Hindi ba pwedeng tumawag ng pulis or detective para sila na mag-imbestiga nito?" pagtatakang tanong ni Elixir kaya tiningnan ito ni Tyco at ngumiti

"Elixir, hindi mo pwedeng ikulong ang multo. Hindi rin maniniwala ang detective at pulis sayo pag sinabi mong nakakakita ka ng multo. Sa atin lang siya nagpaparamdama kaya siguro tayo talaga ang kailangan magimbestiga nito" paliwanag ni Tyco

"And besides, I think they also closed Gwen's case. They tried searching for the killer pero wala silang nahanap na clue kahit isa" sabi ni Void na umiling lang

"oh... pero kung talagang isa sa atin ang killer.. sino kaya?" tanong ni Elixir kaya lahat ay tumahimik

TO BE CONTINUED
─𔘓⁩────

A/N: sino sa tingin niyo yung killer?
Gusto ko malaman kung sino sa tingin niyo yung pumatay kay Gwen

LULLABY Where stories live. Discover now