Chapter 53 : 4th Missing Puzzle

39 4 10
                                    

「🧩 MISSING PUZZLE NO.4」
found - open flashback four

─────
Orio's POV
─────

Tumakbo ako at tumago sa isang sulok kung saan malapit ang locker ko

"Asan ka na? Kala ko nagsasaya pa tayo Orio?" ani ng mga hayop na gumawa sa akin ng kasamaan at ako pa lagi ang pinatritripan

Pero ginusto ko naman ito dahil kailangan kong ipagtanggol ang mga naaapi pero sa akin parin binabalik.

What did I do to deserve this? Minsan nakakapagod rin pala maging anghel. Ako na nga yung mabait pero para parin akong pinaparusahan ng lagay na ito.

Pinunasan ko ang aking mga luha at binuksan ang locker ko para humanap ng pampalit. Damit kong namaho dahil sa amoy ng fish sauce, mukha kong may puti puti pa dahil sa harina.

"Shit" nalang ang salitang lumabas sa bibig ko dahil alam kong wala akong pampalit, tinuturing akong anghel pero ako pa yung nagmura, pero nang maghalungkat ako sa locker ko, nakakita ako ng isang hoodie at pulbo. May papel rin na nakalagay sa taas nito

"Hello, Orio. Gift ko ito sayo, I hope you're doing well. Kinakamusta kita syempre dahil alam ko kung anong mga nangyari sayo. Ikaw mismo nagsabi na tagapag tanggol ka ng mga naaapi dito sa school pero at the same time taga salo karin. Happy Birthday, bub" from kuya Zayn. Ang tagal na pala nito dito?? Bakit hindi ko ito nahanap nun?

"Grabe naging mabuti rin siya sa akin. Nakakapanghinayang na namatay pa siya" bulong ko at nagpunta sa rest room para linisin ang sarili.

─────
Elixir's POV
─────

Papunta na sana ako sa restroom ng biglang lumabas si Orio at papunta ito sa ibang direction.

Naglakad ito habang ina-amoy amoy ang hoodie niya.

That hoodie seems familiar. No way.. Inilabas ko ang phone ko at nakita ang picture ng isang lalaking nakahoodie. Same color lang rin ito.

Hindi kaya siya ang lalaking pumatay kay Gwen? Pangalwang week lang since nung mamatay si Gwen

I tried following Orio until nahuli ako nito malapit sa room nila. Nalaman niyang sinusundan ko siya kaya wala na akong nagawa

"Where did you get that hoodie?" tanong ko sakanya and he smiled at me. Why does that smile makes me sick after kung makitang kasing pareho niya ng suot yung killer?

"Oh I got it as a gift. Anyway sorry for the smell. Late na rin ako kaya mauna na ako" pagpapaalam nito sa akin kaya hindi ko na natanong nang mga katanungan ko pero...

I can feel something about that hoodie... hindi kay Orio nang gagagaling yung bad vibes, parang dun mismo sa hoodie

done - close flashback

"Kaya mo pala ako sinamaan ng tingin nung asa bahay tayo ni Gwen para mag interview. Pero sana malaman mo na ang totoo na hindi ako ang pumatay. Kahit ako'y pagod na sa pagiging anghel ko, hindi ko magagawang pumatay.. pero alam ko rin na hindi lang ako ang nakakaranas ng pang bubully. May isa pa.."

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : Hi mga beh. Malapit na tayo sa huli hindi ko narin gaano patatagalin ito atsaka nagtatry talaga ako humanap ng time para makapag update saur yun lang. Anyway love you, Orio you deserve better and to that one na nakaranas rin ng pang bubully. Basta sa lahat ng nabubully yall deserve better :(( 🫶

🖋 : [06. 01. 23 ]

LULLABY Where stories live. Discover now