CHAPTER 2

196 70 4
                                    

Nakarating kame sa studio ng tamang oras lang din dahil di naman ganun kalayo ang Condo ko. Pinili ko talaga na sa mas malapet lang para sa trabaho ko.

"Goodmorning Darling." bati saken ni Ogie at nakipag beso sya. Binabae si Ogie pero hindi naman sya yung tipo ng nag susuot ng pambabae at isa din sya sa ginagalang dito pero ang trato nya sa lahat ay patas lang ayaw din nya ng masyado syang ginagalang lalo na kapag kausap ka nya dahil nag mumuka daw syang matanda "Kaloka ka Darling! Bawat labas mo ng kanta talaga namang patok na patok talaga agad!"

Napangiti naman ako at napailing nalang saka umupo at nag reready para sa bagong kantang irerecord ko dahil kasama ito sa album ko. Inasikaso na din ni Katy ang iba kong gamet.

"Naku yan pang alaga ko, hindi kapa ba sanay Ogie? Kapag kumanta yan matutulala ka nalang." proud na proud na sagot ni Glenda. Na kinatawa naman ng mga kasama namin dito sa loob ng studio.

"O edi ikaw na Proud na proud bruha ka! Talo mo pa nanay ah," natawa naman ako ng hampasin sya ni Glenda. "Ouch naman tong bruhang to brutal talaga."

"Baket muhka na ba akong nanay!"

"Oo te! Tanda mo na wala ka pang jowa." namula naman ang muhka ni Glenda. Ewan ko ba dyan wala daw syang time mag jowa.

"Manahimik ka! 25 palang ako,matanda ka dyan."

"Sus! kaya pala kahit isang beses wala kang naging jowa." Nag simula na silang mag asaran. Matagal na silang mag kakilala sa pag kakaalam ko based na din sa kwento nila. Halos best friend na din ang turing nila sa isat isa.

"Oh sya tama na, Phoebe darling are you ready?" Baling nya saken. Tumango naman ako at pumasok na sa Booth at sumenyas ako na ready na ko.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din naman kame dalawang kanta ang nirecord ko dahil yun ang pinaka bago kong kanta na isasama sa album.

"PERFECTO! Ang ganda talaga ng boses mo darling para akong nakikinig sa isang anghel tuwing kakatanta ka." sumang ayon naman ang mga kasama namin at napangiti naman ako.

"Salamat salamat sainyo." nakangiti kong sagot.

"Kumaen na muna tayo nag paorder ako dahil passed Lunch na din." sabe ni Glenda.

Habang kumakaen kame ay sya namang kwentuhan ni Ogie at Glenda ng kung ano ano about din sa Trabaho nakikinig ako minsan habang na i'scroll sa Fb ko. May mga Page na lumilitaw sa feed ko tulad ng "Phoebe Lovers" "ForevsPhoebe" at kung ano ano pang mga supporters ko. Syempre hindi din maiiwasan ang mga stolen pictures ko. Sanay na din naman ako sa ganito dahil sa 5 years ko dito sa mundong to laging ganito tipong bawat kilos mo kailangan maingat bawat pupuntahan mo kailangan maingat ka din dahil kung merong mga supporters meron ding bashers na nakahanda 24/7 sa pag kakalamali mo at dahil magaling mag handle si Glenda at sooobrang ingat sa image ko laking pasasalamat ko talaga.

"Eto pa te! May bagong alaga si Josie susme makalaglag panty na nga ang katawan at muhka lalo na ang boses!"

Nag i'scroll lang ako habang nasipsip sa milktea na hawak ko.

"Talaga? Di ko pa ata yan nabalitaan ah."

"Naku te, balita ko mayaman daw ang pamilya nun at taga pag mana."

"Oh baket pa sya pumasok sa insduryang to eh buhay na buhay naman na pala sya dahil sa pamilya?"

"Hindi ko din nga alam eh, isang beses ko palang naman nameet yun nung minsang dumalaw ako kay Josie nagkataon na nag rerecord sila kaya narinig ko din ang boses ka duet nga nya si Trisha."

Napalingon ako sakanila ng banggitin nya si Trisha. Si Trisha Quinto ay sikat na singer at actress at ang mga Fans ko at Fans nya ay palaging nagsasabong pero ayos naman kame ni Trisha hindi man ganun ka close pero kapag nagkakasama kame sa mga event or parties nagkakasundo naman kame. Ang mga fans lang talaga namin ang hindi namin maintindihan.

"Ay pak! Nakaduet agad si Trisha? Ibig sabihin may sinabe ang bagong alaga ni Josie."

"Oo te! Perfect na nga eh kung hindi lang suplado, masyadong seryoso ang muhka at ang lamig tumingin lalo tuloy nakakapag laway." Natawa nalang ako sa sinabe ni Ogie at napailing.

"Aabangan ko ngang lumabas yan." sabe ni Glenda.

"Alam ko sa makalawa ang debut nya at kasabay nun ay ilalabas din yung kanta nilang dalawa."

"Ano bang pangalan nyang bagong alaga ni Josie at masearch ko nga nacucurious ako eh."

"Si He--" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng studio at pumasok ang assistant ni Ogie na may dalang papers at si Katy dala dala ang cellphone at pinasa kay Glenda.

"Excuse me Sir Ogie, kailangan na daw po itong mapirmahan today at para maayos na daw po ng management lahat."

"Okay sige salamat," humarap sya samen "oh girls tutal tapos naman na tayo asikasuhin ko lang ito. Phoebe, thank you so much sa napaka ganda mong boses at walang kahirap hirap na pag rerecord." natawa naman ako. Lumapit sya saken at nakipag beso.

"Salamat din Ogie."

"Miss Glenda,tumatawag po si Boss kailangan daw po pumunta dun at may imemeeting daw po." sabe ni Katy.

"Ow .. okay sige wait lang sagutin ko lang to at mag ready na kayo pag balik ko gora na tayo." saka sya tumayo at lumabas.

Biglaan naman ata ang meeting ?
May photoshoot pa ko dapat after nito. Nagkibit balikat nalang ako dahil si Boss na ang tumatawag mas priority yun.

***

"Good afternoon maupo kayo," bumati at bumeso din kame kay Mrs Roxas ang may hawak saming lahat. "So kaya ko kayo pinatawag, gusto ko sana isingit mo sa schedule ni Phoebe ang tv guesting sa makalawa para sa dalawang bagong Hit na kanta nya at ipromote na din ang bagong album nya."

"Of course. sure, masisingit ko naman yan."

"Good." bumaling naman sya saken at ngumiti "makakasabay mo sa guesting si Trisha at ang partner nya dahil First tv appearance din nito pero mauuna ka naman so after nila magkakaron lang kayo ng maikling question and answer about sa Album mo." ngumiti naman ako at tumango.

"Sige po, thank you so much Mrs Roxas."

"Welcome and thank you din. Isa ka sa pinaka paborito ko dahil kahit minsan hindi mo pinasaket ang ulo namin hindi katulad ng iba bago o matagal na sa industry pasaway parin." natatawang sabe nito kaya natawa nalang din ako.

"Naku kaya pinag mamalake ko yang alaga kong yan Boss." proud nanamang singit ni Glenda na ikinatawa ni Mrs Roxas. Tumayo na kaming lahat at nag paalam na din sakanya dahil may mga meeting pa itong pupuntahan.

"Come on late na tayo sa Photoshoot mo." tumango ako at sabay sabay kaming bumaba sa parking lot kung saan nandun ang Van ko. Yes saken ang Van na ito at hindi sa Company na may hawak saken. Si papa ang nag pilit na ito ang gamitin ko dahil regalo nya saken to ng mag debut ako sa Music Industry Personalized ang Van na ito at halos pangalawang bahay ko na kung ituring. Naalala ko pa ng dumating ito noon saken halos lumuwa ang mata at malaglag ang panga nila Glenda at Katy ng makita ito. Nagtataka man kung saan nang galing ay hindi na sila nag tanong pa kung kanino galing.

Tulad ng sabe ko, hindi ko pinapaalam ang background ng pamilya ko dahil ayoko may masabe saken dahil lahat ng kung anong meron ako ngayon ay pinag hirapan ko. Pero nag papasalamat ako sa pamilya ko dahil sobra sobrang suporta ang binibigay nila para saken.


------
I hope you enjoyed this Chapter! Please Dont forget to Vote :)
•MGraceDM•

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now