CHAPTER 30

105 42 8
                                    

Hinatid ko si lola Almira sa guest room kung saan sya tumutuloy. Sinigurado kong mahimbing at maayos na ang lagay nya bago ako lumabas.

"Kamusta si lola?" Muntik pa kong mapasigaw dahil sa boses sa likod napahawak ako sa dibdib saka humarap sakanya "oooopps! Sorry ate hehe." Nakangiwi nyang sabe nginitian ko naman sya.

"Heather, nandyan ka pala."

"Yup! Chineck ko lang yung guestroom na tutulugan ko." tumango ako bilang sagot samantalang sumandal naman sya sa pader. "Nakita ko kayo ni Lola kanina sa pool area.. tatawagin sana kita kaso napansin kong seryoso kayong nag uusap so .. hindi na ko tumuloy." Tipid ngiting sabe nya. Huminga ako ng malalim saka tumungin sa kawalan.

"Hmm.. kinausap lang nya ko about sa past." sumulyap ako sakanya pero agad ding nag iwas seryoso kase syang nakatingin saken.

"Alam mo ate, matagal ka ng gustong makausap ni lola. Actually tatlong araw palang nung malaman nyang hiniwalayan mo si kuya halos makiusap na sya samen kung san ka makikita dahil gusto daw nyang mag sorry sayo at kausapin ka pero hindi naman nya sinabe samen ang dahilan saka..," himinto sya saka tumingin saken "kahit kame hindi namin alam kung nasan ka. Then after a year nalaman nalang namin na sikat kana bilang Singer." ngumiti sya ng tipid. Kita ko sa muhka nya ang lungkot at tampo kaya nag baba ako ng tingin bago sumagot.

"2 days after I broke up with your brother .. Pumunta ako ng Paris dahil pakiramdam ko kapag nandito ako sa pinas makikita ko nalang ang sarili kong tumatakbo pabalik sakanya. Kaya umalis ako dahil parin din sameng dalawa yun." Tahimik lang syang nakikinig saken kaya ang patuloy ako "One month na ko sa Paris ng contactkin ako ng management dahil gusto parin nilang kunin ako. Nalaman ko din na hindi pumirma ang kuya mo. Kaya pumayag akong mag sign ng contract dahil naisip kong kahit manlang sana isa samen ang tumupad ng pangarap naming dalawa.." mapait akong ngumiti habang nakayuko.

"Pero mas masaya sana kayo kung magkasama nyong nagawa yun."Kahit hindi ko sya tingnan bakas sa boses nya ang lungkot. Marahan akong tumango pero hindi nagsalita. Maya maya nag tanong ulet sya "baket after a year pa nung mabalitang nasa Music Industry kana?" Nag angat ako ng tingin sakanya.

"Bago ako mag sign ng contract nakiusap akong hayaan muna ako sa Paris kahit isang taon lang, dahil nakapag enroll na ko dun at pag balik ko nalang nila iannounce ang debut ko. Pumayag naman sila pero kailangan ko pa ding gawin ibang mga projects na nasa contract. Hindi naman ako nahirapan dahil kaibigan kona si Glenda that time, meron naman kase syang experienced sa pag hahawak ng mga tulad ko kaya inoffer kong maging manager sya." ilang minuto din ang lumipas na tahimik kame.. akala ko nga ay wala na syang sasabihin kaya mag papaalam sana akong papasok na sa kwarto ko.

"Alam mo bang ... hindi umalis si Kuya kung saan mo sya iniwan noon?" Natigilan at natulala ako sa sinabe nya hindi makapaniwalang tumingin sakanya habang salubong ang kilay. Malungkot naman syang ngumiti saken.

"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong ko. Ramdam ko ding nag iinit ang sulok ng mga mata ko habang nakatingin sakanya.

"Nag alala kame sakanya kase lumipas ang isang araw na hindi namin sya nacocontact. Ilang beses syang tinawagan nila Daddy pero walang sumasagot, irereport na sana nila sa pulis ng tumawag ang manager ng Resort nyo at sinabing nandun si Kuya at ayaw umalis." Nanghihina ang mga tuhod ko at ramdam ko din ang panginginig ng mga kamay ko kaya napahawak ako sa doorknob para kumuha ng lakas.

"N-naabutan namin sya dun sa lugar kung saan kayo madalas a-at .." huminto sandali dahil gumarabal ang boses nya "Nakita namin syang nakaupo sa gitna habang tulalang n-nakatingin sa kawalan .. hinahayaang mabasa ng malakas na u-ulan." Narinig kong ang mahinang hikbi nya. Alam kong sa mga oras na panay na din ang tulo ng luha ko pero nanatili akong tulala "Nilapitan namin sya nila Daddy at tinanong baket sya nag kakaganun.. halos humagulgol si Mommy ng tumingin samen si Kuya at makitang umiiyak sya.. kitang kita namin yun kahit pa malakas ang ulan. Paulet ulet nyang s-sinasabe na h-hindi sya aalis dun dahil baka daw bumalik ka at bawiin mo ang mga sinabe mo sakanya." Tuluyan na kong napaupo at humagulgol ng humagulgol. Naramdaman ko naman ang pag yakap nya saken habang inaalo ako at umiiyak din "Hindi ako galet sayo ate Phoebe .. wag mo sanang iisipin na kaya ko sinabe yun dahil galit ako sa ginawa mo kay kuya, I-I'm sorry ate .. gusto ko lang s-sana malaman mo ang nangyare n-nung araw na yun.. I'm sorry!" Umiiyak na sabe nya pero wala akong ibang marining at maramdaman ngayon kundi ang pagsisisi sa sarili at nagawa ko sa taong mahal na mahal ko ..

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now