CHAPTER 25

132 43 11
                                    

Dahil nanghihina napahawak ako counter top may narinig akong nahulog at nabasag. Sa halo halong emosyon ay tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig naramdaman ko ding may bumaon sa kaliwang kamay ko.

"Oh my god Bebe girl!!"

"Shit!" Naramdaman ko nalang na buhat buhat ako ng kung sino.

"Anong nangya--Fuck shit! What happened?!"

"Hala! Anong nangyare kay Phoebe?! my god!"

Dinig kong sigawan ng mga nasa paligid ko bakas ang pag aalala sa mga boses nila pero lutang ang isip ko ngayon at tulala sa kawalan. "Hey! Phoebe?Phoebe! Come on look at me!" Napaangat ang tingin ko kay Creed dahil sa pag yugyog nya saken nasa harap ko sya at nag aalalang nakatingin saken "fuck! Sabe ko na nga ba eh! Glenda please, baka may first aid kit dyan pakikuha naman!" salubong ang kilay at hindi mapakali nyang sabe kay Glenda. Hawak nya parin ang kamay ko kaya napatingin ako dun at nakitang puno ito ng dugo dahil sa bubog pero hindi ko manlang maramdaman ang saket nun dahil sa halo halong emosyon na nasa dibdib ko nakita ko ding binalot nya ng puting panyo at halos mapuno ng dugo ang panyo nya.

"O-oo! Sandale kukunin ko!" Wala sa sariling tumingin ako kay Glenda maluha luha ang mga nyang nakatingin saken halos nawalan din ng kulay ang muhka nya. Tatakbo na sana sya nang pigilan sya ni kuya Payton.

"Jesus! No need Glenda! Come on let's fucking take her to the hospital now! Kailangan matahi ang cut nya at masyado ng madaming dugo!" Salubong ang kilay at bakas din ang pag aalala sa mga mata na sigaw ni Kuya Payton habang nakatingin kay Creed.

"Okay! I'll just get my car ready. Hihintayin ko kayo sa parking!" Tumayo si Creed at narinig ko nalang na bumukas sara ang pinto.

"Sige na dalhin nyo na sya sa Hospital ako na bahalang mag sabe sa iba umalis na kayo ate Glenda." Dinig kong sabe ni Katy.

"Salamat Katy, Tara na Payton!"

"Come on baby hush now .. kuya's here." Tinitigan nya ko ng puno ng pasuyo saka pinunasan ang magkabilang pisngi ko pagkatapos ay binuhat ako.

"I'm sorry bebe girl! Please wag kana umiyak baka himatayin kana nanaman."dinig kong sabe ni Glenda at hawak ang kamay ko habang nasa elevator kame pero nakayuko lang ako habang nakasandal sa dibdib ni kuya ang ulo.

"W-wala akong i-inagaw kuya .. hindi ako ahas .. h-hindi.." umiiyak na bulong ko.

"Sssssh .. wala kang inagaw at hindi ka ganun okay? Alam mo at alam namin ang totoo kaya please baby." Saka nya hinalikan ang ulo ko.

*****
"Hindi naman ganun kalake ang hiwa pero tinahi parin namin dahil medyo malalim ang pagkakabaon nung bubog. Anyway, pwede nyo na syang iuwi. Sige po Mr.Yilmaz maiwan kona kayo."

"Maraming salamat."

"Thank you doc."

Nakatingin lang ako sa mga kapatid ko at doctor hanggang sa makaalis ito kasama ang nurse. Bumaling saken ang dalawa pa na bakas parin ng pag aalala pero iniwas ko ang tingin at hinanap ng mga mata ko ang gusto kong kausapin, "Glenda .." napatingin silang lahat saken ng nang mag salita ako. Nandito din ang girls maliban kay Katy. Lumapit naman saken si Glenda hinawakan ang isang kamay ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon