CHAPTER 17

128 43 2
                                    

Nag tuloy lang kame sa pag kaen, minsan nag uusap din kaming tatlo. Si Helios kase ay tahimik lang at nakikinig. May paminsan minsan ding lumalapit samen at mag papa picture or autograph samen ni Trisha.

"Dinala nga ako ni Helios dun sa lugar na madalas nyang pinupuntahan at sobrang ganda talaga! Kitang kita mo yung dagat pag nandun ka sobra talaga akong humanga sa lugar na yun at sobrang romantic din ng place! Sabe ko nga sakanya balik kame dun bago kame umuwi eh." bigla kong nabitawan ang tinidor na hawak ko kaya nag dulot yun ng ingay ramdam kong napatingin sila saken pero hindi ko magawang iangat ang tingin ko dahil nag uumpisang mag init ang sulok ng mga mata ko.

Hindi kaya dinala sya ni Helios kung saan kame laging pumupunta kapag nandito kame? No! He didn't.. hindi nya gagawin yun dahil pinangako namin sa isat isa na wala kaming ibang isasama sa lugar na yun kundi ang isa't isa.

"T-talaga? G-gusto ko tuloy makita."ramdam ko ang pag bara sa lalamunan ko kaya hirap akong mag salita hindi ko alam kung napansin nila yun na sana ay hindi.

"Gusto mo sumama kayo samen bago tayo umuwi sa makalawa? Balak ko kase bumalik dun mag papa picture ako for IG." kinurap ko ang mga mata ko bago ako nag angat ng tingin kay Trisha at ngumiti pero alam kong hindi umabot sa mga mata ko.

"S-sure sasama ako.."

"Ikaw Creed? Do you want to come with us too?"

"Yeah sure." Tipid ngiting sagot nya.

"Great! Mabuti nalang may ibang kasama pag kase kaming dalawa lang ni Hel parang bato ang kasama ko eh."
Nakasimangot ang muhka nito saka inirapan ang katabi.

"Cause your too loud Trish kaya hindi kona sinasabayan." lalong bumusangot ang muhka ni Trisha at pabirong pinalo ito. Malapit na talaga sila sa isa't isa...

"Sabe nila, mas okay daw na kausap mo yung madaldal atleast sigurado ka sa bukang bibig nito.. Kesa naman sa tahimik tapos ang daming secrets at madalas puro kasinungalingan ang sasabihin diba?" Alam kong hindi ito nag paparinig o nanandya pero kusa akong natamaan sa sinabe nya. Masama bang piliin kong tumahimik nalang at kimkiminin nalang ang lahat?

Natauhan ako ng lumapit ng bahagya saken si Creed at bumulong "are you okay Phoebe?" Tumingin ako sakanya bakas sa muhka nito na nag aalala ito saken. Hindi ko alam kung may napapansin naba sya basta ang gusto ko lang umalis na ngayon dito kaya umiling ako dahil yun ang totoo.

"B-bigla kaseng sumama pakiramdam ko gusto ko na sana m-mag pahinga." pag sisinungaling ko. Tumango naman sya at bumaling sa mga kasama namin.

"Excuse me, mauuna na kame sainyo. Sumama kase pakiramdam ni Phoebe siguro masyado syang napagod kanina sa photoshoot." Bumaling saken ng tingin ang dalawa, si Trisha bakas ang pag aalala sa muhka si Helios naman walang emosyon ang muhka.

"Ganun ba? Osige baka nga napagod sya sunod sunod din kase ang schedules nya eh, go ahead Creed pakihatid nalang din sana si Phoebe."

"Of course I will.. Una na kame." Nakangiting sagot nya saka tumango sa dalawa.

"Pasensya na Trisha bawi nalang ako next time." lumapit naman ako sakanya at bumeso saka ako inalalayan ni Creed at hindi kona yun tinanggal dahil kailangan ko din talaga. Bigla nalang kase akong nawalan ng lakas dahil sa mga narinig at topic kanina. Ayokong isiping yun nga ang tinutukoy ni Trisha na pinag dalhan sakanya ni Helios dahil para saken napaka espesyal ng lugar na yun. Hindi ko napansing nasa tapat na pala kame ng room ko kaya humarap ako kay Creed nakatingin ito saken ng seryoso kaya napabuntong hininga nalang ako.

"May gusto ka bang itanong?" I asked.

"May gusto ka bang sabihin o ikwento?" Natigilan ako sa tanong nya at hindi nakapag salita ngumiti naman sya saken, "Napanood ko yung sagot mo nung mag guest ka sa isang Talk show .. Pero kahit may hinala na ko hindi ako mag tatanong hanggat hindi ikaw ang kusang mag sabe saken." napangiti ako dahil sa sinabe nya. Hindi din ako makapaniwalang ang isang Creed Sandoval na kilalang hindi marunong mag seryoso, puro laro at parties ang alam ay may side palang ganito.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now