EPILOGUE

193 40 15
                                    

"Waaa! Mimi! Dada!"

"It's your fault!"

"No! It's your fault! Ikaw ang bumuhat sakanya!"

"Kase sabe mo buhatin ko sya eh!"

Nagluluto ako ng lunch para samen ng pamilya ko. Dahil maya maya ay kailangan ng mag ayos ng mga bata para sa pag pasok sa school lalo na at first day nila ngayon sa Kinder. Natigilan ako at napalingon sa Main door ng makarinig ng pagtatalo at pag iyak pinatay ko agad ang stove.

Napakunot ang noo ko ng makitang ang dudumi ng damet nila. Mabilis akong lumapit sa bunso namin dahil nakita kong panay ang iyak ni Paige dahil may maliit na gasgas sa braso at lalong umiyak ng makita ako kaya binuhat ko sya.

"Mimi I have boo boo." umiiyak na turo nito sa siko nya. Boo boo ang tawag nya sa mga sugat dahil mga kuya nya ang nag turo nun.

"Ssshh .. it's okay, it's okay .. stop crying baby mommy's here na.." pinunasan ko ang muhka nya habang inaalo. Pulang pula ang ilong at pisngi nya na namana talaga saken.

Paige Harmony Y. Gauthier ang 3 years old na unica hija namin ni Helios. Halos wala kameng pinag kaiba at kamuhkang kamuhka ko din sya maliban sa mga mata nyang kulay abo na namana nya sa Daddy nya. Nang tumahan si Paige saka ko hinarap ang dalawang Kuya nya na nakayuko habang nasa likod ang parehong mga kamay at pareho ding nakanguso at bumubulong bulong kaya naningkit ang mga mata ko.

"Hellion Zeus .. Hunter Zayn baket umiiyak ang kapatid nyo? nasan ang tita Heather nyo?" mahinahon kong tanong sakanila. Pareho naman silang nag angat ng tingin saken saka sila nagkatinginan na para bang nag uusap ang mga tingin sakto din naman ang pagbaba ng ama nila galing sa 2nd floor.

"Hey .. what happened to our Princess?" Humalik muna sya sa labi ko bago kinuha saken ang bunso nya at pinunasan ang luha dahil nag umpisa nanamang umiyak.. Ganyan yan kapag ang Dada nya ang kaharap gustong gusto laging nilalambing ng Daddy nya. Sinulyapan ko ang dalawang anak nya kaya napatingin din sya sa mga ito.

"Care to explain what happened young man?" Tanong nya kay Hellion dahil sya ang tinuturing na panganay. Mas nauna kase sya ng 2 minutes sa kakambal. Sakto din namang pumasok si Heather bakas ang pag aalala sa muhka habang may hawak milk bottle.

"My God! Sobrang nag alala ako akala ko kung nasan na kayong tatlo! I told you two to wait for tita dahil kukunin ko lang ang milk ni Paige." Baling nya sa dalawang pamangkin na nakanguso lang at nakatingin sa ama nila. Tinaasan naman sila ng dalawang kilay ng ama dahil hinihintay ang sagot nila.

"Dad it's not my fault si Hunter po ang nag buhat kay Baby Paige."nakangusong sagot nya. Pareho naman kameng tumingin kay Hunter na nanlalake ang matang nakatingin sa kakambal nya.

"Kase sabe mo buhatin ko sya eh!"
Nakasimangot na sisi naman sakanya ni Hunter at nag crossed arms pa.

"Yes but I didn't say na bitawan mo sya." Nakasimangot ding sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako saka ko sila hinawakan pareho para paupuin sa sofa. Pinagpag ko ang dumi sa damet nila at mga braso pati sa tuhod saka ako pumantay sa harap nila.

Si Heather naman ay nakita kong nag punta sa kuya nya para kunin si Paige.

"Kuya dalhin ko lang sa taas si Paige paliliguan ko saka gagamutin ko na din tong gasgas. I'm sorry kuya I didn't know na mangyayare to." dinig kong sabe ni Heather kay Helios.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now