CHAPTER 36

106 40 6
                                    

"Helios .. Phoebe anak, buti naman at nandito na kayo," Bungad samen ni Mama pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Helios ng Mansion. Una nyang niyakap si Helios sunod saken saka ako hinawakan sa pisngi. Si papa naman kausap si Helios "nag aalala ako dahil sa balita. Bunso kamusta hmm? Okay ka lang ba? Magsasabe ka kay Mama kapag may gusto kang sabihin ha? Wag mong kikimkimin hindi kona alam ang gagawin kapag naospital ka nanaman tulad noon dahil sa issues." Masuyo at puno ng pag pag aalala ang boses nya maging ang mga matang nakatingin saken at hawak ang magkabila kong pisngi.

Napasulyap ako kay Helios nakakunot ang noo nya sa narinig hindi ko kase nasabe sakanya ang pangyayare nung last issues. Bumaling ako kay mama saka sya hinawakan sa parehong kamay at nginitian "Okay lang ako ma.. maniwala man kayo sa hindi. Pero alam ko sa sarili kong kaya ko nang harapin ang lahat ngayon, hindi na ko natatakot dahil alam kong kasama kona ulet ang taong nag bibigay saken ng lakas bukod sainyo.. may kasama na kong lumaban ngayon." Abot hanggang tenga ang ngiti kong sagot at pinunasan ang pisngi nya dahil sa luha. Nararamdaman kong may brasong pumulupot sa bewang ko at hinalikan ako sa ulo tiningnan ko sya at pareho kameng ngumiti sa isa't isa.

"My God hon!" Naiiyak na tawag ni Mama kay papa kaya pareho kameng napatingin sakanila. "Sa wakas! muli kong nasilayan ang tunay na ngiti ng bunso naten." niyakap naman sya ni Papa saka hinalikan sa ulo.

"I know..nakita ko din hon." bumaling sya kay Helios saka ngumiti "thank you son."

"Hindi nyo kailangan mag pasalamat saken Tito, I love your daughter since day one.. kaya gagawin ko ang lahat. Wala ako sa tabe nya noong kalaban nya ang buong mundo.. but this time I wont let her fight alone." bumaling sya saken saka pinunasan ang luha sa pisngi ko. "I love you." sinubsob ko ang muhka sa dibdib nya.

"Thank you.. and I love you too."

******
"Pati ang mga kuya mo nag alala sayo lalo na nung hindi ka macontact nung gabe na umalis kayo." Sabe ni Mama.

"Nasira po kase ang phone ko kaya hindi ko kayo nasabihan, sorry po."
sumulyap ako ng tingin kay Helios na nakangising kumakaen sa tabe ko.
Dito na sya pinag lunch nila Mama pinag luto din kase sya ng paborito nyang pininyahang manok nung malamang magkasama kameng darating.

"Edi hindi mo pa nakakausap ang manager mo until now?" I nodded.

"Yes ma, pero may spare phone naman ako dyan sa taas and nakasave dun ang number ni Glenda. Tatawagan ko nalang sya mamaya."

"Good. Siguradong nag aalala na sya sayo .. I really love that girl talagang hindi lang pagiging manager mo ang ginagawa nya.. kapatid at kaibigan ang turing nya sainyo nyong lahat. Lalo kong napatunayan yun nung birthday mo.." napangiti ako sa sinabe ni Mama tumango naman si Papa na katabe nya.

"Yeah, your Mama is right princess..
Nakita ko din na kahit nag eenjoy sya nung party, inaasikaso parin nya kayong mga kaibigan nya especially your friend Katy.. naparami ata ang inom kaya sya ang nag asikaso." Napakunot ang noo ko sa sinabe ni Papa, si Katy? Saaming lahat si Katy ang hindi pala inom at iwas sa alak dahil sa nangyare sakanya noon. Uminom man sya nakaka tatlong shots lang ayaw na nya.

"Ganun talaga si Glenda Ma,Pa .. she's older than us kaya mas ate sya samen.. kahit strikto sya saken pag dating sa trabaho, hindi nya nakakalimutan maging kaibigan at ate kapag may problema ako."

"How old is she by the way? and does she have a boyfriend?" Tanong ni Mama.

"She just turned 26th last month and She's single. Actually NBSB ang isang yun."

"What? Sa ganda ng batang yun? Pero mas okay na din yun dahil tamang tama sya para sa kuya Pierre mo. Single." She giggled. Nasamid ako sa pag inom ng tubig maging si Papa na nabilaukan ata kaya mahinang tinapik sa likod ni Mama.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon