CHAPTER 10

137 56 4
                                    

"Excellent!" Yumuko ako at nag pasalamat sa mga nakatrabaho ko ngayon habang si Katy naman ay inabutan ako ng roba. Photoshoot namin ngayon ng bagong style ng swimsuit limang style ang salitan kong sinuot ngayon at bukas ang iba dahil sa ibang location naman yun kukunan.

"Hindi talaga ako nahihirapang kunan ka dahil bawat anggulo ay napaka ganda mo Miss Phoebe." namula naman ako dahil sa sinabe ng photographer namin. Actually bago lang ito dito yung pinaka photographer kase namin ay may emergency kaya 5 days na syang naka leave pero bukas alam ko ay papasok na ito.

"Thank you." ngumiti naman ito at napakamot ng batok. Mag sasalita sana sya ulet ng hilahin ako ni Glenda.

"Excuse me Jano kailan na kaseng mag palit ng bata ko baka magkasakit mag hapon ng nakababad ang katawan salamat."

"Oh ! Sure sure go ahead thank you for today Miss Glenda."

Habang nasa Van ay nag kukwentuhan lang kame ng iabot saken ni Katy ang cellphone ko.

"Kanina pa may chat ng chat sayo Miss Phoebe."

"Ay sige Thank you." binuksan ko naman ito at napailing nalang dahil tadtad ng chat galing kay Creed at nangungulit parin na pumayag akong mag lunch kame.

'Hi Miss Asul! Lunch tayo?"

Kahit gustihin ko ay wala akong time dahil puno ang schedule ko at madaliang kain lang ang nagagawa ko bigla ko tuloy naalala nung nasa Mansion pa ko nakakamiss tuloy sa bahay. Isang linggo na nag daan ng umuwi ako galing sa Mansion at sabak nanaman sa trabaho.

"Naku talaga yang si Jano halatang nag paparamdam sayo Bebe girl."

"Huh?" Takang tanong ko.

"Hindi mo dama? Kanina kopa dama sobrang makaingat kapag ikaw ang kaharap at parang tensyonado kapag kausap ka."

"Oo nga pansin ko din Miss phoebe."

"Parang hindi naman .. kayo talaga."

"Naku Katy ang alaga ko talaga ang manhid."

"Hehe oo nga Miss Glenda."

Maya maya ay nag salita ulet si Glenda na kinalingon namin
"Grabe nag daan na ang isang linggo hindi parin nawawala sa trending ang tungkol sa sagot mo nung nag Guest ka sa V&J show ang dami paring comments, tulad nito isang fanpage mo nakapost dito ang 'sino ba ang 'Lucky Guy' na nag paibig kay 'Angel Voice Phoebe Cardona ?' At kung ano ano pa."

Sabe kona nga ba hindi talaga agad mawawala ang topic na yun madaming curious.

"Tapos kaloka pati ang 'TRISHEL' ay umaarangkada din sa trending nagkaron na din sila ng Fanpage maraming kinikilig sakanila kaya naman kaliwat kanan din ang offer sakanilang mga Endorsement na magkasama sila."

"Bagay naman kase sila Miss Glenda."
Napayuko ako sa sinabe ni Katy at pasimpleng napahawak sa dibdib ko.

"Hmm , oo nga I agree Katy may che--"

"A-ah ano Katy pwede bang pakiabot ng Airpods ko sa bag? Inaantok kase ako gusto ko mag soundtrip."

"Ay sige wait kunin ko lang.." hinalungkat naman nito ang bag ko at ng makita ay inabot nya saken.

"Thanks katy."sinalpak ko agad sa magkabilang tenga ko para hindi ko marinig ang pag uusap nila hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako kung hindi lang ako ginising ni Katy.

"Phoebe nandito na tayo."

"Nakatulog pala ko."

"Hehe oo nga eh nag aantay na si Miss Glenda sa may labas."

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now