CHAPTER 24

112 41 4
                                    

"Kaninong Unit ba to mga bruha? Baka mamaya madali tayo dito ha! Naku parang awa nyo na hindi pa ko tapos sa issue ni Phoebe bilang broken hearted. Wag nyo na munang dagdagan baka pumuti ang buhok ko sa baba! Nakakahiya sa magiging asawa ko." walang humpay ang tawa namin ni Leigh Ann dahil sa reklamo ni Glenda. Naka blindfold kase sya ngayon habang papasok kame sa isang Unit na pina Rent ko at sila kuya Primo ang nag asikaso nung sabihin ko sakanilang lahat ang birthday surprise para kay Glenda dahil hindi pwede sa Unit ko alam kong wild ang mga girls pag nakainom.

"Happy birthday!!!"

"Oh my god!"

Masaya at malakas naming bati sakanya ng tanggalin ko ang blindfold nya. Pinag masdan ko ang buong sala at napangiti. Ang galing talagang mag decorate ni Antonette pag dating sa mga ganito, black and Rosegold ang theme na ginawa nya sa buong paligid kahit sa mga balloons. Si Katy naman nakatoka sa pag luluto at tinulungan nalang sya ni Kuya Payton sa pag hihiwa dahil wala namang alam sa pag luluto yun habang si Kuya Primo naman ay naka toka kay Baby Kurt.

"Hala! Hindi ko manlang napansing may paganito pala kayo saken. Akala ko bibile lang tayo ng beer sa baba at mag papakalasing!" natatawa man ay halatang naiiyak sya.

"Plano lahat ni Phoebe yan kaya toka toka kameng lahat sa pag hahanda."niyakap naman ako ni Glenda.

"Thank you so much bebe girl! nag abala pa kayo."

"Ako nalang kase ang walang regalo sayo kaya eto naisip ko. Tutal hindi din naman ako makalabas ngayon dahil alam mo na .." natawa naman sya sa sagot ko.

"Yeah. Baka madumog ka sa labas."parang wala sa sariling sagot nya kaya napakunot ang noo ko mag tatanong na sana ako ng May confetti na pumutok at pag lingon namin hawak hawak ni Kuya Primo at nakangiting aso.

"Sorry? Ang hirap kase eh. Di agad gumana kanina." napailing nalang kame at sinimulan ang party.

Nasa kalagitnaan kame ng party ng magising at umiyak si Kurt dahil naingayan.

"Katy, ako na. Mag enjoy ka lang dyan alam kong sobrang stressed ang dinulot ko sainyo." nakangiting pigil ko sakanya saka binuhat ang anak nya "anong gusto ng gwapo kong inaanak hmm?" Tanong ko kay Kurt

"Hala! Okay lang Phoebe." Nahihiyang sabe ni Katy kaya nginitian ko lang sya.

"Ninan Mimik po." Isang taon lang kase syang napa breastfed ni Katy dahil kailangan nyang mag trabaho agad kaya ngayon ay naka formula milk ito.

"Ow! Gusto mo ng Milk?" Tumango naman ito saka ako tumingin kay Katy "Nasan gatas nya?"

"Nasa kabila eh, sa bag nya."

"Sige na ako ng bahala sakanya."

"S-sige. Baby, wag pasaway kay Ninang okay?"

"Opo." Nakangusong sagot ni Kurt.

"Sige kame nalang kukuha .. naiingayan din siguro sya."

"Sige salamat Phoebe.. baby, kay naning muna ikaw ha? Kunin kita mamaya." Nakangiting sabe nya saka pinisil ang pisngi ng anak.

Lumabas ako na buhat ko si Kurt hindi na sya ganung umiiyak at nakayakap lang sa leeg ko. Natigilan at nanlake ang mata ko ng makitang may pamilyar na tao sa tapat ng unit ko at muhkang nag aantay na pag buksan sya.

"Creed!" Masayang tawag ko sakanya napatingin naman sya saken nag tataka kung baket sa ibang Unit ako galing at saka sya napatingin sa batang karga ko. Nakatalikod ito sakanya.

"Phoebe! Ayos ka lang ba? .. akala ko nandito ka sa Unit mo kaya nag punta ako. I tried to call you and Glenda pero walang sumasagot kaya mas nag alala ako akala ko kung ano ng nangyare dahil sa mga news." puno ng pag aalala nitong sinabe.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now