CHAPTER 23

125 43 2
                                    

"Graduation ng maging kame ni Helios and after a year saktong 18th birthday ko ng ipag tapat namin sa family ko at family nya na kame na at sobrang saya nila, hindi sila tumutol dahil sabe nila alam naman na nilang balang araw marerealized namin ang nararamdaman and this .." pinakita ko sakanya ang kaliwang wrist ko at tiningnan naman nya yun "its a couple tattoo."

"Actually matagal ko ng gustong itanong sayo tong tattoo na to dahil nag tataka ako kung baket kailangan mo pang lagyan ng concealer sa twing may guesting ka at lagi mo din pinapa Edit para tanggalin at hindi makita sa magazines or kahit saang pictures mo .. now I know.."

"Simula ng iwan ko sya at masaktan ..
Pilit kong kinalimutan lahat ng may connection sakanya kahit ang pamilya nya ay iniwasan ko din. Nilayo ko ang sarili ko sa mga tao at bagay na makakapag paalala sa nakaraan namin pero ..." muli kong pinag masdan ang kaliwang wrist ko at napaluha "kung ano pa yung alam kong permanenteng bagay yun pa ang hindi ko magawang ipatanggal."

"Ssssh .. tahan na, sorry kung pinag kwento kita. Makakasama sayo dahil baka mabinat ka."

"Okay lang .. kahit papano naman gumaan din ang dibdib ko dahil sa wakas nagawa kong ikwento sa iba... alam kong may mga bagay ka pang gustong malaman lalo na kung baket kame nag hiwalay pero .. p-pero kase."

"Ssshhh .. sapat na saken na kahit papano ay sinabe mo saken ang iba. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo lalo na sa lagay mo ngayon. Sige na, maiwan na muna kita at mag pahinga ka okay? Babalik ako bukas para kamustahin ka."

"Thank you ate Glenda." niyakap naman nya ko bago tumayo at lumabas ng kwarto ko. Maya maya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

****
"Ano bro?! Hindi nga dapat ganyan ang kinakaen ni bunso! Kailangan may sabaw."

"Idiot! Wala ng saket si bunso kaya pwede na syang kumaen ng mga ganito!"

"Kahit na! At baket ba ikaw ang nag luluto? Baka mamaya sumaket pa ang tyan namin sa luto mo."

"The heck! Edi wag kang kumaen kung ayaw mo ang arte mo bro!"

Napa facepalm nalang ako dahil sa naabutan ko sa kusina. Napaka kalat dahil sa ibat ibang ingredients at pagkaen na hindi ko mapangalanan. Isang linggo na ang lumipas nung nangyare yun at limang araw ng ganito ang senaryo dito sa Condo ko dahil sa dalawa kong kapatid. Sinabe ko naman kase sakanila na hindi na kailangan na dito sila mag stay pero nag matigas ang dalawa at yun na din ang utos ni Mama. Okay na din kame ni Mama nag punta sya dito kinagabihan nung ma discharged ako. Sya din ang nag asikaso saken at nag luluto ng pagkaen ko pero dalawang araw lang sya nakapag stay dahil hindi din nya matiis si Papa na nasa Mansion kaya naman napag desisyonan nilang samahan ako pansalamantala nila kuya pero para akong may mga nakakabatang kapatid dahil sa dalawang to!

"Oh baby gising kana pala," Lumapit sila saken at hinalikan ako sa ulo. "Upo kana kakaen na tayo."

"At mag handa ka na mamaya kapag sumaket ang tyan mo." binatukan naman ni kuya Payton si kuya Primo.

"Manahimik kana kumaen ka nalang."

Nandito kame ngayon sa living room nanonood ng movies at pangalawang movie na namin to. Hindi nila ako hinayaang mag cellphone o mag laptop sa loob ng isang linggo dahil pinapaiwas ako ng mga to sa mga bagay na nakakapag stress saken at wala akong kaalam alam kung anong naging reaksyon ng mga tao sa ginawa ko at .. kung anong reaksyon nya. Alerto din sila sa oras ng inom ko ng gamot. Hindi na din muna tumatanggap si Glenda ng mga projects at hinayaan akong magpahinga na pinag papasalamat ko.
Maya maya ay tumunog ang buzzer nag bato pick pa ang dalawa kung sinong mag bubukas ng pinto na kinailing ko nalang talaga.

"May inaasahan ba kayong darating?" Tanong ko kay kuya Payton dahil sya ang nanalo sa Bato pick nila nag kibit balikat naman sya at umiling.

"Heeeeeeeeeello!" Sabay kameng napalingon sa sumigaw napangiti ako ng makita sila Antonette,Leigh Ann, Glenda at Katy. Pero mas lalo akong napangiti ng makitag karga karga ni Katy ang anak nya kaya naman tumayo ako para kunin sakanya ito at nilaro. Habang lumalake ang anak nya mas lalong nakikita ang gwapong muhka nito. Hindi kamuhka ni Katy ang anak nya.. sa tingin ko'y sa ama nito namana ang lahat, ang blonde nitong buhok morenong kulay, ilong at labi. Tanging mga mata lang ni Katy ang nakuha sakanya.. at habang tumatagal na tinititigan ko ito ay parang nagiging pamilyar ang muhka nya o guni guni ko lang?

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now