CHAPTER 20

124 44 5
                                    

"Very well said. Malay mo naman." nakangising sabe ni Glenda sakanya "oh paikutin mona." sinunod naman ni Creed at pinaikot ang bote. Pakiramdam ko nang aasar ang bote na to eh babasagin ko to mamaya.

"Yan tayo eh! Ako mag tatanong kay Papa Helios!" Excited na sabe ni Josie.

"Hmm.. Josie pwede bang ako nalang mag tanong sakanya? Kung ayos lang sayo," nakangiting pag singit ni Creed sabay kindat dito. Natulala naman ang bakla at wala sa sariling tumango
"Salamat .." kumunot ang noo ko ng tumingin muna saken si Creed bago ito bumaling sa katabe ko kaya napatingin din tuloy ako. Seryoso ang muhka ng dalawa at hindi ko alam kung ako lang ba o pati ang mga kasama namin ay nararamdaman ang tensyon sakanilang dalawa and Take note nasa Gitna nila ako. Si Trisha naman nakatingin din sa dalawa at parang malalim ang iniisip actually kanina kopa talaga napapansin na parang may gumugulo sakanya dahil kanina pa din sya umiinom.

"Truth or Dare?"

"Truth." malamig na sagot ni Helios tumango naman si Creed bago nag salita.

"Baket mo hinayaang mawala 'sya' sayo .. baket mo pinakawalan kung alam mo namang mahal mo sya."

Halos mawalan na ko ng hininga dahil sa tanong nya kay Helios.. hindi ko alam kung nananadya ba sya kaya nya tinanong yun pero mas hindi ko inasahan ang sagot nito.

"I did. Lumaban ako para sa relasyon namin .. for her, ginawa ko lahat para hindi sya mawala saken but I failed. Mahirap lumaban lalo na kung yung taong nilalaban mo ang humiling sayo na pakawalan sya."

Napayuko at dahil ramdam kong gustong kumawala ng mga luha ko at ang sikip sikip ng dibdib ko dahil sa pag pipigil kong umiyak.

"Teka mga papabels! Ano ba yang topic nyo? Ang lalim hindi makasabay ang mga bakla!" Narinig kong bumuntong hininga si Creed na nasa tabe ko at marahang natawa saka sinagot si Josie.

"Nothing." simpleng sagot nya. Hindi ko magawang iangat ang ulo ko dahil natatakot akong biglang kumawala ang mga luha ko kaya naman wala sa sariling tumayo ako at pasalamat ko nalang dahil may mga tama na ang mga kasama namin kaya hindi nila ko masyadong pinag tuunan ng pansin maliban kay Creed na napaangat ng tingin saken.

"S-sandali lang.. mag ccr lang ako."

"Gusto mo bang samahan kita at hintayin sa labas?" Umiling agad ako at tipid na ngumiti. "Tawagan moko okay." tumango nalang ako dahil di ko na kayang mag salita pa pero palakad palang ako ng tawagin ako ni Trisha at kahit medyo may tama ito ay tuwid parin naman mag lakad at muhkang maayos pa naman.

"Phoooeeeeebe! Sama koooo kanina kopa gustong pumunta ng cr."

"H-ha ? S-sige tara na." Saka ko sya inalalayan.

Pagka pasok na pagka pasok namin ay tumakbo agad sya sa isang Cubicle at dun sumuka ng sumuka kaya naman marahan kong tinapik tapik sa likod hanggang sa matapos sya ako na din ang nag flushed. Inalalayan ko naman sya at nag lakad kame sa may lababo at dun sya nag hilamos.

"Ayos ka lang ba Trisha? Ang dame mo yatang nainom eh."

"A-ayos lang ako Phoebe don't worry.."

"Sige dito ka muna mag cr lang ako."

"Oooookay."

Pagkatapos kong mag cr ay nagulat ako ng wala si Trisha kung saan ko sya iniwan kanina. Kaya naman nag hugas muna ako ng kamay at pinatuyo bago ako lumabas para hanapin sya. Mahirap na dahil babae din ito at Artista baka kung anong mangyare at mabalita sa TV. Nag tuloy tuloy ako sa pag lalakad habang hinahanap sya hanggang sa mapunta ako sa garden na malapet lapet sa cr ng girls. May dim lights na nasa paligid kaya naman kita parin ang ganda ng Garden. Babalik na sana ako sa loob dahil baka bumalik na sya dun pero natigilan ako dahil sa pamilyar na boses na narinig ko kaya naman wala sa sariling nag tuloy ako sa pag lalakad at nakita kong may dalawang tao sa may bandang likod ng puno. Nanlake ang mga mata ko at pasimpleng nag tago ng makilala ko ang mga to.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now