CHAPTER 31

124 41 14
                                    

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sandaling ito habang hinahayaang halikan ako ni Creed. Hindi ko magawang tugunan ang mga halik nya dahil kahit alam ko kung sino ang may ari ng mga labing humahalik saken ngayon ay Sya parin ang nakikita ko sa isip ko .. hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Naramdaman ko nalang na marahang lumayo ang muhka ni Creed kaya binuksan ko ang mga mata ko pero halos huminto ang pag hinga ko ng tumama ang paningin ko sa mga mata ng taong laman ng isip ko ngayon nakatayo sya hindi kalayuan samen habang blangko ang ekspresyon ng muhka.

"H-Helios .." halos walang boses na bulong ko. Napansin ko naman na natigilan ang katabi ko at lumingon kung saan ako nakatingin. Nang tumalikod at mag umpisang maglakad si Helios ay balisang tumayo ako kahit walang suot na kahit ano sa paa ay lakad takbo ang ginawa ko mahabol lang sya hindi kona pinansin ang mga taong nadaanan namin at nag tatanong kung anong nangyare.

"Helios!" Tawag ko sakanya pero patuloy lang syang nag lalakad na parang walang naririnig.

"Helios sandali!"

Nasa pinto na sya ng mansion nang huminto sya sa pag lalakad pero hindi parin sya humarap kaya kahit nanginginig sa kaba ay pinilit ko paring mag salita.

"Y-You came .." unti unti syang humarap pero nanatiling blanko ang ekspresyon ng muhka nya.

"Yeah." napalunok ako sa lamig ng boses nya.

"Y-yung nakita mo k-kanina .." Nauutal kong sabe dahil na din sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Anong bang nakita ko?" Malamig nyang tanong habang nakatitig saken.

"The k-kissed." mahinang sagot ko. He nodded na para bang wala lang sakanya.

"Oh .. Pwede nyo nang ituloy nakaistorbo pa ata ako." napakurap ako sa sinabe nya.

"N-no .. it's n-not what you think it is.
W-wala--"

"You don't have to explain. It's normal for a couple to kiss. Anyway, I need to go Happy birthday Phoebe." Saka sya walang pasabing lumabas ng Mansion samantalang natulala ako ng ilang minuto at parang may sariling isip ang mga paa ko at tumakbo palabas para habulin sya.

"Phoebe!"

Dinig kong tawag saken nila kuya pero tuloy tuloy lang akong tumakbo para mahabol sya.. nakita kong nakasakay na sya sa kotse nya kaya lakas loob akong sumakay sa passenger's seat na kinagulat nya.

"What the hell are you doing here woman?!" Sinuot ko agad ang seat belt saka sya hinarap.

"Sasama ako kung san ka pupunta at hindi ako titigil hanggat hindi ko naeexplain ang sarili ko!" Buong tapang kong sagot sakanya "a-at gusto ko din sanang m-makausap ka." Nauutal na dagdag ko.

"Makausap? Nag usap na nga tayo and I said you don't need to explain yourself! I don't fucking care kung maghalikan pa kayo ng paulit ulit!" Nagulat ako ng mag taas sya ng boses napakadilim din ng mga mata nya maging ang panga nya ay umigting senyales na galit talaga sya.
Namasa agad ang mga mata ko at nag iwas ng tingin dahil nasaktan ako sa sinabe nya kaya hindi ako nag salita.
"And how about your fucking boyfriend huh?! Ayos lang sakanya na sumama ka EX mo?" Bakas ang pait sa boses nya.

EX lang ang Meron Wala akong boyfriend !

"Basta sasama ako!" Matigas na sagot ko sakanya habang ang tingin ay nasa labas parin ng bintana napaigtad pa ko ng marinig kong mag mura sya at hinampas ang manibela.

"Damn it! fine!"

Buong byahe ay walang umiimik samen hindi ko din alam kung san kame papunta hanggang sa di ko namalayan na huminto na pala. Derederetso syang bumaba ng saksakyan ng hindi manlang binuksan ang pinto ng passenger seat.
Busangot ang muhkang lumabas ako ng sasakyan nya. Dun ko lang din nakitang nakayapak parin pala ako may nakita din akong konting gasgas sa talampakan ko, siguro dahil sa pag takbo ko kanina. Maglalakad na sana ako pasunod sakanya ng matigilan ako dahil nakatingin din pala sya saken mula ulo hanggang pababa sa paa ko kaya napapahiyang pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko bukod sa nakayapak ako wala na din sa ayos ang suot kong dress kaya pasimple kong hinatak pababa dahil lumingkis na.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz