CHAPTER 45

135 45 7
                                    

This will be the last chapter of Again, Perfectly Tied. Thank you so much for the support,reads and comments sa story ni Helios and Phoebe. Sana'y suportahan din ninyo ang The Imperfect Heiress. Walang hanggang pasasalamat ang inyong Author, Loveyah!

~~~~~~~

Inalalayan akong tumayo ni Helios nagkatinginan kame at masayang lumapit sakanila. Sinalubong agad ako ng yakap ni Mama pagka lapit na pagka lapit namin sakanila. Nakita ko din na ganun ang ginawa ng parents ni Helios sakanya.

"I'm so happy for you baby.. sabe ko na nga ba ikaw ang unang haharap sa altar kesa sa mga kuya mo." umiiyak na natawa kameng dalawa ni Mama sa sinabe nya.

"Thank you Ma.. h-hindi ko akalain na darating kame sa ganito." hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at nginitian.

"Walang imposible para sa dalawang taong tunay na nag mamahalan anak."
Umiiyak akong tumango saka sya niyakap ulet.

"Ate."

"Phoebe anak .."

napahiwalay ako kay mama para yumakap kay Tita Hailey at Heather parepareho kameng umiiyak.

"Sa wakas! Magiging miyembro kana talaga ng pamilya namin! Magiging anak na talaga kita!" Umiiyak na sabe ni Tita ng maghiwalay kame.

"Ako din! Soon magiging tunay na Ate na kita! Omygosh! Excited na ko!"
Natawa ko sa energy ni Heather kahit umiiyak.

"Thank you .. ako din sobrang saya kong magiging part na ko ng family nyo tita Hailey .. Heather, thank you so much!" Muli ko silang niyakap sandali saka bumaling kay Tito Ethan na nasa gilid namin niyakap nya din ako.

"I'm happy for the both you, sabe ko na nga dito din ang bagsak nyo." mahina naman akong natawa.

"Salamat din po tito."

Napatingin ako kay Papa na nakatingin samen nakangiti sya pero kitang kita ko ang nag babadyang luha sa mga mata nya. Bilang Papa's Girl alam kong sobrang saya at lungkot ang nararamdaman nya ngayon.. saya dahil nakikita nyang masaya ang Prinsesa nya dahil sa Prinsepe nito.. lungkot dahil alam nyang kailangan na nyang pakawalan ang princesa at hayaang bumuo ng sarili nitong Pamilya.

"Papa .." umiiyak na niyakap ko sya ng sobrang higpit ganun din ang ginawa nya saka hinalikan ang ulo ko.

"Princess .. I'm happy for you sa wakas mararating mo na ang happy ending na pinapangarap mo." nakangiti akong tumango habang yakap sya.

"Y-yes Papa.. tulad ng fairy tales na lagi mong binabasa t-tuwing patutulugin moko." ramdam kong tumango sya habang yakap ako.

"Eh ang mga kuyas mo walang hug?"
Napatingin kame sa gilid napangiti ako ng makita ang tatlo kong kuya pare parehong naka dipa ang mga kamay kaya naman lumapit ako sakanila at niyakap nila akong tatlo.

"Tsk! I cant believe na mauunahan mo pa kameng magpakasal ng ate Micka mo." natatawang sabe ni kuya Payton kaya natawa din kame. Bahagya akong humiwalay para makaharap sila.
"But seriously I'm happy for you baby."

"Thank You kuya Payton."

"Langyang kumag yun itatali kana talaga tsk! Hoy Helios! Sagot mo beer mamaya ha!" Sigaw ni Kuya Primo kay Helios na ngayon ay kausap nila Mama at Papa.

"Kahit ilang case pa yan basta para sa torpeng tulad mo." nakangising sagot naman nito na kinatawa ng dalawa kong kuya ako naman nag tatakang tumingin kay Kuya Primo na tinaas ang gitnang daliri kay Helios pinalo ko naman ang kamay nya.

"Tsk! Pasmado bunganga mo bro! Badtrip ka!" Pero mas nginisian lang sya ni Helios. "Baby wag mo na ngang pakasalan yun." nakangusong sabe nya tinawanan lang namin sya. Nabaling ang tingin ko kay kuya Pierre na ginulo ang buhok ko.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now