CHAPTER 4

148 70 5
                                    

Nagising ako dahil sa sinag nag araw na tumatama sa aking muhka kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa side table para tingnan ang oras. It's already 8am in the morning at today ang guesting ko 11am kaya naman tumayo na ako at dumiretso sa bathroom para naligo dahil mahaba habang ayusan nanaman sa dressing room mamaya kaya bawat minuto at oras ay mahalaga dahil kung hindi magugulo ang schedule ko. Pagkatapos ko sa lahat ng morning routine ko ay bumaba na ko nasa hagdan palang naririnig ko na nag uusap si Katy at Glenda.

"Naloloka na ko sa taong yun! Napaka yabang! Gwapo nga ang hangin naman." Bakas ang iritasyon sa boses ni Glenda.

"eh Miss Glenda baka naman po may gusto sainyo kaya ganun." biro ni Katy.

Napakunot ang noo ko sa narinig kaya tumikhim ako at sabay naman silang napalingon saken "Goodmorning."
bati ko sakanila at bumeso.

"Goodmorning Miss Phoebe namile na po ako ng mga groceries nyo puno na po ulet ang ref nyo."

"Salamat Katy."

"Goodmorning sa napaka ganda kong alaga. So okay naman ang tulog?"

"Yeah. Kumpleto naman." pag sisinungaling ko. Kahit kase anong pagod ko at makatulog man ako agad ay nagigising parin ako ng alanganing oras at nahihirapan ulet makatulog kaya laging kulang sa tulog.

"Buti naman,nag luto na si Katy at kumaen na tayo dahil 11am ang guesting mo ngayon at sunod nun ay photoshoot para sa ieendorse mong mga swimsuit". Yes swimsuit,3 years na simula ng pumayag akong mag model para sa mga ganun. Nung una ay tutol ang mga possessive na mga lalake sa pamilya namin nangunguna dyan si Papa at ang mga kuya ko pero nadaan naman namin ni mama sa lambing pero sa isang kundisyon. Kapag swimsuit ang theme namin hindi pwedeng may male model akong makakasama dahil isang pitik lang daw ni Papa ipapasara nya ang kung anong magazine or endorsement company na may hawak nun once na may male model at ipublish nila. Syempre pumayag ako agad dahil ayokong mangyare yun at alam kong may isang salita ang Papa ko lalo na pag dating saken dahil nag iisang babaeng anak nya ako at bunso pa.

Tumango nalang ako sa sinabe ni Glenda at pumuwesto sa upuan ko at sabay sabay kaming kumaen ng may maalala ako.

"Nga pala, ano yung kaninang hinihimutok mo? May manliligaw ka?" Tanong ko kay Glenda at nagulat ako ng mabilaukan sya kaya naman napatayo agad si Katy at inabutan sya ng tubig. Namumula ang muhka ng tumingin saken ng masama.

"Gosh! Anong manliligaw,Sino?"

"Hehe Miss Phoebe may isang gwapong lalake po kaseng nakabangga si Miss Glenda kanina sa Mall nung nag grocery kame." Singit ni Katy sa usapan.

"Uh-huh .. so?" nanunuksong tanong ko.

"Eh natapunan po ni Miss Glenda ng Coffee yung Suit nung lalake ayun dun na sila nag start mag bangayan."

"Naku bebe girl kahit gwapo nga sya eh ubod naman ng sungit ang isang yun! Wag na wag lang talagang mag kukrus ulet ang landas namin kundi yari talaga sya saken." gigil na na gigil at namumula ang muhka nito.

Muhka nga talagang hindi maganda ang nangyare kanina dahil kilala ko si Glenda. Hindi sya mabilis magalit o maasar lalo na sa isang taong di naman nya kilala dahil sabe nga nya bawat isang tao ay may kanya kanyang ugali at pagkatao. Kaya mas mabuting intindihin nalang hanggat maaari. Pero kapag close na nya dyan na sya mag uumpisang mang asar at makipag biruan ng galit galitan.

Napailing nalang din ako. Kung sino man ang sumira sa umaga nya naku po goodluck.

****

Pagkadating namin sa studio ng Tv show ay pumunta agad kame sa dressing room at nakita ko si Trisha na inaayusan ng make up artist nya.
Masasabi kong maganda talaga si Trisha maikli lang ang buhok nito hanggang balikat pero tuwid na tuwid at itim na lalong nag paputi sakanya lagi syang naka dark lipstick kaya mas lalong tumatapang ang muhka nya sa unang tingin ay parang maldita ito pero pag nakasama mo sya ay may pagka kalog sya. sa itsura din nito halata na may lahi sya sa pagkalaalam ko Half American sya matangkad ako sakanya ng konti.

Again, Perfectly Tied- Yilmaz Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now